Chapter Three

2.3K 49 1
                                    

NAKAPASKIL ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Brad habang unti-unting lumalayo sa taong nagkulong sa kaniya sa isang mundong hindi niya naman gusto. Ang sarap pala sa pakiramdam na sa wakas ay nakagawa siya ng desisyon para sa kaniyang sarili. Sandali niyang itinabi ang sasakyan para i-text ang kaibigang si James. I need your rest house's exact address. Asap. I'm on my way. Wala namang ligoy-ligoy na agad iyong ibigay sa kaniya ng kaibigan na may kasama pang note sa baba na nagsasabing I'm happy for you. Napangiti siya pagkat alam niyang totoong masaya ito sa kaniya. Brad was about to reply to James nang bigla siyang matigilan. Nakarinig kasi siya nang mahihinang katok mula sa may trunk ng kanyang sasakyan. Nagtatakang bumaba siya para i-check kung ano iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat nang may bumungad sa kaniyang isang hindi kilalang babae pagkabukas niyon.

"Who the hell are you!?" hindi makapaniwalang naibulalas niya habang titig na titig rito. "Anong ginagawa mo sa loob ng trunk ng sasakyan ko!?"

"Wait, bago mo ko i-interrogate, puwede bang huminga muna ko!?" anito na pawis na pawis at hinahabol ang hininga. "Hay, grabe, akala ko mamamatay na ko sa loob!"

Pinagkunutan niya ng noo ang babae. Isang simpleng blouse at maong pants ang suot nito. Nakaponytail ang hanggang balikat na buhok. Wala itong bitbit na kahit na ano bukod sa isang maliit na shoulder bag. She seemed familiar pero hindi niya matandaan kung saan niya ito unang nakita.

"Okay, can you just answer me now?" nayayamot na sabi niya rito. "Anong ginagawa mo sa loob ng trunk ng sasakyan ko!?"

"Okay, chill. Huwag mo akong sigawan. Hindi naman ako bingi," anito. "Pasensiya na kung basta nalang ako pumasok sa trunk ng sasakyan mo. Nataranta ako. Mayro'ng lalaking humahabol sa akin at—"

"What!? Mayro'ng humahabol sa'yo!? Oh, bloody hell!" pinagmasdan siya ito mula ulo hanggang paa. "Seriously, are you a fugitive or something!?"

Nanlaki ang mga mata nito sa narinig na huling tinuran niya. Umiling ito. Iwinagnag ang dalawang kamay.

"Hindi ako masamang tao, maniwala ka!" ang sabi nito sa kaniya. "Ang totoo niyan, yung lalaking humahabol sa akin ang masamang tao!"

"Yeah, whatever." aniya na tinalikuran na ito at muling tinunton ang driver's seat. "Ayokong madamay sa problema mo. I need to go now. I'm sorry,"

"T-teka, sandali lang naman," apela nito na humarang sa harap niya para hindi siya makapasok sa driver's seat. "So, gano'n-gano'n lang 'yon? Pagkatapos mo akong kaladkarin kung saan ay basta mo nalang ako iiwan!? Hindi ko alam ang lugar na ito at wala akong pamasahe pabalik, hello!?"

"You know what? It's not my problem anymore," tugon niya rito. "And for your information, hindi kita kinaladkad dito. Ikaw ang basta-bastang pumasok sa trunk ng sasakyan ko without my knowledge and permission. So, bottomline, ikaw ang humanap ng sarili mong paraan para makabalik kung saan ka nanggaling."

Pagkasabi niyon ay tinabig niya ito at tuluyan na siyang pumasok sa may driver's seat. Napanguso ito. Sinilip siya nito mula sa may bintana.

"Please, mister, huwag mo akong iwan dito." pakiusap nito sa kaniya. "Promise, mabait ako. Hindi ako nangangagat. Saka, naliligo ako at nag-tu-toothbrush three times a day."

Napapabuga ng hangin na napailing-iling siya. In-start niya ang makina. Nang mapahakbang ito palayo sa may bintana ay dali-dali na niyang pinaharurot palayo ang sasakyan. Pero ewan niya ba. Nang makita niya itong parang walang kinabukasan na naglakad at naupo sa may gilid ng daan ay parang may kung anong kumurot sa kaniyang puso. Shit, mahinang mura niya. Minaniobra niya pabalik ang sasakyan.

RUN TO YOU (Published Under PHR)Where stories live. Discover now