Chapter Twelve

1.9K 36 2
                                    

BASANG-BASA na ng luha ang panyo ni Glecerie pero hindi pa rin niya maawat ang sarili sa pag-iyak. Nakaupo siya ngayon sa isa sa mga upuan sa may bus station at hinihintay si Chenet. Hindi na niya hinintay na palayasin siya ng binata at siya na ang nagkusang lumayas sa rest house. Iniwanan niya ang lahat ng gamit na binili nito sa kaniya at pati na rin ang perang ibinayad nito sa kaniyang serbisyo. Sa halip ay tinawagan niya ang kaibigan at nagpasundo rito. Nang magtanong ito kung anong nangyari ay sinabi niyang pag nagkita nalang silang dalawa at saka niya ipapaliwanag ang lahat.

Parang panaginip pa rin ang lahat ng nangyari para sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung bakit basta-basta na lamang siyang paparatangan ni Brad sa isang mabigat na kasalanan na hindi niya naman ginawa. Ang sama-sama ng loob niya dahil ni hindi man lamang nito pinakinggan ang side niya bago siya pagsabihan ng kung ano-anong masasakit na salita. Kung alam lamang nito na siya ang biktima rito. Hindi siya sumama sa pagluwas nito hindi para makipagkita sa isang lalaki kung hindi para makipagkita kay Lauren—Natigilan siya nang biglang sumagi sa isipan ang pangalan ng tiyahin nito.

Kung tama ang kaniyang pagkakaalala, bago siya tuluyang makaramdam ng pagkahilo, nakainom siya ng kapeng inorder nito. Nanariwa sa kaniyang alaala ang makahulugang ngiti nito habang unti-unting sumara ang talukap ng kaniyang mga mata. Sinubukan niyang i-konekta iyon sa sinasabi ni Brad na naabutan siya nito sa isang hotel kasama ang isang lalaki na nagsabing hinayaan niyang may mangyari sa kanila kapalit ng pera pambayad-utang niya—Nagimbal siya nang husto nang marealized kung ano ang nangyari!

Sinadyang bayaran ni Lauren ang utang ng kaniyang ama nang sa gayon ay makumbinsi siya nitong tuluyan nang layuan si Brad. Nang hindi siya pumayag ay humanap ito ng ibang paraan. I-sinet-up siya nito nang sa gayon ay mapalabas nito na binebenta niya ang sariling katawan para makapag-ipon nang pambayad niya sa utang ng kaniyang tatay. Naiyak siyang lalo sa magkakahalong galit, frustration, at pagkadismaya. Paano nito nagawa ang gano'n kasamang bagay? Sa kaniyang pag-iyak ay isang kamay ang naramdaman niyang pumatong sa isa niyang balikat. Nang mag-angat siya ng paningin ay bumungad sa kaniya si Chenet.

"Chenet!" Napatayo siya. Yumakap siya rito. Iyak pa rin siya nang iyak. "Chenet, ang tanga-tanga ko!"

"Sshh, tahan na," anito na tinapik-tapik nang marahan ang kaniyang likuran. "Tahan ka na at huwag ka nang umiyak."

Pero kahit anong sabihin nito ay hindi niya mapigilan ang mga luha. She feels so betrayed that time. Hindi siya makapaniwala na nawala sa kaniya ang kaisa-isang lalaking minahal niya nang dahil lamang sa pagiging makasarili ng tiyahin nito.

"HEY, pare, this is Tristan. Nasabi sa akin ni James na umalis ka na raw sa rest house ng family nila. Bumalik ka na ba ng condo mo? Ano ba talagang nangyari? We are so worried about you. When you get this, call me back, okay?"

Kasunod niyon ay ang tunog ng answering machine na palatandaan na tapos na ang mensahe. Kasabay ng pag-alis niya sa rest house nina James at pagbalik niya sa kaniyang condo ay ang pag-ulan rin ng tawag mula sa mga ito—but he entertained none. Wala pa siya sa sarili para magkuwento ukol sa kung anong kasawian ang dinulot sa kaniya ni Glecerie na basta-basta na lamang umalis ng walang paalam. When she left the house, he felt like there's also no need for him to stay there, kaya agad-agad na rin siyang lumuwas pabalik ng Manila. Sa loob ng ilang araw ay nilulunod niya ang sarili sa alak sa pag-asang magagawa niyong matakpan ang sakit na nararamdaman niya sa ginawa sa kaniya ng dalaga—he thought wrong. Natigil siya sa paglagok ng naturang alak sa bote nang makarinig ng mga yabag. Pagtingin niya ay bumungad sa kaniya si Lauren. Damn, he forgot that she has a spare key for his condo!

"My goodness, Brad! Look at yourself, you're a bloody mess! Anong ginagawa mo sa sarili mo!?" nameywang ito. "Paano nalang kung biglang may magpuntang media dito sa condo mo!? Or worse, your producers!? Hindi puwedeng makita ka nilang ganyan!"

RUN TO YOU (Published Under PHR)Where stories live. Discover now