Chapter 11: Destiny Game

871 26 1
                                    

Psyche POV

Matapos ko makipag kwentuhan kay Sharia, umakyat na ako sa kwarto. Muli kong naalala yung sinabi ni Sharia na wala namang mawawala kung maniniwala kung maniniwala akong buhay pa si Matthew. Pero baka niloloko ko nalang ang sarili ko, na baka totoong wala na si Matthew. Na ako nalang ang di nakaka get over sa nangyare.

Muli ay tumulo ang luha ko. Acceptance, yan ang kailangan ko ngayun. I need to accept the fact na wala na talaga si Matthew. Oo ako nalang ang naniniwalang buhay siya, na babalik pa siya pero baka tama si Sharia, baka niloloko ko nalang ang sarili ko.

Sila kuya, Lukas, Neon at Jorgie naniniwala silang patay na si Matthew pero si Jello. Sinabi niya sa akin na buhay si Matthew na nakita niya ito harap harapan.

Gulong gulo na ako sa totoo lang, hindi ko alam kong ano ang paniniwalaan ko. Kung ano ang pang hahawakan ko.

"Psyche!" Agad na nag bukas ang pinto ng Kwarto ko at niluwa non si Neon na namumutla.

"Oh?"

"Psyche nakita ko siya! Nakita ko si Matthew nasa baba sya dali!" Sabi ni Neon. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napa tayo sa kina uupuan ko.  Tumakbo ako palabas ng kwarto at papunta ng gate pero walang Matthew na nandon.

"Wala naman." Disappointed kong sabi saka hinarap si Neon. Umiling iling siya.

"Sure ako Psyche si Matthew yun nakausap ko pa siya. Siya yung nag doorbell at pinag buksan ko ng pinto hinhanap niya pa nga si Sh--"

"Neon tama na." Putol ko sa sasabihin ni Neon. Kumunot ang nuo niya.

"Tama na..." Agad na tumulo ang luha ko. "Hindi ko na alam ang papaniwalaan ko Neon tama na." Sabi ko at huminga ng malalim. "Tanggap ko na... Tanggap ko ng wala na siya."

*pak

Isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni Neon.

"Listen, maniwala ka sa akin. Tama si Jello buhay si Matthew kaharap ko siya kanina at hinahanap niya si Sharia."kumunot ang nuo ko.

" si Sharia?"tanong ko.

"Yes and he said Fiance niya si Sharia. I don't know how but I'm sure nagka amnesia si Matthew." Sabi niya. Napa tingin ako sa bahay nila Sharia. Agad akong umakyat sa bakod at dali daling kumatok sa pinto ng bahay nila.

"What the--"

"Where's Sharia?" Agad kong tanong ng mag bukas ang pinto. Mama siguro ito ni Sharia.

"Who are you--"

"JUST ANSWER ME!" sigaw ko.

Nakita ko ang takot sa mukha nito.

"She's leaving she will back to Mexico with her Fiance. She's in Airport right now and--"

Agad akong tumakbo at inakyat ang bakod nila. Agad kong kinuha ang susi sa likod ng pinto at agad na tumakbo palabas.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Neon.

"Sa airport." Sagot ko at sumakay sa sasakyan.

"Susunod nalang kami! Dalian mo!" Sigaw niya. Agad kong pina harurot ang sasakyan papunta sa Airport. Ilang minuto pa ay naka rating na ako sa airport.

Agad akong bumaba at tumakbo papasok ng airport.

"Excuse me what time does the plane fly to Mexico?" Tanong ko sa information center.

"It's already fly 2 minutes ago ma'am." Sagot nito dahilan para manlambot ang tuhod ko.

"T-thank you." Agad na tumulo ang luha ko sa nalaman ko.

Tangina.... Hindi ko nanaman siya nakita. Hindi ko nanaman siya nakita ang lapit lapit niya lang pero shit hindi ko pa siya nakita.

Napa upo ako sa gitna ng daan dala ng pang hihina ko. Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa.
Bakit ganon? Bakit parang pinag lalaruan kami ng tadhana? Bakit parang ang lakas ng trip ng tadhana?

"Psyche!" Agad na lumapit sa akin sila Neon kasunod niya sila Jello, Jorgie Lukas at kuya.

"Naabutan mo ba?" Tanong ni Neon. Umiiyak akong umiling.

"Hindi." Umiiyak kong sagot. Niyakap ako ni Neon at doon ko nabuhos lahat ng iyak ko.

Bakit ganon?

"Sa Mexico lang naman punta nila diba?" Napa tingin ako kay Lukas.

"The plane is ready. Information nalang ang kulang." Sabi ni Lukas.

"Masyadong malaki ang Mexico para halughugin natin." Sabat ni Jello na karga ang isa sa mga kambal nila.

"I got already the information. Sharia Dicaprio and her location where she leave in Mexico." Sabi ni Jorgie na may hawak na iPod at doon naka tingin.

"Oh ano pang hinihintay natin? Tara na, kailangan natin mabawi ang bayaw ko." Sabi naman ni Kuya na karga ang isa sa mga kambal. Napa tayo ako sa kinauupuan ko.

Now... I make sure na makikita na kita ngayun Matthew.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceWhere stories live. Discover now