Chapter Eleven

1.8K 40 0
                                    

NAPABUGA ng hangin si Glecerie nang matanaw si Lauren. Nang ipagtanong niya ito kanina sa reception ay ibinigay sa kaniya ng receptionist ang bilin nito na sa may coffee shop sa may tapat ng tinutuluyan nitong suite sila magkita. Habang naglalakad siya ngayon palapit dito ay parang ibig na niyang pagsisihan ang pakikipagkita rito.

"Hi, I supposed you remember me well from the other night." sabi nito sa kaniya na itinuro ang upuan sa harap nito. "Please, have a seat."

Naupo siya kagaya ng sinabi nito.

"Well, as by now, siguro naman ay naiparating na sa'yo ng kaibigan mo ang magandang balita." anito nang makaupo siya. "You are now free from the debts of your father. Maaari ka ng bumalik sa lugar n'yo. You can continue your life before you met my nephew."

"Paano mo nalaman ang tungkol sa utang ng tatay ko?" aniya na hindi pinansin ang mga pahayag nito. "Anong totoong motibo mo?"

Nagkibit-balikat ito saka humigop ng kape.

"Well, first of all, I have a lot of connections, you know? When I saw you, I secretly captured your photo. I sent it to an investigator who is a good friend of mine." ngumisi ito sa kaniya. "Ang dami niyang nahalukay tungkol sa nakaraan mo. One of it is the fact that your father was obsessed on some illegal stuff when he's still alive. And that your mother left you before you can even comprehend."

Kumuyom ang kaniyang mga palad. Pakiramdam niya ay biglang nanikip ang kaniyang dibdib nang dahil sa mga nakakainsultong pahayag nito. Humigop siya ng kape sa kaniyang harapan at pilit kinalma ang sarili. Napangisi naman si Lauren sa nakitang ginawa niya.

"Puwede ba huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa?" sabi niya rito nang makabawi. "Uulitin ko ang tanong ko, anong totoong motibo mo?"

"Very well," wika nito. "I believe you owe me something right now. After all, I save your face and paid your father's debt. Kaya naman, naririto ako ngayon sa harap mo, para ako naman ang maningil."

"M-maningil?" naguguluhang nasambit niya. "A-anong ibig mong sabihin?"

Nagbuga ito ng hangin.

"Huwag na tayong maglokohan pa rito, Glecerie. Alam natin pareho na isa ka sa malaking impluwensiya kay Brad kung bakit mas pinili niya ang musika. Kung mawawala ka, nakakasiguro ako na mawawalan na rin siya ng gana para ipagpatuloy iyon." sabi nito. "Ang gusto ko, ngayon na wala ka nang dahilan para magtago, bumalik ka na sa inyo. Iwanan mo na si Brad. Nang sa gayon ay muli nang bumalik ang interes niya sa showbizness."

Hindi makapaniwalang pinagmasdan niya ito.

"Gagawin mo talaga ang lahat para sa pansarili mong mga pangarap, eh, ano? Para sabihin ko sa'yo, hindi ko inimpluwensiyahan si Brad. Personal niyang desisyon ang ipagpatuloy ang pagtugtog at pagkanta." buwelta niya rito. "Isa pa, wala akong obligasyon sa'yo. Hindi ko hiniling na bayaran mo ang utang ng tatay ko. Kung gusto mo, magbabayad ako sa'yo sa ibang paraan, pero hindi sa ganito!"

Nagbuga muli ng hininga si Lauren.

"Well, then, I think you left me with no choice," makahulugang pahayag nito. "Pagsisisihan mo na tinanggihan mo ako, Glecerie."

Nangunot ang kaniyang noo.

"Anong sinasabi mo?" aniya. "Kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan na mas pinili ko ang pangarap ni Brad kaysa—"

Hindi na nagawa pang ituloy ni Glecerie ang kaniyang sinasabi. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Sinulyapan niya si Lauren at nakita niyang isang makahulugang ngiti ang nakapaskil sa labi nito. Iyon lamang ang huli niyang nagisnan bago unti-unting sumara ang talukap ng kaniyang mga mata.

RUN TO YOU (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon