Chapter Four

2.1K 43 0
                                    

PANAY ang linga ni Glecerie sa kuwartong pinasukan ni Brad. Nakaligo na siya at nakapagpalit na rin ng damit pero hindi pa rin ito lumalabas. Sa kawalan ng gagawin ay naisipan niya na magluto na ng pagkain nila. Nagtungo siya sa kusina at chineck ang ref at pati na rin ang mga cupboard. Puno ng supplies ang mga iyon na para bang talagang pinaghandaan ang pagdating ni Brad. Nagsaing siya ng kanin, at dahil hindi niya alam kung anong gustong kainin ni Brad, nagsigang nalang siya ng hipon. Nakapagligpit na siya at nakatapos na rin magluto pero hindi pa rin ito lumalabas. Naisip niya na baka nakatulog ito kaya nagdesisyon siya na hatiran nalang ito ng pagkain sa may kuwarto. Naka-locked ang kuwarto nito kaya iiwan niya nalang sana iyon sa may harap ng pinto nang sa gulat niya ay bigla na lamang iyong bumukas.

"Anong ginagawa mo?" ang bungad nito sa kaniya. Magulo ang kulot nitong buhok at naniningkit pa ang mga mata na halatang galing sa pagtulog. Napatingin ito sa hawak niyang food tray at may kung anong emosyon ang dumaan sa mata nito nang makita ang laman niyon. "Sinigang na hipon?"

"Um, eh, hindi ko kasi alam kung anong gusto mong kainin." Napangiti siya nang tabingi. "Bakit, allergic ka ba sa seafood?"

Hindi nakapagsalita si Brad. Hindi siya allergic sa seafood. Ang totoo niyan ay paborito niya ang dish na iyon. Iyon ang madalas iluto ng kaniyang mommy para sa kaniya noong nabubuhay pa ito. Bigla niya tuloy itong naalala.

"No, this is actually my favorite." aniya bago niya pinagkalooban ang dalaga ng isang matipid na ngiti. "Thanks for cooking this."

Kinuha niya mula kay Glecerie ang food tray. Nagdire-diretso siya sa may porch pagkatapos. Naiwan namang natutulala si Glecerie.

"Wow, did he just smiled at me?" hindi makapaniwalang nawika niya sa sarili. "Ang weird naman,"

Sinundan niya ito sa may porch. Nakita niyang enjoy na enjoy ito sa paghigop ng sabaw ng kaniyang sinigang. Bigla siyang kinilig.

"Ano, kamusta ang lasa?" ang hindi niya naiwasang itanong rito. "Okay lang ba yung asim niya?"

Tumango ito. Napanguso naman siya sa pagkadismaya pagkat ang ibig sana niya ay marinig mismo sa bibig nito na masarap ang luto niya. Napatingin ito sa kaniya at nang makitang nakanguso siya ay napabuga ng hangin.

"Okay, fine, masarap na ang luto mo." ang sabi nito sa kaniya. "What? Okay na? Are you happy now?"

Siya naman ang tumango. Napailing-iling nalang ito. Ipinagpatuloy na muli nito ang pagkain pagkatapos.

"GLECERIE, ikaw ba yan, bes?" ang bungad kay Glecerie ng kaibigang si Chenet matapos marinig ang boses niya. "Nasaan ka nang lupalop ng mundo napadpad, bes!?"

Natawa nalang si Glecerie sa kaibigan. Alam niya na mag-aalala ito sa kaniya kapag hindi siya tumawag nang araw na iyon. Kaya naman nang makahanap ng tiyempo ay kaagad niya itong tinawagan gamit ang telepono sa naturang rest house.

"Chill lang, Chenet. Buhay pa naman ako. Saka, nasa maayos naman akong lugar." tugon niya rito. "Kamusta diyan?"

"Ayon, nakita kong nagroronda kanina sa bahay ninyo yung mga tauhan ni Don Vicente." ang sabi nito sa kaniya. "Mainit ang mata nila sa'yo ngayon dito, bes. Kaya kung nasaan ka man, stay put ka lang muna diyan. Huwag ka munang babalik dito."

Napalunok siya. Inaasahan na niyang magiging gano'n ang sitwasyon. Pakiramdam tuloy niya ay napakalaki ng ginawa niyang kasalanan at kailangan niyang magtago ngayon.

"Huwag kang mag-alala, ginagawan namin ng paraan ni mama yung kulang na utang mo kay Don Vicente. Nagsosolicit kami sa buong baranggay pati na rin sa may ibang baranggay. Para pagbalik mo rito ay maihampas mo sa mukha ng Don na 'yon yung kulang." sabi nito sa kaniya. "Sandali, eh, nasaan ka nga pala talaga?"

RUN TO YOU (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon