Faith 🔹 30

18.8K 1.1K 50
                                    

Raven's POV

"RAVEN, you have to fix yourself. You're bloody and you don't want your father seeing you at this state. Baka hindi ka pa nakapagsalita ay baka magtawag yun ng ambulansya." Puna naman sa akin ni Haze habang pinagmamasdan nito ang kabuoan ko.

Tumigil na ako sa paghikbi. Katabi ko si Prime na tila nawalan na 'ata ng boses ngayon at nakatunganga lang ito kay Bree.

Napapansin ko naman ang tuwing pagsisimangot ni Haze dahil napapansin nito si Prime. Gusto ko naman sitahin si Prime pero hindi ko magawa. I am too flooded with my issue, and I don't have time to dwell to others.

"Saan ako magbibihis?" Tanong ko na lang. I have no home, pero pwede naman kaming bumalik doon to get some stuff.

"Sa bahay ko na lang, tutal madadaanan natin yun." Sagot naman ni Haze.

"Sige." Sangayon ko na lang pero pinagdadasal ko talaga na sana walang mangyari may Papa, dahil hindi ko yun kakayanin.

Hindi pa kami masyadong nakakalayo ay biglang tumunog naman ang cellphone ko. Agad na kinuha ko yun at nakarehistro doon ang numero ni Papa kaya agad ko yung sinagot.

"Papa!" Mabilis na sagot ko sa kanya.

"Anak? Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo. Nasa Port Laurel ako ngayon dahil may tinatapos akong trabaho. Baka sa susunod na lingo pa ako makakauwi." Sagot naman ni Papa sa akin.

Para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Papa. He's in Port Laurel. Naalala ko yun. Yun ang lugar kung saan nadestino si Papa bago namatay si Mama.

"May problema ba Raven?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala.

Umiling ako. Para naman akong tanga dahil hindi naman niya makikita na umiling ako. "Wala po Papa. Namiss ko lang po kayo." Sagot ko na lang sa kanya at pinilit kong itago ang mga nangyari. I don't want him to worry. I don't want to trouble him.

"Miss na din kita anak. Pero hindi ka pa pwedeng magbakasyon dahil bago ka pa sa trabaho." Sagot naman ni Papa sa akin.

Totoo yun. Dapat ay umabot muna ako ng six months bago ako magkakaroon ng privilege sa vacation leave. Ganoon naman talaga kung nasa job order ka pa. After six months, doon pa ang regularization.

"H-hindi ba pwedeng dito muna kayo sa metropolis?" I want him to live here with me. Mas mapoprotektahan ko si Papa kung kasama siya. Mas mahirap protektahan kung malayo si Papa sa akin.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "If only I can, Raven. Pero palipat lipat ako ngayon ng destinasyon dahil sa trabaho. But I promise, once I am done with my work, diyan ako uuwi."

Tila gumaan naman ang kalooban ko kahit hindi naman talaga ganoon yun kaganap.

"Sige Papa, ingat po kayo palagi." Naging sagot ko na lang. I just hope, they will not know him. Mas maliit ang posibilidad na matunton nila si Papa dahil palipat lipat ito ng destinasyon.

"Sige anak. Ikaw din, pakabait ka diyan." At naputol na ang linya.

"So, tutuloy pa ba tayo bebe girl?" Tanong ni Bree sa akin.

Umiling ako. Maybe this is better. I better not go to my father. There is also a big possibility na may nagmamanman sa amin. Wala man akong maramdaman but I don't want to take the risk. Natunton nila ang unit ko, ibig sabihin ay may nagmamanman sa akin. They even know who am I. I better leave my father out of this.

"Hindi ko na pupuntahan si Papa. I'm going back home." Sagot ko na lang.

"You can't go back there, Raven. The place is still under investigation and do you expect us to allow you living there?" Pigil naman sa akin ni Haze. Derecho lamang ang pagmamaneho niya hanggang sa lumiko kami papasok sa isang village.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon