Chapter Seven

2K 41 2
                                    

NAGPAHID ng pawis sa ulo si Glecerie matapos malagyan ng tubig ang loob ng washing machine. Nakatambak na ang mga marurumi nilang damit at plano niyang maglaba ngayon. Natapos na niyang paghiwa-hiwalayin ang kaniyang mga damit kaya naman ang mga damit naman ni Brad ang kaniyang pinagtuunan ng pansin. Kinuha niya ang laundry bin ng mga damit nito at sinimulan na rin iyong paghiwa-hiwalayin. Subalit pagdampot niya sa polo sa ibabaw ay natigilan na siya. Natukso siya na amuyin iyon. Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago niya iyon dahan-dahang ilapit sa kaniyang ilong. Napangiti siya pagkat kahit gamit na iyon ay ang bango-bango pa rin. Amoy heaven, sa isip niya.

"Glece, did you get my laundry—" natigilang wika ni Brad na bigla na lamang lumitaw mula sa bukana ng laundry room. "Hey, is that my polo?"

Parang hinoldap na bigla na lamang nanigas si Glecerie mula sa kinatatayuan. Napapikit siya nang mariin at nahiling na sana bumuka na ang lupa. Nang hindi dinggin ang kanyang hiling ay wala siyang nagawa kung hindi ang dahan-dahang lumingon dito.

"I-ikaw pala," lakas-loob na sabi niya rito. Ibinaba na niya uli sa laundry bin ang polo. Tumikhim siya. "C-chinecheck ko lang kung... malinis pa."

Naaaliw na pinagmasdan siya nito. "It is not," nakangising sabi nito sa kaniya pagkatapos. "Kaya nga nasa laundry bin, eh."

Napalunok nalang siya sa sinabi nito. Tumalikod na siya at hindi nagsalita. Kunwari ay pinagtuunan na niya ng pansin ang paghihiwa-hiwalay sa mga damit kahit pa nga ang totoo ay gusto niyang sabunutan ang sarili sa kagagahan.

"Anyway, I came here to give you this," wika nito na lumapit at inabot sa kaniya ang isang sobre. "Sana makatulong,"

"Huh?" sinilip niya ang laman ng envelope at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang pera ang nilalaman no'n. "P-para saan ang perang ito?"

"Well, pagkatapos kasi ng pag-uusap natin noong isang gabi, naisip ko na kailangan mo ng pera para makabayad sa utang ng papa mo." paliwanag nito. "I decided, bawat linggo ng serbisyo mo sa akin ay babayaran ko, sa gayon may maipandadagdag ka sa pambayad."

"Oh, no," umiiling na sabi niya saka niya muling ibinalik rito ang sobre. "Brad, pumayag ako na gagawin ko ng libre ang mga trabaho dito. Pinapatuloy mo nga ako rito at pinapakain nang walang bayad. Parang abuso naman na yata kung tatanggapin—"

Hindi na nagawa pang ituloy ni Glecerie ang sinasabi nang biglang kuhanin ni Brad ang isa niyang kamay. Isang kakaibang pakiramdam ang nanulay sa kaniyang balat habang hawak nito iyon. Bigla ring tila nagkagulo-gulo ang kaniyang sistema.

"Remember how you convinced me to bring you here with me? You held my hand. I'm also holding your hand right now, hoping that you would agree with me, too." Pinagmasdan siya nito nang nataman sa kaniyang mga mata at halos hindi siya kumurap ni huminga. "Glecerie, you've been here with me for days and believe me, you've been a lot of help. Huwag mong isipin na abuso ang tawag dito. I just want to help you the same way you're helping me."

"REMEMBER how you convinced me to bring you here with me? You held my hand. I'm also holding your hand right now, hoping that you would agree with me, too."

Napakurap-kurap si Glecerie nang muling manariwa sa kaniyang isip ang mga salitang iyon mula kay Brad. Kagaya nang sinabi nito ay malinaw niyang naaalala ang araw na una silang nagkita at hinawakan niya ang kamay nito para kumbinsihin na kupkupin siya pansamantala. Malinaw niya ring naaalala ang pakiramdam nang unang beses niyang hawakan ang kamay nito. Ibang-iba iyon sa pakiramdam nang mahawakan niya iyon kanina. Para bang sa pakiwari niya ay may elekrisidad na iyong kasama nang maglapat ang mga palad nila kanina.

RUN TO YOU (Published Under PHR)Where stories live. Discover now