Chapter 16: Psyche VS Sharia

981 30 1
                                    

Psyche POV

Paakyat na ang elevator na sinasakyan ko. Muli kong bibisitahin si Matthew. Kahapon ay pinauwi ako ni Neon para makapag pahinga daw muna ako.

Sila ang nag bantay kay Matthew habang nasa bahay ako.
Salamat sa kanila dahil maasahan sila.

Nag bukas ang pinto ng elevator kaya nag lakad na ako papunta sa room ni Matthew. Naka ngiti kong binuksan ang doorknob ng pinto. Pero nawala din ang ngiti ko sa labi ng makita kung sino ang kasam ni Matthew sa loob.

"Are you okay now? We can go home so that you can rest properly." Sabi nito habang hawak ang dalawang kamay ni Matthew.

Kung ako parin siguro ang dating Psyche ay baka natutukan ko na ng baril si Sharia.

"I'm fine babe don't worry. How's the taping?" Tanong ni Matthew. Para akong nanunuod ng Live show dito sa hospital room ni Matthew. Isang live romance show. Tangina.

"It was good and you know what the director teach us well. And also the script writer she's so great in writings romance story like--"

"Psyche." Napukaw ang tingin ko kay Matthew na ngayun ay naka tingin sa akin. Napa tingin si Sharia sa gawi ko at ngumiti.

"Psyche its you oh my G! We met again!" Masayang sabi ni Sharia at lumapit sa akin saka nakipag beso.
Tanginang yan, bakit pakiramdam ko ako ang masama dito? Bakit pakiramdam ko ako ang kontra bidang sisira sa masayang kwento nila Matthew at Sharia?

"By the way what are you doing here? And beside you my fiancé know you? How you two know each other?" Sunod sunod niyang tanong.

Hindi nya pa pala alam?
Tumingin ako kay Matthew na blangkong naka tingin sa akin.

"I'm here for my Fiancé." Sagot ko sa unang tanong ni Sharia.

"Oh really? You actually found you're missing fiance? Where is he?"tanong ni Sharia sa akin habang may ngiti sa labi. Tumingin ako kay Matthew.

Tumingin din si Sharia kay Matthew.

"He's my Fiance." Sabi ko sabay turo kay Matthew. Ang kaninang naka ngiti niyang mukha ay napalitan ng seryosong awra. Dahan dahang lumingon sa akin si Sharia.

"You're kidding right?" Tanong ni Sharia sa akin.

"Do i look like joking? I'm serious here." Sabi ko habang naka harap sa kanya ng seryoso.

"Psyche... He's my fiance so how--"

"He's my missing fiance. He is Matthew not Vermone." Isang malakas na sampal ang nakuha ko kay Sharia.

"Sharia stop!" Dinig kong sabi ni Matthew.

Ngumisi lang ako.

"I have no time for shits Psyche." Mala demonyong sabi niya.

"You're the shit Sharia." Sabi ko at tinignan siya ng naka taas ang kilay. Wala na akong pake alam kung maging kontra bida ako or what but tama si Jello. Kailangan kong ipag laban ang nararapat saakin, ang pag mamay ari ko at yun ay si Matthew.

"How could you?" Tanong ni Sharia. "I'm you're friend." Dagdag niya.

"Excuse me? You are just imagining things Sharia. I didn't treat you as a friend. Cuz first of all. I hate hilaw na maputla." Sabi ko. Kumunot ang nuo niya.

"What?" Tanong niya.

"Wanna know what i said?" Tanong ko. "Go study how to talk tagalog First. Hindi ako ang mag aadjust para sayo." Sabi ko.

"What the hell are you saying?" Kunot nuong tanong nito.

"Psyche... Tama na umalis ka na." Napa tingin ako kay Matthew na naka tingin sa akin ng seryoso. Parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya.

"No... Ako ang nauna kaya--"

"Ano ba?!" Biglang sigaw ni Matthew kaya napa tigil ako.

"Sinabing hindi ako ang hinahanap mo Psyche! Kaya kong pwede ba umalis ka na!" Sigaw niya.

"I don't know what you two are saying but, you may now leaved Psyche. You just ruined our time--"

Isang malakas na sampal ang iginawad ko kay Sharia.

"How dare you?!" Sigaw niya habang naka hawak sa pisngi niya.

"I'm a destroyer that's why i ruined your time." Sabi ko at huminga ng malalim saka tinignan si Matthew.

"Matthew..."

"Umalis ka na."

Napa lunok ako. Bakit ganon? Ang akala ko pag nakita ko si Matthew ay sasaya na kami?
Bakit parang ang daya talaga ng kapalaran.

Nag lakad ako palapit sa kanya pero tanging galit lang ang nakikita ko sa mukha niya. Lumunok ako ng makalapit sa kanya saka ngumiti. Inilagay ko ang prutas na binili ko sa side table malapit sa kanya saka binalingan siya ng tingin.

"Mag palakas ka." Sabi ko at pinipilit na wag tumulo ang luha ko.

Iba ang kinikilala niyang Fiance... May Amnesia siya Psyche. Intindihin mo nalang.

"Babalik nalang ako--"

"Wag ka ng bumalik." Putol niya.
Tinignan ko siya sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin.

"Hindi kita kilala at mas lalong hindi kita kailangan." Napa ngiti ako ng mapait saka tumango tango. Hindi ko na kaya. Lalabas na ang mga luha ko, hindi dapat ako umiyak sa harap niya.

"Sige." Yan nalang ang nasabi ko saka nag madaling lumabas sa hospital niya. Binangga ko pa si Sharia sa balikat niya bago ako tuluyang maka labas ng hospital room ni Matthew.
Pagka sarado ko ng pinto ay agad na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napa takip nalang ako ng bibig at pinipigilang humikbi habang naka sandal ako sa pintong naka sarado.

Wala ng mas sasakit pa sa mga sinabi ni Matthew ngayun. Pero naiintindihan ko naman na kaya niya yun sinabi ay dahil may amnesia at di niya ako maalala.

Nanginginig kong kinuha ang phone kong nasa bulsa ng Pantaloon ko saka dinayal ang numero ni Jello.

Nag ring iyon ng tatlong beses bago nya sagutin.

(Ano ba natutulog ako eh.)

Kumawala ang isang hagulgol ko sa labi dahilan para mag tanong si Jello.

(Umiiyak ka ba? Nasa hospital ka diba? Ano patay na ba si Matthew?)

"G-gago ka." Sabi ko nalang.

(Ba't ka naiyak? Teka bakit mo ba ako tinawagan?)

"G." Sabi ko.

(Anong G?)

"Gago! Ihanda mo na yung eroplano." Sabi ko.

(Bakit uuwi na tayo ng Pilipinas?)

"Oo. Uuwi na tayo." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Kikidnapin natin mamayang gabi si Matthew." Sabi ko at binaba ang tawag.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceWhere stories live. Discover now