Faith 🔹 25

20.7K 1.1K 153
                                    

If there are typo error please put a comment for me to check. Unedited, thank you.

Raven's POV

LUMABAS ako mula sa sasakyan ni Vander ng makapasok ang sasakyan niya sa loob ng country club. Isa itong nalawak na terrain na parang golf club.

Nagpark naman si Vander at sa di kalayuan ay may nakita akong hindi naman gaano kadaming tao na tila nagkakasiyahan.

They are wearing dresses na maiikli. They all look around our age or a little older than us.

"Mga eons?" Naitanong ko sa kanya.

"Yeah. It's a Saturday event for Eon Society." Sagot naman ni Vander sa akin.

Hindi ko na hinintay si Vander na makalabas at ako na mismo ang lumabas mula sa kanyang sasakyan. Agad na naramdaman ko ang lamig ng hangin at presko iyon sa aking pakiramdam.

"Let's go." Naramdaman ko naman ang paghapit niya sa akin. Hindi ko na nagawang lumayo dahil tila bakal iyon na nakapulupot sa aking bewang.

Agad na dumako ang tingin ng karamihan sa amin. Kitang kita ko pa na nagbulungan sila pagkakita sa amin. Hindi ko sila kilala. Even a familiar face o baka hindi ko lang talaga sila maalala.

Pakiramdam ko ay nanliit ako dahil sa suot ko. Everyone is wearing dress, while me is just wearing comfy clothes at kagagaling lang sa mall para mag-grocery.

Tama ba ang desisyon ko na sumama rito? It feels like I don't belong here basing on their stares. Most of the girls are throwing dagger looks.

"Good afternoon, Mr. Cambridge." Bati sa kanya ng mga panauhin doon. No one greeted me, like I am not existing at all.

"This is Raven, my date." Pakilala naman ni Vander sa akin sa kanila. He did not even bother greeting back to them. How rude.

I heard ahs and ohs.

"I know her." Tanging sagot ng babae na nasa harap na nakasuot ng strappy dress na kulay asul. "We just started the gathering Mr. Cambridge, let's dine." Yaya naman nito kay Vander.

"Thank you." Sagot naman ng huli at iginiya naman ako ni Vander patungo sa isang bakanteng mesa at may mga pagkain doon.

Agad na pinaupo ako ni Vander doon at tumabi naman siya sa akin. Wala din ilang segundo ay naging ukupado na rin ang mga upuan na kanina ay bakante lang ng makaupo kami.

Most of them are girls, and few of them are men. Tahimik lang akong nakamasid at pinapakiramdaman ang paligid.

"So, Raven...where are you working right now?" Tanong naman sa akin ng babaeng nakaasul kanina. Hindi ko kilala ang pangalan.

"Pangalan mo?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko siya kilala.

I saw her snorted pero nawala din kaagad yun.

"I'm sorry, I'm Natalie Durham by the way... my dad is a senator and we own the shipping line in the entire Brussella." Sagot nito sa akin na halatang pinagmamalaki niya sa akin ang kanilang yaman na hindi naman siya ang naghirap. "How about you, Raven?"

"Hhmm... I work as a secretary of the Head Council Minister." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na isinali sa usapan si Papa dahil alam ko na pinagyayabang lang niya ang katayuan niya. I don't need to mirror her flaunt just to prove something.

"Oh, a secretary...I forgot, you're a common." Ngumisi naman ito pagkatapos.

"Aren't you one?" Tanong ko naman sa kanya. Alam ko na isa siyang epic dahil ramdam ko iyon, pero sinadya ko yun para simpleng mang-asar.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon