Chapter Thirteen

4.1K 90 7
                                    

"ALL I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah, is somebody to you. All I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah, is somebody to you. Everybody's tryin' to be a billionaire, but everytime I look at you, I just don't care. 'Cause all I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah, is somebody to you."

Kaligkigan ang mga kadalagahan na kumakain noon sa Carinderia nina Chenet habang pinapanood ang isang guwapong-guwapong lalaking nag-pe-perform sa telebisyon—walang iba kung hindi si Brad. Pagkatapos lamang ng anim na buwan ay mabilis na sumikat ang lead single sa album nito na ilalabas raw sa katapusan ng taon. Kabi-kabila ang pagpapatugtog ng nasabing kanta sa sari-saring radio station sa buong Pilipinas.

"Gusto mo ba palayasin ko ang mga hitad na 'yon?" bulong sa kaniya ni Chenet. "Sasabihin ko na ibabalot ko nalang 'yong kinakain nila at nang sa sarili nalang nilang mga bahay sila magkalat ng lagim."

"Sus, hayaan mo na, okay lang naman." sabi niya na nagkunwaring hindi naaapektuhan. "Sige ka,baka mabawasan pa kayo ng suki niyan."

Pinagmasdan siya ni Chenet. Napapakagat-labing nag-iwas agad siya ng tingin. Alam na alam talaga nito kapag nagsisinungaling siya.

"Alam mo, in fairness sa'yo bes, ang galing-galing mo sa taguan. Taguan ng feelings! Para namang hindi ko alam na balde-baldeng luha ang iniyak mo diyan sa Bradley na 'yan." ang sikmat nito sa kaniya. "Nagtataka lang ako sa'yo, bes, eh. Kung mahal mo pa, bakit hindi mo puntahan. Linisin mo ang pangalan mo sa kaniya, ganern!"

Natigilan siya. Hindi niya rin alam sa sarili niya kung bakit hindi na uli siya nagtangka na kausapin ang lalaki para ipaliwanag rito ang lahat. Siguro, nasaktan din talaga siya na mas pinili pa nitong pakinggan ang lalaking naabutan nitong kasama niya sa hotel nang gabing iyon, kaysa sa kaniya.

"Kung mahal niya rin ako, sana pinakinggan niya ako. Sana, hindi niya ako basta-basta hinusgahan. Pero, hindi, eh." naghihinanakit na sabi niya sa kaibigan. "Hayaan mo na. Ang mahalaga naman ngayon, masaya na siya. Ang mahalaga, natupad niya yung pangarap niya."

Nang una niyang mabalitaan na hindi ito bumalik sa showbiz at sa halip ay ipinagpatuloy nito ang musika ay ang saya-saya niya. Hindi niya alam kung paanong hindi pa rin ito nakumbinsi ni Lauren sa kabila nang ginawa nito sa kaniya. Para sa kaniya ay hindi naman na iyon ang mahalaga—ang mas mahalaga ay natupad nito ang pangarap nito.

"Sus, martyr niyebera ang peg, bes? Saksakin kaya kita ng sandok sa noo diyan nang matauhan ka!? Ikaw ang biktima dito, hindi siya, ano!?" sabi nito sa kaniya. "Pero, in fairness bes, malayo siya kay Shrek, ha. Para siyang isang prince charming mula sa faraway land. Yung tipong pag-aalalayan mo ng buong mundo mapasa'yo lang?"

Tinawanan niya lang ang kaibigan. Naalala niya ang unang beses na itanong nito sa kaniya ang hitsura ni Brad. Hitsura ni Shrek ang siyang ginamit niyang description dito.

"O siya, sige na, bes." paalam nito sa kaniya. "Sisimplehan ko na ng lipat ang channel ng TV at baka mag-cry a river ka uli rito."

Nakatawang nginusuan niya ito. For the past six months, pinipilit niyang magmukhang okay na sa harap ng kaibigan. Iyon ay sa kabila ng katotohanang hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang lalaki, at sa kabila ng mga masasakit na paratang nito sa kaniya, patuloy niya parin itong minamahal nang lubos.

SINULYAPAN ni Brad ang kaniyang suot na relo. Napabuga siya ng hangin nang makitang malapit na siyang mahuli para sa kaniyang rehearsal. Binilisan niya ang kaniyang pagtakbo at ilang minuto lang sa wakas ay narating na rin niya ang studio. Papunta na sana siya sa kaniyang dressing room nang harangin siya ng ilang mga taga-hanga sa may hallway.

RUN TO YOU (Published Under PHR)Where stories live. Discover now