Faith 🔹 28

19.9K 1K 78
                                    

Raven's POV

NAKAUWI na si Vander. Mabuti na lang din dahil kung anu-anong kababalaghan ang itinuturo niya sa akin kagabi. It's waking a feeling deep inside me na hindi ko alam kung maganda ba o hindi. But most of all, I was too embarrassed kaya pinaalis ko talaga siya kagabi.

Ayaw pa sana nitong umuwi at gustong dito pa matulog pero hindi ko siya hinayaan. Papa will kill me if I let a man sleep in my pad without his knowledge, but I know to myself that is just a freaking excuse to hide the fact that I was embarrassed.

Napatingin naman ako sa TV doon sa sala. Ni minsan ay hindi ko pa ito nabubuksan kahit na kailan. Hindi naman kasi ako sanay manood ng TV kaya okay lang din sa akin na hindi ko gawin iyon.

Out of curiosity ay hinanap ko ang remote. Asan ba iyon nailagay? Kaya sumilip ako sa ilalim na may parang lalagyan ng kung anu-ano doon at nakita ko nga ang remote na may nakatatak din na brand kagaya ng sa TV. May iba din remote doon na sa palagay ko ay para sa TV box.

Pinindot ko ang power button pero hindi iyon nag-on. Kaya napatingin naman ako sa likod kung nakasaksak ba. Then I saw, it was unplugged from the power socket. Kaya isinaksak ko naman iyon.

Nakita ko ng umilaw ang TV box at ang TV. Ginamit ko na ang remote ng TV box, pero nagloloading pa ito. Puti pa ang nakikita ko sa screen kya naghintay ako ng ilang sandali hanggang sa may lumabas na, na palabas. Agad akong naglipat ng channel. Halos puro balita ang laman at doon ako napahinto ng ibinalita sa TV ang naganap noong isang araw, noong naambush kami ni Vander.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na sina Haze at Bree ang umako. They are saying it's their job to kill the rebels and whoever threatens the town's people, must pay the price. Trabaho pala nila iyon—they are part of the Cadre—wait, why does it sound so familiar? Parang narinig ko na ito noon pa, pero hindi ko lang maalala.

"There is no casualties from the attack. We managed to contain them and not a single one escaped." Sagot ni Bree sa napakaseryosong paraan.

Lalaking lalaki ang boses—yeah right. Nagpapanggap nga lang pala ito na isang bakla. Should I demand an explanation from him? Or should I pretend I didn't know a thing? But I rather pretend that I don't know a thing because I am afraid he will change. Mas gusto ko kasi ang baklang Bree, kesa sa totoong lalaki na Bree. He acts like he's impersonating Vander, but he could not perfect it tuwing nagpapakalalaki ito.

Iba talaga ang ere ni Vander. He can be like that effortlessly.

Pagkatapos kong manood ng balita ay pumanhik na ako sa kuwarto ko para matulog. Inaantok na rin ako, at kahit linggo pa bukas ay marami pa rin akong gagawin.

•••

NAGISING na lamang ako dahil sa tawag ng kalikasan. Pero tumingin muna ako sa orasan at nakita ko na alas nuebe na pala ng umaga.

Mabilis akong bumangon at agad na pumanhik ako sa banyo para umihi. Papikit-pikit pa ako habang nakaupo sa bowl dahil inaantok pa.

Matapos ko doon ay agad na din akong naligo. Magpiprito na lang ako ng ulam—wait, may natira pa palang ulam kagabi na niluto ni Vander.

Kaya pagkatapos kong maligo at makapagbihis, ay mabilis na akong pumanhik sa kusina at kinuha ko sa plastic mula sa ref ang mga leftovers namin kagabi. Iinitin ko ito dahil masarap ang niluto ni Vander. Sayang naman kung hahayaan ko lang masira ito.

Nilagay ko na ang pasta sa microwave oven at ang fisherman chowder naman ay doon sa caserole para mainit ko din. Ang lamig kasi ng sabaw, tila naging jelly na ang sabaw kaya ang pangit kainin, kahit mainit pa yung kanin.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon