Faith 🔹 7

21.7K 1.1K 149
                                    

Raven's POV

NANLULUMONG napaupo ako sa couch ng makauwi ako sa condo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun lahat sa akin. Napa-undertime ako ng walang consent mula kay Vander. Sariwa pa sa aking ala-ala ang mga nangyari kanina.

Ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin ni Vander. I can feel his heavy gaze at hindi man lang ito nahiya. Ako nga, hiyang hiya na harap-harapan makipagtitigan sa ibang tao pero siya, hindi man lang nararamdaman iyon. Ako pa nga itong nakakaramdam ng hiya. And for goodness sake, ako pa talaga ang nahihiya!

Wala akong narinig na komento mula sa kanyang mga bodyguards. The air is thick with tension and his perfume na tila nagpapalasing sa katinuan ko. But I am mentally slapping my face dahil baka kung ano ang magawa ko kung nawala ako sa sarili ko.

It feels like there is a ticking bomb between us. One moment earlier, I really thought he would say something but he remained silent.

Akala ko lang pala iyon. Kaya laking pasalamat ko na lang ng narating na namin ang top floor.

Walang imik na lumabas ako ng elevator at ramdam ko naman na nakasunod lang ito. Palapit na ako sa desk ko ng biglang hatakin ako ni Vander na ikinanlaki ng mga mata ko at bago pa ako nakapagsalita ay natagpuan ko na ang sarili ko sa loob ng opisina niya!

His office interior decoration screams with manly finesse. Hindi mo ito mapagkakamalan na pambabae. It was a mix color of black, silver and white.

His table is made of a black wood, I think it's an ebony wood tree. Wala akong ibang alam na itim na kahoy bukod doon. Not unless, wallpaper lang yan.

The floor is tiled with white. The chairs are made of silver with black center table and black velvety sofa.

And crap, nagkaroon pa talaga ako ng oras para punahin ang opisina niya.

I tried to reach out the door knob para buksan yun but it was locked unfortunately.

Inis na humarap ako kay Vander.

"What is it sir?" Matigas na tanong ko. Kung may i-uutos siya, siguro hindi naman kailangan na kaladkarin ako dito papasok. He can ask me nicely kahit pakitang tao lamang.

"That was not me." Sagot nito sa akin na matamang nakatingin sa akin. Hindi ko masyadong napansin na kanina pa ito nakatitig sa akin habang sinusuri ko ang kabuuan ng opisina niya.

Nagulohan naman ako sa sinabi niya. What the hell is he talking about? Anong hindi siya iyon? Ano ba ang tinutukoy ng lalaking ito? Naiinis ako dahil masyadong cryptic ang sinasabi nito at hindi kayang arukin ng karunongan ko.

"What do you mean sir?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. I maintained my professional look kahit gusto ko ng sumimangot sa kanya.

"You know what I am talking about Raven." Sagot nito sa akin like losing his patience.

"And I am not a seer sir. Just cut the crap and tell me what do you want." Derechang tugon ko rito na nauubusan na ng pasensya.

"Raven, you thought I was the one who tried to kill you five years ago. It was not—"

"Stop! I don't think this is the proper time for us to talk with personal issues sir. We are in our working hours and premise. If you have any concern with our personal issues, I recommend to put it aside sir." Malamig na putol ko sa kanya kahit ang totoo ay parang gusto ng magwala ng kaluluwa ko at magalit.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon