Faith 🔹 13

20.8K 1K 37
                                    

Raven's POV

LULAN kami ng sasakyan at ihahatid nila ako sa condo na tinutuluyan ko. Ayaw ko pa noon una pero nagpumilit si Vander dahil delikado na daw at masyadong malalim na ang gabi. Alas nuebe pa lang, sa totoo lang at malalim na para sa kanya yun. Ano ako bata?

Medyo malayo din ang condo ko mula sa Cambridge Empire at mahirap na rin makahanap ng sasakyan. Kung may taxi, siguradong malaki din ang patak ng metro kaya pumayag na rin ako.

Pagod na ako sa totoo lang kaya halos nakahilata na ako sa backseat at hindi umiimik. Nakatanaw lang ako sa labas at nag-iimagine na sana ay nasa condo na ako at natutulog.

"You're tired." Puna ni Vander sa akin.

Tumango ako. "Tulog lang ang kailangan ko." Sagot ko naman sa kanya.

"You can sleep. I'll just wake you when we are already there." Turan nito.

Parang ginugupo naman ako ng antok pero nagulat na lamang ako ng maramdaman ko na tila may tumalsik sa bintana na bato na malakas ang pagkakabato.

Nanlaki naman bigla ang mga mata ko ng may mga sumunod pa at dinig na dinig ko na ang ingay ng pagputok ng baril. Pinapaulanan kami ng bala! May motor na din na sumabay sa amin at pinaulanan kami ng putok.

"Drive faster. I'll take care of this dickheads." Napamura na si Vander at tumingin naman siya sa akin. "Keep your head down, Raven. Do not watch."

Para naman akong robot na nagslouch ako para hindi ako makita at tumingin si Vander sa likuran. Nagpahewang gewang ang sasakyan para maiwasan nito ang lahat ng mga bala pero natatamaan pa rin ang sasakyan.

Nakaramdam na naman ako ng takot. After those years, ngayon lang din ako nakarinig ng pagputok ng baril at hindi lang isa kundi marami. I am trying to overcome this fear and somehow I was able to. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang matakot, lalo na at may kasama kaming inosenteng tao. Pero kahit takot ako ay gumaan konti ang nararamdaman ko ng ni isang bala ay walang tumagos sa sasakyan. Bullet proof car? I guess it's natural dahil anak ito ng presidente at pinakamayaman sa bansa.

Bakas sa mukha ni manong Samuel na natatakot ito pero patuloy lang ito sa pagmamaneho gaya ng utos ni Vander.

Pinakiramdaman ko naman ang aking paligid at binilang ko kung ilan ang humahabol sa amin. "There are twenty of them." Biglang saad ko. Naramdaman ko ang bawat galaw nila. They are riding a motorcycle, ang iba ay nakasasakyan.

Ngumisi naman si Vander. "Piece of cake." At narinig ko na lang ang mga banggaan sa likod namin na halatang may nangyayaring massive car crash.

Alam ko na kagagawan iyon ni Vander. I can do it as well, pero pinili ko na hindi makisali. One legendary to handle it is already too much.

Agad naman na dumukot ito sa cellphone niya at may tinawaga. "Go to this address, I'll send you the coordinate. 20 men down, possible suspect of the unknown killings—okay, I'll leave it to you." At tsaka ibinaba na niya ang tawag.

I guess he reported it to the police. Pero hindi ko inasahan na may mangyayaring ganito. It's in the middle of the city, ganoon sila karahas at kadesididong saktan kami. But obviously, it was Vander who's the target. Alangan naman ako di ba? I've been living peacefully since then kaya imposible na ako ang habol ng mga iyon.

"Why are they trying to kill you, sir?" Naitanong ko yun. I already have an answer in my mind but I just need confirmation.

"It's politics. If you hold a high position, you will be the targeted especially the rebels." Sagot nito sa akin.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon