Chapter Six

2K 41 0
                                    

NAPAKAGAT-LABI si Glecerie habang pinagmamasdan si Brad. Nakaupo ito sa mahabang upuang kahaoy sa may harap ng rest house. Walang salitang basta na lamang siyang tinalikuran nito pagkakita na hawak niya ang magazine kung saan naro'n ito. Ang pakiramdam tuloy niya ay isang napakalaking kasalanan ang nagawa niya. Nag-aalinlangan man ay dahan-dahan siyang lumapit rito at naupo sa may tabi nito.

"H-hindi ko sinasadya, Brad," sinserong sabi niya rito nang mahanap ang boses. "Hindi ako makatulog kaya naisipan kong tingnan ang mga magazine sa rack."

Nagbuga ito ng hangin nang marinig ang kaniyang sinabi. Tumingala ito sa maiitim na ulap na para bang nag-iisip ng itutugon sa kaniya. Sa huli ay isang nakabibinging katahimikan ang matagal na namagitan sa kanilang dalawa.

"I never knew there was a copy of that magazine in here," mayamaya ay ipinahayag nito sa wakas. "Kung alam ko lang ay sinunog ko na sana agad iyon pagdating natin dito."

Napalunok si Glecerie. Hindi niya alam kung anong itutugon rito. Di kalaunan nang makapag-ipon na uli ng lakas ang loob ay saka lamang siya tumugon.

"K-kung makakagaan sa loob mo, pupuwede mong sabihin sa akin," sabi niya rito. "Willing naman akong makinig."

Sa pagkakataong iyon ay sinulyapan siya nito at matamang tinitigan. Para bang pinag-aaralan nito kung maaari nga nitong ipagkatiwala sa kaniya ang mga saloobin. Pagkuwa'y muli itong napabuntong-hininga.

"Well, as much as I want to keep it, I don't have a choice. Nakita mo nang nakaiprenta ang mukha ko sa magazine na 'yon," kibit-balikat na tugon nito. "As you see, Glecerie, I used to live in the fancy world of modeling. That's what I do. The day we met, 'yon ang araw ng biggest break ko sa showbiz na bunga ng ilang taon kong pagmomodel, but I throw the chance away. I ran away and did not attend the launching."

Napatunganga si Glecerie nang ma-absorbed ng kaniyang utak ang lahat ng sinabi nito. Kaya naman pala namumukod tangi ang taglay na kaguwapuhan nito ay dahil isa itong modelo. Pero ang isang tanong na naglalaro sa utak niya ngayon ay kung bakit kinakailangan nitong tumakas?

"A-Alam ko, wala akong karapatan magtanong, pero hindi ko lang kasi talaga maiwasan." lakas-loob na sabi niya rito. "Kung totoong biggest break mo iyon sa showbiz, bakit hindi ka sumipot?"

Sa ikalawang pagkakataon, muling namayani ang isang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila. Natensyon na naman siya. Hindi niya malaman sa sarili kung tama ba ang naging desisyon niya na itanong ang tungkol sa bagay na iyon.

"Alam mo yung pakiramdam na kailangan mong isakripisyo ang sarili mong mga pangarap para sa pangarap ng ibang tao? I never liked modeling nor the showbizness. It was Lauren, my auntie, who forced me to do it." kumuyom nang mahigpit ang mga palad nito pagkatapos. "Tumakas ako dahil hindi ko na kayang tuparin ang mga pangarap niya para sa sarili niya."

Natigilan si Glecerie. Habang pinagmamasdan niya ito nang mga sandaling iyon ay parang ibang Brad ang kaniyang kaharap. Puno ng sari-saring emosyon ang mga mata nito ngunit ang pinakanangingibabaw doon ay determinasyon.

"Naku, pareho lang naman pala tayong may tinatakasan, eh." pagkuway sabi niya rito. "Ang pinagkaiba nga lang, kung sa'yo ay showbizness, sa akin naman ay utang."

Napatitig sa kaniya muli si Brad. Kumunot ang noo nito na para bang nanghihingi ng paliwanag sa huling tinuran niya. Ngumiti siya rito.

"Mayro'ng iniwang malaking utang ang tatay ko sa sugalan ng isang mayaman at maimpluwensiyang tao sa amin," panimula niya. "Long story short, nang mamatay ang tatay ko, ako ang siyang inipit niya sa nasabing utang. Hi-na-hunting niya ako ngayon kasi kulang yung naibayad ko. Kaya, heto, wala rin akong nagawa kung hindi ang tumakas."

RUN TO YOU (Published Under PHR)Where stories live. Discover now