Chapter Two

2.6K 45 0
                                    

NAPAHAWAK nang mahigpit sa manibela si Bradley nang matanaw ang pigura ng isang babae at isang bata sa may daan. Kamuntik na niyang masagasaan ng minamanehong kotse ang mga ito. Mabuti na lamang at mabilis ang naging kilos ng babaeng umaakay sa isang batang pulubi. Bababa sana siya para i-check ang mga ito pero naisip niya na baka may makakilala sa kaniya kaya nagdire-diretso na lamang siya.

Kagagaling niya sa isang party kung saan napadami ang inom niya. Ang akala niya ay makakaya niya pang panlabanan ang espiritu ng alak kaya tinanggihan niya ang suhestiyon ng kaniyang mga kaibigan na ipagdrive nalang siya. Noong una ay okay naman ang lahat, subalit habang tumatagal ay tila nawawala siya sa sarili, hindi niya namalayan na nag-o-over speeding na pala siya. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa kaniya na officer.

Isinandal niya ang ulo niya sa headrest ng driver's seat at hinilot-hilot ang nangingirot na sintido. Natigilan siya sa ginagawa nang biglang umilaw ang kaniyang phone na nasa may dashboard. Nang tingnan niya ay ang pangalan ng manager na si Lauren ang siyang bumungad sa kaniya. Napipilitang sinagot niya iyon.

"Brad, just what in the world are you doing!?" ang agad na singhal nito sa kaniya. "I told you not to go to that fucking party, didn't I? Bakit sinuway mo ako!? Bakit nagpunta ka pa rin!?"

Napabuga ng hangin si Brad. Birthday ng kaniyang kaibigan na si Tristan. How can he supposed to say no? Isa pa, matagal na silang hindi nagkikita nito at ng dalawa pang kaibigan na sina Connor at James. Ito lamang ang tanging araw na nagtagpo-tagpo ang kanilang mga schedule.

"Please, Lauren, not now." aniya na muling ipinagpatuloy ang paghilot-hilot sa sintindo habang nakikipag-usap sa speaker phone. "Kung gusto mo, bukas mo ako singhalan nang singhalan. I just can't listen to that now. My head is killing me."

Sa pagkakataong iyon ay si Lauren naman ang narinig niyang nagbuntong-hininga. Sa pakiwari niya ay tila kinokondisyon nito ang sarili. Nang tila magtagumpay ito ay saka lamang ito nagsalitang muli.

"Okay, Brad." mahinahon nang sabi nito. "But let me just remind you na bukas din ang araw nang launching mo as one of the new faces of this huge TV network. Ito na ang pinakamalaking break mo sa showbiz after five hard years of modeling. You can't afford to lose this chance, kaya please lang, siguraduhin mo bukas na maayos kang haharap sa media!"

Hindi kaagad nagawang tumugon ni Brad. Ang totoo niyan ay iyon talaga ang dahilan kung kaya nagpakalango siya sa alak nang araw na iyon. Gusto niya kasing kahit paano ay makalimutan ang napipintong pagpasok niya sa mundong noon pa ma'y inaayawan na niya.

"Sige na, Lauren," aniya na sadyang iniwasang magkomento sa huling sinabi nito. "I have to go. I'll just see you tomorrow. Bye,"

May sasabihin pa sana si Lauren subalit dali-dali na niyang pinatay ang phone. Nagpatuloy siya sa pagdadrive hanggang sa hindi niya namalayang narating na pala niya ang kaniyang condo. Sa halip na bumaba mula sa kotse ay dumukdok siya sa may manibela. Lauren was actually her aunt but she liked him to addressed her in her first name. Nang mamatay ang kaniyang mommy noong ten years old siya ay ito na ang kumupkop sa kaniya. Lauren was so fond about the showbiz industry kaya naman nang mapansin nito na may potensyal siya ay agad siya nitong hinasa. Sa murang edad na labing-dalawang taong gulang ay kung saan-saan TV search na siya nito isinali. Hanggang sa nang tumuntong siya ng eighteen ay nakahanap ito ng paraan para ipasok siya sa isang malaking modeling agency. Magmula noon ay ito na ang naging manager niya, officially Napakarami niyang naging kakompetensiya sa atensyon ng media kaya tumagal ng halos limang taon bago sa wakas ay nabigyan siya ng isang malaking break bilang isa sa mga pinakabagong talent ng isang TV network. Of course, Lauren was so happy, and proud. Napabuntong-hininga siyang muli. Kung sana lang ay kaya niyang sabihin sa sarili na tulad nito ay masaya rin siya at proud sa sarili.

RUN TO YOU (Published Under PHR)Where stories live. Discover now