Chapter 6: Celebration

900 31 0
                                    

Psyche POV

"Lukas! Long time no see!" Bati ni kuya ng maka dating si Lukas sa harap ng bahay.

"Bro lalo kang gumwapo ha." Naka ngiting sabi ni Lukas at nakipag bromance kay kuya. Natawa nalang ako.

"Happy birthday Sister-in-law." Natatawang sabi ni Lukas ng maka lapit siya sa akin. Niyakap niya ako at may ibinigay sa akin.

"A little gift for you." Sabi niya. Kinuha ko naman iyon. "Thank you." Sabi ko.

"Nasa loob sila Jello, puntahan mo nalang sila don." Sabi ko. Tumango naman siya at nag punta sa loob.

"Lil Sis. Bat di mo i try na iinvite yung katabing bahay natin?" Tanong ni kuya sa akin kaya napa tingin ako sa kanya.

"Tutal na invite na namin lahat ng tao dito sa Village. Yung katabing bahay nalang natin ang di namin na invite. Naubusan ng invitation." Sabi niya.

"Sige sige." Sabi ko at nag lakad papunta sa harap ng gate ng katabing bahay namin.

Nag door bell ako ng dalawang beses,may lumabas na isang babaeng sa tingin ko ay kasing edad ko lang.

"Yes?" Tanong niya.

"Hey um... It's my birthday and um... I'm inviting you to my little celebration." Sabi ko at ngumiti.

"Ughm... Actually all of the neighbors leaving to this village is invited so i inviting you." Dagdag ko. Ngumiti siya.

"Sure, let me just call my boyfriend." Sabi niya. Ngumiti ako at pinanuod siyang pumasok sa bahay nila. Nag lakad ako papunta sa pwesto ni kuya.

"Oh ano?"

"Tinawag lang boyfriend niya." Sabi ko at tumingin sa malayo.

"Oh don't tell me inaalala mo si Matthew?" Tanong nya. Hindi ako sumagot.

"Lil sis. It's your day--"

"Our day kuya." Putol ko. "Birthday niya din ngayun." Sabi ko.

"I know but--"

"Hey." Tumingin kami sa nag salita at nakita ko yung babaeng kausap ko kanina.

"Oh where's your boyfriend?" Tanong ko.

"Ugh he's sleeping. He's really tired." Sagot nito.

"And i don't think so if i can join to your party cause I'm also tired. We've travel From Macao to Here. And i think i have jetlag too. I'm sorry but i need to sleep early." Sabi niya. Ngumiti ako.

"It's okay." Sabi ko.

"By the way happy birthday, wait what's your name?" She asked.

"Psyche." Sagot ko. Ngumiti siya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

"Happy birthday Psyche, by the way I'm Sharia." Sabi niya. Tinanggap ko naman ang kamay niya at niyakap niya ako.

"I'm really sorry Psyche." Sabi niya umiling ako.

"Its okay." Sabi ko.

"Don't worry are you free tomorrow?" Tanong niya. Bukas? Mag lilibot nga ako sa Canada bukas eh.

"I don't think so." Sagot ko. Nag pout siya and i find it cute.

"Here." Sabi niya at binigay ang calling card niya.

"Just call me if your free so i can treat you a coffee or what ever you like you know late birthday gift haha." Sabi niya kaya natawa ako. Kinuha ko yung calling Card at nilagay sa bulsa ko.

"Okay. Thank you and nice meeting you Sharia." Sabi ko. Ngumiti siya at lumingon muna kay Kuya.

"Need to go." Sabi niya at tumalikod na sa amin ni kuya. Pinanuod namin si Sharia na pumasok sa gate nila. Kumaway pa ito sa akin bago pumasok sa bahay nila.

"Ang gandang babae eh. Kung wala lang boyfriend yun baka naligawan ko na." Sabi ni Kuya kaya nilingon ko siya.

"May Fiance ka na ang landi mo talaga." Sabi ko.

"Aba sabi nga nila hanggat may buhay lumandi ka lang." Sabi niya. Inirapan ko lang siya.

"Psyche tara na sa loob start na ng party." Sabi Neon na bihis na bihis. Nag lakad na kami ni Kuya papasok sa loob ng bahay. Umalingawngaw agad ang malakas na music sa looban. Ang disco light at ang mga ininvite naming mga tao na ngayun ay nag sasayaw na.

"Excuse me ladies and gentleman." Sabi ni Neon habang may hawak siyang mic. Natuon ang atensyon sa kanya ng lahat.

"Let us all welcome, the birthday celebrant. Psyche." Sabi nito at nag palakpakan ng umakyat ako sa mini stage.

"Thank you for coming." Sabi ko at ngumiti.
"Thank you for joining me this day. For giving this awesome party. Hope you all enjoyed." Sabi ko at itinaas ang hawak kong wine glass.

"Cheers?"

"Cheers!"
Napa ngiti ako ng sindihan ni Lukas ang Cake na sobrang laki.

"Happy birthday Psyche! Happy birthday Psyche! Happy birthday happy birthday, happy birthday Psyche." Kanta nila. Naiyak ako kasi naalala ko si Matthew. Naalala ko yung araw na nag set up siya ng surpresa non para sa birthday naming dalawa.

Ipinikit ko ang mata ko at humiling.

"I wish, Matthew came back to me."  I open my eyes and blow the candles. Nag palakpakan ang lahat at muling umalingawngaw ang malakas na musika.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon