Chapter Eight

1.9K 40 0
                                    

NAGISING si Glecerie sa mabangong amoy ng egg and bacon kinabukasan. Nagtatakang dali-dali siyang bumangon at lumabas ng kaniyang kuwarto. Sa kusina siya agad nagtuloy at laking gulat niya nang makita si Brad na nakatayo sa may harap ng gas stove. Nagluluto ito, ngunit higit doon, mas higit siyang natulala sa nasaksihang anyo nito. He was only wearing ripped jeans down, while on top, tanging manipis lang na apron ang nakatabing sa katawan nito. Napamaang siya habang pinagmamasdan ang malapad na likuran nito. Nasa gano'n siyang ayos nang bigla itong lumingon.

"Oh, hey, good morning!" nakangiting bati nito pagharap sa kaniya. "Tamang-tama, maupo ka na rito at maghahain na ako."

Lalong natulala si Glecerie sa pagharap nito. Nakabakat kasi sa may suot nitong apron ang abs nito. Pakiramdam tuloy niya ay biglang uminit ang buong paligid kahit pa nga aircon naman ang buong rest house.

"B-bakit hindi mo ako ginising?" tanong niya rito nang sa wakas ay makahuma. "Bakit ikaw ang nagluto ng breakfast?"

Nagkibit-balikat lamang ito. Sinalinan siya nito ng fried rice sa kaniyang plato. Napipigilan naman ang hininga na pinagmasdan niya ang bawat galaw nito.

"Naisip ko kasi na puro ikaw nalang ang nagluluto magbuhat ng dumating tayo rito. I feel so guilty. Gusto ko naman na ako ang magsilbi sa'yo." Pinag-angatan siya nito ng tingin pagkatapos. "What do you like, anyway? Egg or bacon?"

Hindi kaagad rumehistro sa tenga ni Glecerie ang tanong nito. Naging abala kasi ang kaniyang utak sa pag-pa-process sa naunang pahayag nito. Gusto niya raw na siya naman ang magsilbi sa akin like omg! Ginawa niya ang lahat para mapigilan ang sarili na hindi tumili.

"Hey, Glece, are you okay?" he snapped nang hindi siya sumagot. "I am asking you which do you prefer. Egg or bacon?"

Parang no'n lamang niya nagawang matauhan. Napakurap-kurap siya. Pinagmasdan niya ang dalawang ulam na hawak nito.

"A-actually, parang hindi ko na nga kailangang mag-ulam, eh." Napatingin siyang muli sa may abs nito. Huli na nang marealized niya ang kaniyang sinabi. Nang pag-angatan niya ito ng paningin ay nakita niyang isang nakakatuksong ngiti ang nakasilay sa may labi nito. "A-ang ibig kong sabihin, hindi ko na kailangang mag-ulam kasi... itong fried rice. Tingnan mo, o. May kasama ng pork and beans."

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit ba ang reckless niya kahit kailan? Napapatango-tangong naupo na ito sa kaniyang harapan pagkatapos.

"Okay, sabi mo, eh," wika nito bagaman nakapaskil pa rin sa mukha ang isang nakakalokong ngiti. "I believe you."

Shit, kunin mo na ako ngayon, Lord! ang hindi magkandatutong naisaloob niya. Alam kasi niya na sinasakyan lang siya nito. Sa sobrang pagkapahiya ay hindi na uli siya nagsalita. Sa halip ay sinaksakan niya nang sinaksakan ang kaniyang bibig ng fried rice.

"Siya nga pala, after nito, magbihis ka." ang sabi nito sa kaniya. "Lalabas tayo ngayon para mamasyal."

Kamuntik na siyang mabulunan sa narinig na sinabi nito. Dali-dali niyang kinuha ang tubig at ininom ang laman niyon. Sinulyapan niya ito pagkatapos.

"S-seryoso ka? Lalabas tayo? As in ngayon?" hindi magkandatuto na tanong niya rito pagkatapos. "Paano yung kinocompose mo?"

"I've finished it already last night. Ang kailangan ko nalang gawin ay lapatan siya ng lyrics. With that, I need to look for an inspiration." isang makahulugang ngiti ang ipinagkaloob nito sa kaniya. "Kaya huwag ka nang mag-alala, okay?"

NAKAPLASTER sa mukha ni Glecerie ang isang matamis na ngiti. Para siyang isang paslit na pupunta sa Disneyland. Na-e-excite siya sa ideya na makakasama niya ngayong lumabas si Brad. She knows that it is a bit exaggerated but she can't help herself from assuming that it is some kind of a date. Nilingon niya ito mula sa may driver's seat. He's looking so handsome and hot at the same time with his checkered polo na bukas ang ilang butones sa itaas na bahagi. Mayro'ng shades na nakalagay sa ulo nito na humawi sa malago nitong kulot na buhok. Hay, pakiramdam niya ay isang Hollywood actor ang kasama niya nang mga sandaling iyon.

RUN TO YOU (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon