Faith 🔹 33

18.3K 904 41
                                    

Raven's POV

WRONG sent.

Yun ang naging sagot ko sa text nila. Tinitimbang ko ang mga pangyayari. Maybe they are just bluffing kaya ayokong pumatol. They don't know where my father is, dahil nagtatravel ito ngayon.

Pero kinakabahan pa rin ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba na wala man lang akong magawa. Pero paano kung totoo din ang pinagbabanta nila?

Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinupuntirya nila. I did nothing to them. Sila pa nga ang nananakit, pero bakit ako yung binabalikan? Bakit ako ang pinapahirapan?

Beep!

Tumunog naman ang cellphone ko sanhi na may text na naman akong natanggap. It's from the same unregistered number at may attachment na nakalagay doon.

Nanginginig ang mga kamay kong kinuha at binuksan ang mensahe na pinadala nila. Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng makita ang larawan na pinadala nila.

It was my father, naglalakad sa isang hindi pamilyar na lugar. Meron din mensahe na kalakip ng larawan.

Wag kang magsinungaling. Isang kalabit lang namin ay patay ang ama mo dito sa Port Laurel.

Pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng dugo sa buong katawan ko. Nanlamig ako. Hindi lang ito bastang pananakot. Totoo ito at nanganganib si Papa! Bigla akong nataranta dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Biglang nagring na naman cellphone ko at nakita ko doon ang unregistered number na tumatawag. Kaagad ko iyon pinindot at sinagot.

"Try to touch my father's single strand of his hair and I will kill you all instantly." Madilim na sagot ko sa tawag at kung nasa harapan ko sila ngayon ay mapapatay ko silang lahat. I won't hesitate to kill if it means to save my father. I will do everything to protect him.

"I know you can do more than that, Raven. But I don't value my life. Ano ngayon kung papatayin mo kami? Ano pa ang magagawa mo kung patay na rin ang ama mo? We know the likes of you doesn't have necromancy. You can't turn a dead back to life." Sagot ng kabilang linya ng boses lalaki at tumawa pa ito ng nakakaloko.

Gusto kong umiyak at magsisisigaw sa galit. Pero ano ang magagawa ko? Resurrecting the dead is against the nature. At wala din iyon sa abilidad ng kahit na sinong legendary. It's a limit.

"Wag niyong saktan ang ama ko!" Gigil na sagot ko rito. Nagtatagis na ang mga bagang ko at gusto ko silang saktan!

"Hahahahahaha. Madali lang naman akong kausap, Raven. Ang gusto ko ay pumunta ka sa lugar na sinabi ko kanina. Wala naman tayong gagawin. May pag-uusapan lang tayo." Sagot nito sa akin.

Pero duda ako na may sasabihin lang ito sa akin.

"Bakit kailangan pa doon, kung pwede naman dito?" Madilim pa rin ang itsura ko. Kung kaya ko lang pumasok sa cellphone at lumabas sa kabila para patayin ang kausap ko ngayon ay ginawa ko na sana.

"Mas gusto kitang kausapin sa personal, Raven. Alam ko na kaya mo akong patayin sa isang iglap lang. Pero, oras na saktan mo ako ay mamamatay din ang ama mo. At kailangan ikaw lang din ang mag-isa na pumunta dito. Oras na malaman ito ni Cambridge, ay katapusan na ng ama mo." Banta nito sa akin at alam ko na hindi ito nagbibiro base na rin sa tono ng pananalita niya.

Ngumisi naman ako. "Akala ko ba, wala kang pakialam kung mamamatay ka man? Pero bakit kung makapagbanta ka ay parang importanteng mabuhay ka?"

"I value the trade, Raven. I value it more than my life. Dahil kung ordinaryo lang ako at takot ay hindi ako makikipagharap sa iyo. I can just kill your father without letting you know." Sagot nito sa akin at kahit ayaw kong tanggapin ay nakikita ko na resonable ang ginagawa niya.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon