Faith 🔹 19

22.1K 1.2K 143
                                    

Above is Rosie Huntington-Whitely as Prime

Raven's POV

MABILIS na lumipas ang sabado at lingo pero marami din akong nagawa sa loob ng dalawang araw na iyon.

Gumala kami ni Prime sa downtown kung saan ay nakapaglibot ako sa Metropolitan Mall at nagwindow shopping na rin dahil wala akong budget para doon. Pero nag-enjoy ako dahil naging pamilyar na sa akin ang mga lugar. Pero sa palagay ko ay sa mall ako magtutungo kung aalis man ako dahil halos nandoon na lahat ang mga bilihin.

May konting binili si Prime doon sa mall, kagaya ng planner na para sa kanya dahil kakailanganin daw niya iyon para sa pagtatrabaho niya sa Walker Corp. Sa Lunes na magsisimula ang kanyang training kaya excited talaga ito.

Natapos din ang araw na iyon at umuwi din kami ng tahimik at walang gulo. Mabuti na lang din at nagpadala si Papa ng stock ng pagkain na pwedeng lutuin ko. Napagdesisyonan ko na gagawa na lamang ako ng lunch box para mas makatipid.

Kaya ngayon araw ng lunes, umagang umaga ay nagluluto na ako ng bistek na paborito ko rin. Meron naman akong lunchbox na may dividers sa loob para sa kanin at ulam. Iinitin ko na lang ito mamaya sa oven, meron naman doon sa maliit na pantry ni Vander.

Speaking of Vander, I decided the act the usual. Wala akong maisip na paraan para bumawi rito kundi ang pakitunguhan ito ng mabuti. Haze even recommended on flirting with him na talagang hinindian ko. I have an idea how to flirt dahil na rin sa kagagawan ni Prime dati pero hindi ko kayang gawin yun kay Vander. Hindi talaga kaya ng kakapalan ng mukha!

So I decided to act the same, pero syempre wala na yung hard feelings and doubts kaya alam ko na genuine na lahat ang magiging pakikitungo ko kay Vander.

Pagkatapos kong magluto ay naligo na ako at nagbihis ng isang itim na pencil skirt na hanggang kalahati ng hita ang taas. Chiffon naman na kulay old rose pink ang sa itaas kaya nagsuot na rin akong ng old rose pink pumps.

Uminom lang ako ng kape at nagclubhouse sandwich lang din ako para sa agahan at inayos ko na ang lunchbox ko at pumunta na ng office.

I am always thirty minutes advance from my time in dahil nakakahiya kung malelate ako habang malapit lang din yung condo ko.

"Raveeeeeeen! Ang aga mo naman!" Napalingon na lamang ako sa lobby nang may mas malakas pa sa tili ni Arianna Grande ang sumigaw sa di kalayuan at kumakaway pa ito habang papalapit sa akin.

"Morning Diamond!" Bati ko rito at hindi ko na pinansin pa ang nakakabasag eardrum na tili nito.

"Good morning din! Maaga ako ngayon dahil nagkamemo ako last week dahil late ako." Napangusong saad nito sa akin at tila may naalala. "Teka, balita ko natanggal daw sa trabaho si Paula."

Napakunot noo naman ako. "Sino naman yun?" Wala akong kakilalang Paula kaya nagtataka ako.

"Naku, di mo pala kilala yun? Yun yung isa sa mga sumabunot sayo. Yung matangkad na babae." Paliwanag nito sa akin.

"Ah...natanggal nga." Sagot ko naman dahil ako ang unang nakaalam na natanggal ito.

"Buti nga rin sa kanya. Matagal na rin akong banas sa babaeng yun. Oportunista kasi masyado at malakas ang crab mentality nun. Inggitera pa masyado—kaya mabuti at napaalis na rin yun. Yung kasama niyang si Sussie, suspended ng one week pero at least makakabalik pa." Kuwento nito sa mga pangyayari. Yun na ang hindi ko alam dahil wala naman sinabi si Vander tungkol doon at umalis din ako ng maaga.

"Kailangan daw kasi niya ang trabaho kaya hindi yun pinaalis. Kawawa naman dahil lang sa maliit na bagay matatanggal." Usal ko naman at sumakay na kaming dalawa sa elevator.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon