Faith 🔹 24

21.1K 1K 198
                                    

Raven's POV

NAIHATID nga ako ni Vander sa mismong unit ko. Gusto pa niyang pumasok pero hindi na ako pumayag dahil hindi pa ako nakapaglinis. Nakakahiya sa kanya at masyado na rin gabi, baka ano pa ang isipin ng mga tao na nagpapapasok ako ng lalaki dis-oras ng gabi. Wala naman magawa si Vander kaya nakontento na lang ito at umuwi na din.

Naging everyday routine na sa kanya ang pagpapadala sa akin ng bulaklak, lunch and even dinner. Lagi kaming lumalabas na magkasama, pero sa council ministry naman ay halos itulak ko siya palayo, para lang hindi kami mahalata ng mga katrabaho namin. I don't want to get attention at alam ko na nababanas si Vander doon pero pinagbigyan pa rin niya ako.

Vander is a sweet guy, pero napapansin ko na parang may pagkaseloso ito. There is this once na may lalaking tumingin lang sa akin at ang sama-sama na ng tingin niya doon sa lalaki. Like he's going to murder the poor guy anytime. I guess, I will be careful with people around me dahil ayokong may magkagulo ng dahil lang sa selos.

Yung condo ko ay nagmistulang flowershop na dahil kay Vander. Hindi ko na nga mabilang ang mga bulaklak kaya pinatigil ko na siya sa pagbibigay dahil wala na akong paglagyan ng mga bulaklak.

Sina Bree naman at Haze, balak nila na makipagkita sa akin ngayon. Naghihintay ang dalawa sa isang tanyag na restaurant dito sa Metropolis kaya doon na ako dumerecho. Pero bago pa ako pumanhik sa table ay dumerecho muna ako sa restroom dahil naiihi na ako.

I was about to turn para pumasok ng may naulingan akong nag-uusap sa loob ng restroom.

"Wag mo akong kausapin Bryce." Malamig na turan ng kilala kong boses.

"H-haze... I'm really sorry. You know the situation." Napakunot na ako dahil sa pinag-uusapan ng dalawa. Nag-aaway ba sila? And what's with the first name basis? Nasaan na ang endearment nila na vaklah?

"I want to get even with you Bryce dahil sa sobrang galit ko sayo. Can I kiss another man as well? And I hope hindi ka magagalit." She said sarcastically and a bitter laugh reverberated from the room.

"Damn it Haze. Don't even try my patience. If you don't want me to murder whoever that guy is." Parang kulog iyon na kumalat sa buong kasulukan ng restroom at ngayon naman ay napatakip na ako sa aking bibig.

What the hell is going on? Anong meron sa kanilang dalawa?

"Damn you too Bryce! Pagkatapos mong magpanggap na bakla, pinatawad kita! Hindi naman yun big deal, kahit dati na alam ko na ikaw ang amour ko ay hindi ko matanggap dahil sino ba ang magiging masaya kung malalaman mo na bakla ang amour mo? Pinatawad kita, because instead of getting mad, I was happy dahil straight man ka naman pala. But now? I saw you with that fucking bitch kissing? Tapos gusto mo patawarin kita? Abnormal ka ba? Kung makita mo akong may kahalikan na iba, ano ang mararamdaman mo Bryce?! Magpapapiyesta? Damn you Bryce! Doon ka na sa babae mo, tutal pareho kayong mga haliparot." Singhal ni Haze rito at halatang gigil na gigil.

Napaatras naman ako ng isang beses dahil sa narinig ko. Si Bryce, nagpapanggap lang na bakla? Mag-amour ang dalawa? Holyshit! Tila yung nararamdaman kong pagkaihi kanina ay biglang umatras dahil sa mga narinig ko. All this time, ang dalawang ito pala ang mag-amour?

I still remember before how Haze said na malas ang amour ni Bree kasi bakla ito. But it was herself all along! Ni hindi ko man lang napaghalataan yun.

"I did not kiss her, for god's sake Haze. Magkaiba iyon naghalikan sa hinalikan. I did not even responded at tinulak ko kaagad siya! Do you think I will be attracted to another girl, knowing that I have you? Dahil kung ganyan sana ako karupok, noon pa sana ako nagkagusto kay Raven. But Haze, I did not dahil sayo ako attracted and I fucking love you! Kahit halikan pa ako ng ilang babae, balewala sa akin iyon. They don't matter to me, because you all that matters to me."

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon