Chapter Nine

1.8K 40 0
                                    

PINAGMASDAN ni Glecerie ang sarili sa salamin saka humugot ng isang malalim na hininga. Pagdating nila sa Lakeshore Estate na siyang huli nilang destinasyon ay kaagad na nagpaalam siya kay Brad na magbabanyo. Nakaya pa ng puso niya ang 200 feet na Pampanga Eye, pero ang sweetness na ipinapakita ni Brad magmula pa kanina, iyon ang sinukuan ng puso niya. Pakiramdam niya kapag hindi siya nakahanap ng paraan para kahit sandali ay makatakas sa paningin nito ay tuluyan na iyong sasabog. Hindi na niya alam sa sarili kung anong nangyayari at gulong-gulo na siya. Just the other day, she admit that she likes the guy, pero mabilis iyong nagbago. She really thinks that she's falling in love with him now...

"Hay nako, Glecerie, ano ba itong pinasok mo!?" pinagtatampal niya nang mahina ang kaniyang pisngi. "Umayos ka, okay?"

Ilang sandali pa niyang kinastigo ang sarili bago nagdesisyon na lumabas na ng banyo. Sa may hallway ay naabutan niyang naghihintay sa kaniya si Brad. Kaagad siya nitong nginitian pagkakita sa kaniya.

"I already talked to one of the staffs at ang sabi niya ay handa na yung bangka na gagamitin natin sa pag-iikot sa may lake," sabi nito sa kaniya. "So, shall we go?"

Bago pa siya makasagot ay inilahad na nito ang kamay. Napapalunok naman na inabot niya iyon. Inalalayan na siya nito patungo sa may bangka pagkatapos. Hanggang sa makapuwesto na sila sa naturang bangka ay hindi pa rin nito binitiwan ang kaniyang kamay.

"You know, I used to think that guitar is the only thing that I would hold with so much longing, but right now that I'm holding your hand, I feel like I don't want to let go of it." direkta siya nitong tinitigan sa kaniyang mga mata pagkatapos. "If I had to choose, I would go of it instead of a guitar."

Napanganga siya sa narinig na sinabi nito. Kaagad na namula ang magkabila niyang pisngi. Nang makahuma ay agad niyang ipinaling sa ibang direksyon ang kaniyang ulo.

"Oh, look, papalubog na yung araw, o." she said in hope to change the subject. "A-ang ganda, ano?"

Hindi ito nagsalita at sa halip na sa sunset tumingin ay nanatili itong nakatitig sa kaniya. Napabuga na lamang siya ng hangin sa kabang nadarama. Hindi na sila nakasakay sa Pampanga Eye pero bakit pakiramdam niya ay lumulutang pa rin siya?

NAPABUGA ng hangin si Brad habang pinagmamasdan si Glecerie. Sigurado siyang naguguluhan na ito sa kaniyang mga inaasal. Nakikita niya sa mga mata nito ang kaparehong damdamin na nararamdaman at alam niya na ang assurance na lamang mula sa kaniya ang tanging pumipigil rito upang pakawalan iyon. Kaya naman upang sa una't-huli ay pareho na silang lumaya ay nakahanda na siyang aminin ang lahat dito.

"The lake tour is finished," sabi niya rito nang marating nila ang kanilang pinanggalingan kanina. "I believe I owe you some good dinner."

"Aba, dapat lang!" ang nakatawa naman na sikmat nito sa kaniya. "Pinakaba mo kaya ako nang sobra kanina nang sumakay tayo sa Pampanga Eye."

He smiled at her. Inabot niya ang kamay nito at inalalayan ito sa pababa ng bangka. Pagkababa ay inakay niya ito di kalayuan sa lake kung saan may nakalatag na kumot at nakahain ang kanilang dinner.

"Oh, Brad!" Natutop ni Glecerie ang kaniyang bibig pagkakita ng kaniyang inihanda. "Ano ito!?"

"Well, I just thought that it would be great to eat dinner under the stars." Madilim na noon kaya naman nagsisimula na ring lumitaw ang mga makikinang na bituin sa may kalangitan. "I hope you like it."

"O-oo naman, ang ganda!" Parang hindi pa rin makapaniwala na bulalas nito bago nakangiting tumingin sa kaniya. "Thank you, Brad!"

Isang ngiti lamang din ang kaniyang itinugon dito. Nagtungo na sila at naupo sa naturang kumot pagkatapos. Masaya silang kumain hanggang sa mabusog sila. Nang matapos ay nahiga sila sa doon at pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

"Glecerie, remember about the music that I composed?" mayamaya ay tanong niya sa dalaga. "Nalapatan ko na siya ng lyrics kanina lang."

"Wow, totoo, Brad!?" Nagniningning ang mga mata na naibulalas ni Glecerie. "I'm so happy for you!"

"Thanks so much, Glecerie." nakangiting tugon niya sa dalaga. "By the way, would you like to hear it?"

Na-e-excite naman na tumango ang dalaga. Nagpaalam siya dito sandali para kuhanin sa kaniyang sasakyan ang kaniyang gitara. Nang makabalik ay pumwesto siya sa may harapan nito. Huminga muna siya nang malalim bago nagsimulang magstrum.

"I used to wanna be, living like there's only me. But now I spend my time, thinking about the way to get you off my mind."

Natigilan si Glecerie nang sabayan nito ng pagkatanta ang pagtugtog. His voice struck her heart much faster than how a rocket would strike the sky. Pero higit sa boses nito ay mas na-enchant siya sa liriko na tila ba personal nitong sinasabi sa kaniya.

"I used to be so tough, never really gave enough. And then you caught my eye, giving me the feeling of a lightning strike."

Naalala bigla ni Glecerie ang mga panahon na wala itong ginawa kung hindi ang sungitan siya. Ngunit tulad ng nasa kanta nito, kasingbilis ng kidlat, biglang nagbago ang lahat. Lumambot ang puso nito para sa kaniya na naging pangunahing dahilan ng pagkahulog niya rito.

"All I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah, is somebody to you. All I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah, is somebody to you. Everybody's tryin' to be a billionaire, but everytime I look at you, I just don't care. 'Cause all I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah, is somebody to you."

Nawalan ng imik si Glecerie sa pagtatapos ng kanta. It just left her breathless and memerized at the same time. Nagwala ang kaniyang dibdib nang makitang tumindig si Brad mula sa kinauupuan. Ibinaba nito ang gitara at dahan-dahang lumapit sa kaniya pagkatapos.

"I don't know how to say this, but really, the song is dedicated to you." ang rebelasyon nito na lalong nakapagpatigil ng mundo niya. "Nang tumakas ako sa launching, all I want to do is to go somewhere where eventually, magagawa kong tuparin ang pangarap ko. But when I met you and get to know you personally, doon ko narealized na higit sa pangarap ko, may iba akong pangarap na natagpuan. I was charmed with your beauty and good heart, and I'd like to tell you, I am in love with you, Glecerie."

NATULALA si Glecerie pagkarinig ng mga sinabi ni Brad. Ang pakiramdam niya ay nasa gitna lamang siya ng isang panaginip. Kumurap-kurap siya subalit nanatiling nakatayo sa kaniyang harapan si Brad habang punong-puno ng pagsusumamo ang mga mata. Nang sandali lamang na iyon niya napatunayan sa sarili na hindi siya nananaginip. Totoong-totoo na nagtapat ito ng pag-ibig sa kaniya.

"Glecerie, say something, please," pagsusumamamo nito. "Alam ko na nakakabigla ang mga nangyari. I wasn't expecting this also. Nagising nalang ako isang araw na ikaw na ang tinitibok nitong puso—"

Hindi na nito nagawa pang ituloy ang sinasabi. Niyakap niya itong bigla pagkat hindi niya na rin mapigilan ang kaniyang damdamin. Narealized niya noon lang na kaya pala sa simula palang ay nasasabik siyang makasama at makita ito lagi ay dahil sa unang pagsasalubong pa lamang ng kanilang mga mata ay may kakaiba na siyang naramdaman para rito.

"Hindi ko rin inaasahan ang nangyari, Brad. Nagising nalang din ako isang araw na mukha mo na ang hinahanap-hanap ko. Boses mo na ang lagi kong gustong marinig. Ang akala ko nabaliw na ako, pero nagkamali ako, puso ko pala ang siyang nabaliw sa'yo." naluluha na sabi niya rito. "Sinubukan kong itanggi sa sarili ko, pero kahit anong gawin ko ay lumalabas at lumalabas talaga ang totoo na tulad mo, natutunan na rin kitang mahalin."

Pagkasabi niyon ay kumalas sa kaniyang pagkakayakap si Brad. Nagniningning ang mga mata na pinagmasdan siya nito. Pinagsalop nito ang mga palad sa kaniyang magkabilang pisngi.

"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya, Glece," nakangiting wika nito. "You are much more worthy than anything I've ever dream of."

Direkta siya nitong tinitigan sa kaniyang mga mata bago dahan-dahang ilapit ang mukha sa kaniyang mukha. Napapikit na lamang siya nang tawirin nito ang maliit na distansiyang namamagitan sa kanilang mga labi. He planted one passionate kiss on her lips under the million twinkling stars in the night sky.

RUN TO YOU (Published Under PHR)Where stories live. Discover now