Chapter one

610 66 17
                                    

COURAGE

Unang araw sa school.

Hindi ko man alam ang dahilan ng paglipat ko ng school, hinayaan ko nalang dahil may tiwala ako sa tito kong pulis, sa tingin niya'y mas nakabubuti ito para saamin.

Marami na rin kasi akong naka-away sa school, andami kong nahuhuling mga estudyanteng gumagawa ng mga hindi dapat nila gawin lalo pa't bata palang sila. No, let me rephrase that, they're doing illegal things tapos sinumbong ko sila. Worst thing I've witnessed was two individuals having sex behind the lockers. Ang dami ko na palang sinasabi. Malalate na pala ako sa first day. Tumakbo na ako palabas at hindi na tinapos ang almusal ko. Ngumunguya-nguya pa nga ako dahil may natirang tinapay sa bibig ko.

"Bye tito! Muwah!" I blew a kiss before entering tito's car.

Kakabili lang niya nitong nakaraan, itim at kumikintab pa. Hindi ko alam kung ano tawag dito dahil hindi naman ako maalam sa kotse. Pero maganda siya, naka-ilang sakay na rin ako rito kasi gumagala kami minsan gamit nito.

Ngiti pa akong umupo sa kotse at linapag ang gamit ko sa tabi ko, lumingon ako sa kanan para tignan si tito through the car's window.

"Tito?" pabulong kong hanap sa kaniya nang hindi ko siya makita kung saan. Akala ko tinataguan lang niya ako kaya tumawa pa ako.

My heart suddenly skipped a beat. Usually, when I blow a kiss, he waits for me to enter the car bago saluhin 'yung kiss at bago humarurot ang kotse, alam 'yan ni Manong driver. My eyebrows knitted when I knew that he was totally gone before my eyes.

Hayaan mo na, baka pumasok na agad sa bahay. Maaga rin kasi pasok ng mga pulis.

Humarap na ako at kumuha ng tubig para sa biglang nanuyo kong lalamunan. Sinenyasan ko na rin si Manong driver na humarurot na papuntang school dahil malalate na ako. Nakita ko naman siyang ngumiti mula sa salamin sa harap bago mag-drive paalis.

Isa rin 'tong si Manong driver na napaka-weird. Ilang taon nang nag-ttrabaho si Manong driver dito saamin pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya hanggang ngayon. Whenever I ask tito or tita about it, they just give me a smile or they just either change the topic! Hence, called him Manong driver nalang. I stopped din when I reached highschool because there were other important things to focus on.

Now that I'm 17 and currently free from any form of stress, doesn't this seem like a right time to ask for his name?

"Uhm," nagdalawang isip pa ako, but I still gave in my curiosity. "If you don't mind me asking, what's your name?"

I observed his facade through the reflection of him on the driving mirror. Ngayon ko lang na-realize na nasa mid-30s lang pala ang itsura ng driver namin because I'm not really focusing on what he looked like dati. Now that I'm observing, I saw a bit of a raise sa kaniyang upper lip. Made me uncomfortable in some way. Na-creepy-han ako.

Though focused lang talaga siya sa pag-drive. Hinigpitan din niya ang hawak niya sa manibela. I was waiting for him to answer me pero nagmukha lang akong kumakausap sa hangin.

Tahimik ang kotse— no music nor any other noise— kaya hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano. Also to distract myself sa kahihiyan na nararamdaman ko kanina.

Nagtatampo ba saakin si tito? May ginawa ba akong masama? Sanay naman na siya sa pagiging palaaway ko sa school.

Sa oras na sinabi saakin kung saan ako lilipat ng school, nag-ala detective na ako agad at sinearch 'yung school sa internet. Surprisingly, may results naman. However... I find some them unecessary.

Full of love stories. Secret entries. Confessions. You name it. Para bang February 14 araw-araw sa kanila. Baka hindi rin ako magtagal. Kapag talaga pumasok ako ng classroom and I see a lovey-dovey couple, I will not hesitate to throw them a banana.

RELOADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon