Chapter Ten

1.8K 34 0
                                    

SINULYAPAN ni Brad si Glecerie mula sa may passenger's seat. Pauwi na sila mula sa Lakeshore Estate pero parang nananaginip pa rin ang kaniyang pakiramdam. Ang buong akala niya ay musika ang nag-iisang bagay na magbibigay-kahulugan sa kaniya. Nagkamali siya dahil mas binigyan ni Glecerie ng kahulugan ang kaniyang pagkatao.

"Ang akala ko, ang pagtakas ko sa launching ang pinakamagandang araw sa buhay ko, nagkamali ako." Kinuha niya ang kamay nito at dinampian ng halik. "This is actually the best day of my life, Glecerie."

"Ako rin," nakangiting tugon nito sa kaniya. "Ito ang isa sa pinakamagandang araw sa buhay ko kasi nandito ka sa tabi ko."

They looked at each other with so much love in their eyes. Nagkuwentuhan sila nang nagkuwentuhan habang nasa biyahe hanggang sa hindi nila mamalayan na nakarating na pala sila sa may rest house. Nagtatawanan pa sila nang bumaba subalit agad rin silang natigilan nang mamataan ni Brad ang isang pamilyar na babaeng naghihintay sa may porch ng bahay. Kaagad na kumuyom ang kaniyang mga palad.

"B-brad, okay ka lang?" tanong ni Glecerie na agad nabahiran ng pag-aalala ang mukha. Pinagmasdan niya ang naturang babae sa may porch. Nakita niyang titig na titig ito sa kanila. "S-sino siya?"

"Glecerie, sige na, mauna ka na muna sa loob," sa halip ay tugon nito sa kaniya. "Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo ang lahat."

Nag-aalinlangan man ay sumunod siya sa sinabi nito. Nilampasan niya ang naturang babae na hindi mawaglit-waglit ang tingin sa kaniya. Nang makapasok na siya sa loob ay saka lamang hinarap ni Brad ang naturang babae.

"Anong ginagawa mo rito, Lauren?" walang kasigla-siglang bungad ni Brad dito. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?"

"Is that how you greet your aunt na siyang nagpalaki sa'yo at nagbigay lahat ng pangangailangan mo!?" may halong sarkasmo na sabi nito sa kaniya. "I can't believe you would do such thing to me, Brad! Alam mo kung gaano katagal nating pinaghirapan na magkaroon ka ng malaking break sa showbiz! You ruined our dream!"

"Walang akin sa pangarap na iyon, Lauren! Pangarap mo lang lahat iyon! Pangarap na sa akin mo ipinasa!" hindi na niya naiwasang hindi magtaas ng boses. "Alam mo mula umpisa na musika ang gusto ko. I don't have any interest with the limelight. Pero anong ginawa mo? Ipinagkait mo 'yon sa akin dahil makasarili ka!"

Gumuhit ang matinding pagkagulat sa mukha ni Lauren. Kasunod niyon ay bigla itong namula sa galit. Isang sampal ang ipinagkaloob nito sa kaniya.

"You, moron! Wala kang utang na loob! Kung makasarili ako, hindi na sana kita kinupkop at pinabayaan nalang kitang magutom sa kalsada!" galit na galit na sabi nito sa kaniya. "Hindi mo alam kung anong mga isinakripisyo ko para marating mo kung anong kinalalagyan mo ngayon, Brad!"

"Is that so? Puwes, hindi mo rin alam kung anong mga isinakripisyo ko, Lauren! Isinakripisyo ko ang sarili kong pangarap para sa pangarap mo!" ang buwelta niya rito. "I've suffered enough fulfilling your dreams for yourself, Lauren. Sa palagay ko ay sapat na iyong kabayaran para sa lahat ng mga ginawa mo sa akin. Now, it is time para ang pangarap ko naman ang siyang pagtuunan ko ng pansin."

Napatitig ito sa kaniya. Gumuhit ang labis na hinanakit sa mga mata. Kung alam lang nito kung gaano siya nasasaktan na kailangan nilang umabot sa gano'n.

"Why, Brad? Why would you do this? Is this because of her?" pagtukoy nito kay Glecerie. "Siya ba ang nagsabi sa'yo na talikuran mo na ang lahat para sa musika?"

"Leave her out of this, Lauren. Ako ang nagdesisyon nito. Ako ang may gusto nito." tugon niya rito. "Now, please, kung wala ka ng ibang sasabihin, makakaalis ka na."

RUN TO YOU (Published Under PHR)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu