Chapter 20: Day 1

844 21 2
                                    

Matthew  POV

"Good morning Matthew." Tinignan ko ang bumati sa akin pagka labas ko ng kwarto. Si Psyche.

"Tara naka handa na ang pagkain sa baba. Nandoon na din sila Jello." Sabi niya at ngumiti. Nilagpasan ko siya at nag lakad pababa papunta sa dining room.

"Kumusta ang tulog mo Matthew?" Tanong ni Psyche sa akin habang pababa ako ng hagdan. Hindi ko siya pinansin.

"Ako ayus lang naman, masaya akong natulog kagabi kasi kasama na--"

"Can you please shut up?" Tanong ko at tinignan siya. Tumigil ako sa pag lalakad saka inirapan siya.

"Nakaka irita ang boses mo." Dagdag ko saka sinimulan ulit mag lakad. Nag punta na ako sa dining room. Nandoon na nga sila at hinihintay ako.

"Good morning lil bro." Bati nong Lukas.

"Morning abno." Sabi naman nong Jello.

"Zup." Wika naman ni Jorgie

"Nasan si Psyche?" Tanong naman nong Neon.

"I'm here." Nilingon ko yung likod ko at nandoon si Psyche na naka ngiti.

"Morning Psyche." Bati naman nong Amira ba yun?

"Umupo ka na Matthew."naka ngiting sabi ni Psyche at inusog ang isang bakanteng upuan. Tinignan ko lang siya at nilagpasan saka umupo doon sa isa pang bakanteng upuan katabi nong Amira.

Natahimik silang lahat sa ginawa ko. Pinag masdan ko si Psyche.
Nakita ko kung pano siya ngumiti ng pilit saka umupo sa upuang inusod niya.

"Psyche palit tayo." Sabi ni Amira at tumayo saka lumapit kay Psyche. Napa irap ako sa hangin saka kumuha ng kanin.

Naramdaman ko ang pag upo ni Psyche sa Tabi ko.

"Matthew try mo tong kainin." Sabi ni Psyche at inabot ang isang ulam.

"Alam mo ba, ang tawag mo sa pagkaing ito ay TunaLove." Sabi niya habang nilalagyan ng ulam ang plato ko.

Tunalove?

"Kasi sabi mo noon, simula ng makilala mo ako nagkaganiTuna na ang damdamin mo para sa akin." Sabi niya at natawa.

"Sounds corny pero kinilig ako nong sinabi mo yan sa akin." Sabi niya saka nilagyan ng pagkain ang plato niya..

Napapikit ako ng may biglang mag pop up sa isip ko.

"I made breakfast for you and i call this TunaLOve"

"Tuna?"Tanong ng isang babaeng walang mukha.

"Alam mo ba kung bakit tinawag ko tong tunalove?"tanong ko

"Dahil may halong pag mamahal yan? Alam ko na yan badoy pakinggan"sabi ng babae at kumuha ng tinapay saka umupo sa harap ko at pinanuod ako.

"No i called this TunaLove because nong una palang kitang makita nagka ganiTUNA ang damdamin ko sayo..."

Namula ang mukha ng babae.

"K"sabi nito at tumayo na saka lalabas na sana sya ng kitchen ng hatakin ko sya paharap sa akin.

Pinag dikit ko ang mga nuo namin at pinikit niya ang kanyang mga mata ako naman at titig na titig lamang sa kanya.

"1 Universe, 9 planets, 204 countries, 809 islands, 7 seas and i had the privilege of meeting you"sabi ko saka binukas ang mga mata ko nakita kong napa lunok siya ng mag tama nanaman ang mga tingin namin.


"Ang corny mo."sabi nya at tinulak ako bahagya para makahinga siya ng maayus. Natawa lang ako.

"Ayus lang maging corny basta sa taong mahal ko ito ipinapakita"sabi ko saka ngumiti.

"Isa pang ka cornihan jan papatayin na kita"sabi nya at inirapan ako.

"Sige patayin mo ako...patayin mo ako sa pag mamahal mo" naka ngiting sabi ko.

"Matthew?" Nabalik ako sa aking ulirat ng marinig ang boses ni Psyche.

"W-why?" Tanong ko.

"Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo. Ayaw mo ba?" Tanong niya. Tumingin ako sa pagkain ko saka sa mga kasama namin na naka tingin din sa akin.

Sinimulan ko nalang kumain ng tahimik at ganon din sila.

"Mag swi-swimming kami ni Neon mamaya ikaw?" Tanong ni Jello don kay Jorgie.

"Papapuntahin ko yung Girlfriend ko dito." Sabi niya at tumingin kay Lukas.

"Kayo?" Tanong nito.

"Sa rooftop kami mamaya ni Amira. Mag uusap kami." Sagot ni Lukas at tumingin kay Inigo.

"Ikaw?" Tanong ni Lukas.

"Papapuntahin ko yung Fiance ko dito."sabi ni Inigo at tumingin kay Psyche.

" kayo?"tanong nito. Tumingin ako kay Psyche na biglang tumingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin.

"Mag papahinga nalang siguro muna ako. Pagod din siguro si Matthew." Bakas sa boses niya ang pagka lungkot. Hindi ako kumibo.

Bakit nakokonsensya ako?

"Eh di mag bonding kayo sa kwarto you know, making baby-- Aray!" Angal ni Jello ng batukan siya ng asawa niya.

Nag patuloy lang ako sa pagkain habang sila ay nag uusap. Tahimik lang din si Psyche. Kumakain siya at parang ang lalim ng iniisip.

"Gusto kong..." Tumingin ako kay Psyche na napa tingin sa akin. "Gusto kong libutin itong isla... Samahan mo ko." Sabi ko at nag iwas ng tingin. Kitang kita ko sa peripheral vision ko na naka ngiti si Psyche.

"Sige ba... Pagkatapos nating kumain mag lilibot tayo." Sabi niya at kumain ng mabilis.

Napa ngiti ako sa isip isip ko. Parang magic word ang nasabi ko kay Psyche para kumain siya ng mabilis at magka ruon ng energy.

Why do i have this feelings na may makikita akong ilang memories pag nag kwekwento si Psyche?
And why do i have this feelings na bigla bigla nalang bibilis ang tibok ng puso ko?

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceWhere stories live. Discover now