Chapter 4: Multo?

1K 29 2
                                    

Psyche POV

"Letseng Jello yan isip bata!" Inis na sabi ni Neon at umupo sa upuan niya.

"Oh ano nanamang nangyare?"tanong ko.

"Si Jello kasi tinakbuhan ako sabi ko sabay kami mag order pero letse tumakbo ba naman."sabi ni Neon at umirap.

"Alam mo naman yung asawa mo isip bata." Sabi ni kuya at nag tawanan kami.

"Speaking of isip bata ayan na siya." Sabi ni Jorgie kaya napa tingin kami sa gilid at nakita si Jello na naka tulala habang naglalakad papunta sa amin.

"Oh anong nang--"

"LETSE KANG LALAKI KA! PASALAMAT KA MAHAL KITA KAYA KITA PINAKASALAN NAPAKA ISIP BATA MO ALAM MO BANG PARANG NAG ALAGA NA AKO NG TATLONG MALILIIT NA BATA? NAKAKA INIS KA DADAGDAG KA PA SA MGA PADEDEHEN KO!" sigaw ni Neon kay Jello pero hindi manlang umimik si Jello. Nanatili siyang naka tulala na para bang naka kita ng patay.

"Hoy ano ba?! Unti nalang hihiwalayan na kita!" Inis na sabi ni Neon pero hindi siya pinansin ni Jello. Naupo si Jello sa upuan katabi ko at tulala lang siya. Nagka tinginan kaming lahat saka namin sabay na tinignan si Jello.

"Hoy ano bang nangyare?"tanong ko. Hindi umimik si Jello. Umupo si Neon sa upuan niya at namumula parin sa galit.

"Kumalma ka muna Neon, hayaan muna natin si Jello."sabi ni Jorgie at tumingin sa akin.

"Go Psyche gawin mo na." Sabi ni Jorgie sa akin tumango ako at hinarap si Jello. Isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Jello dahilan para matauhan siya.

"Multo! Multo! May multo!" Sigaw ni Jello habang nanlalaki ang mga mata. Kumunot ang mga nuo namin.

"Ano bang sinasabi mo?"tanong ni Kuya.

"Huminahon ka nga!"inis na sabi ni Neon.

"M-ay may multo! Na...nakita ko!" Takot niyang sabi.

Kinuha ni Neon yung katapat niyang baso na may malamig na tubig saka binuhos kay Jello dahilan para mapatayo si Jello.

"Ano ba?!" Inis na sabi ni Jello.

"Para ka kasing tanga anong multo pinag sasabi mo?"inis na sabi ni Neon.

"Letse kailangan basain mo ko? Pwede mo namang iabot sakin at iinumin ko nalang."inis na sabi ni Jello.

"Eh kung mag hiwalay na kaya tayo?"inis na tanong ni Neon.

"Pero mas bet ko parin yung binuhasan mo ko ng tubig ang lamig parang ikaw." Sabi ni Jello.

Tinignan sya ng masama ni Neon.

"Teka, Jello ano bang nangyare sayo?"tanong ni kuya.

"Oo nga. Para kang tangang naka tunganga kanina."sabi ni Jorgie.

"May nakita kasi ako." Sabi ni Jello. Inabutan ko siya ng tissue. tinanggap niya naman iyon at umupo ulit sa tabi ko.

"Ano nanamang nakita mo?"tanong ni Neon.

"Hindi ano kundi Sino." Sabi ni Jello kaya kumunot ang mga nuo namin.

Tumingin sa akin si Jello.

"Tama ka." Sabi nya kaya naguluhan ako.

"Ha?"

"Nakita ko siya." Natigilan ako sa sinabi ni Jello.

"Teka sinong siya?"tanong ni kuya.

"Si Matthew." Sagot ni Jello dahilan para mapatulala ako.

"Ano?"

"Ganito kasi yan, nag tatalo kami ni Neon kung sino oorder sa cashier tapos napikon ako kaya tumakbo ako palayo sa kaya tapos habag natakbo ako may nabangga akong babae, maganda siya, amerikana at parang kamukha niya si Iggy Azalea. Tapos tinulak ko palayo yung babae sakin kasi naka harang siya sa daan tapos biglang may nag sabi na 'PARE DI NAMAN ATA TAMA NA ITULAK MO ANG GIRLFRIEND KO.' nainis ako kasi sya na ang nakaharang kaya naman tinignan ko yung nag salitang lalaki tapos ayun nakita ko si Matthew kasama niya yung babaeng kamukha ni Iggy Azalea tapos ito namang babae hinila siya palabas ng Restaurant tapos--"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Jello, agad akong tumakbo palabas ng restaurant at hinanap si Matthew pero wala siya. Wala na siya. Pumunta ako sa tapat ng sasakyan namin at napansing wala na din yung katabi naming sasakyan. Agad na tumulo ang luha ko.

Sabi ko na nga ba at buhay ka...
Ang tanga ko kasi nasa malapit ka na nga di pa kita nakita.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceWhere stories live. Discover now