Faith 🔹 5

21.2K 1.2K 135
                                    

Raven's POV

"GANITO lang araw-araw ang gagawin mo. Check ang shedule ng mga meetings ni boss. Timpla ng kape kung i-uutos niya lang. I-sosort ang mga files, encoding at taga check ng mga bagong dating na files galing sa ibang department bago mo ipakita kay boss. Medyo OC kasi yun at pagmay mali sa mga files ay umiinit ang ulo. Yan lang naman ang gagawin mo araw-araw, naiiba lang yan kung may iuutos siya sayo." Turo sa akin ni Martha.

Tinuruan na niya ako sa mga gawain ko. Madali lang naman pala dahil mga basic lamang ang gagawin ko. It's something that can be done in a day. I wonder bakit one week ang tagal ng training.

"Kailan pala ako magsisimula na magtrabaho?" Tanong ko naman rito. Kasi ang weird lang na ganito kasimpleng instruction ay dapat ituro sa aking ng isang lingo? Even a grade schooler can do this.

"Next week pa dahil—" biglang tumunog naman ang kanyang desk telephone. "Sandali lang." paalam nito sa akin bago niya ito sinagot. "HR department, Martha Speaking—yes—I see—alright—bye." Yun ang narinig ko sa kanya habang tumitigil ito para makinig sa kabilang linya.

Itinutok ko na lang ang mga mata ko sa ibang nagtatrabaho doon. Martha was making another phone call at may mga papel itong prinoseso. Ako? Nakaupo lang dahil hindi naman dito ang trabaho ko. They are busy stamping something na hindi ko alam kung ano. But I am sure they are papers.

"Raven." Napalingon naman ako kay Martha dahil kinuha niya ang atensyon ko.

"Hmm?" Naisagot ko sa kanya.

"You'll be starting today. Sorry, change of plan. Natanggal na naman kasi yun secretary ni boss." Saad nito at apologetic ang itsura nito.

Napalunok naman ako. So it's really true then. Fast paced masyado ang mga secretary dito dahil mabilis matanggal. Parang kinabahan na ako sa sarili ko. What if hindi niya magustohan ang trabaho ko? What if unang tingin pa lang sesantehin na niya ako?

Kinakabahan na tumayo ako. "Okay." I am hiding my nervousness. All I need is not to flirt right? And also not to offend the boss so I can keep my job. I am sure I can do that pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinakabahan ako ng ganito.

"Halika na sa top floor. Doon ang office ni boss." Yaya nito sa akin at nagsimula na kaming maglakad palabas ng operations para pumanhik sa elevator.

Nag-abang kami sa ordinaryong elevator doon at napapatingin ako minsan sa numero na pataas ng pataas mula sa baba hanggang sa tumunog na iyon at bumukas ang pintuan.

Naunang pumasok si Martha at sumunod naman ako. Mahigpit ang kapit ko sa bag ko.

Calm down yourself, Raven. Hindi ka naman papalpak sa trabaho mo at wala kang interes sa boss mo. Kumbinse ng utak ko sa sarili ko. Napahinga ako ng malalim bago ko pinakalma ang sarili ko.

The last floor is the 40th at narating na namin iyon at bumukas iyon. Agad na sumalubong sa aking pang-amoy ang amoy air freshener at kulay berde na carpet sa buong pasilyo. Ang kulay naman ng mga dingding doon ay kulay beige. Maraming ilaw at may mga halaman doon na hindi ko alam kung ano ang pangalan. May mga sofa din doon na tila waiting area at may malaking flat screen TV na hindi naman umaandar.

"I want this done immediately or else you're fired!" Napatigil ako sa paglalakad ko ng marinig ko ang parang kulog na sigaw mula sa loob ng isang mahogany door na may mga carvings ng mga fleur.

"Shit, mainit na naman ang ulo ni boss." Naituran naman ni Martha kaya kinabahan na naman ako bigla.

King-ina, ang awkward ng ganito na mainit ang ulo ng amo ko. Paano na lang kung ako ang pagbuntunan ng galit nito?

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon