Chapter sixteen

203 15 25
                                    

COURAGE

"How much do you know about your father's and mother's death?"

In a chill and cold dark place, was where I heard the voice. The voice I always hear when I'm alone. Wala akong makitang anumang bagay, wala akong maamoy at higit sa lahat wala akong kasama kundi ako lang mag-isa. But turns out I was wrong, I thought I was lonely before turning to see any thing at my back.

Everything suddenly has colors now, but they were kind of distorted. May babae na naka-upo habang nagbabasa ng mga newspaper. Kind of oldschool, who reads newspapers nowadays? Her room is familiar. I'm sure I've seen this before. I'm sure I've went here before. The blackboard with tons of papers, pictures, pins, and red threads. Is she a detective? But she seems too young to be one.

I tried reaching her with my hands, but they went through. What's happening? Sumakit bigla ang ulo ko habang sinusubukan ko pa ring isuri kung nasaan ako at kung sino ang nasa harapan kong tahimik na nagbabasa. All I could do was stare at her ponytail. Tumabi ako sa kaniya just to see a blurry image of her with glasses and full bangs.

"No way..." aniya at napatayo siya sa nabasa niya. Lumapit ako lalo para makibasa pero ang labo ng diyaryo na hawak-hawak niya ngayon. Hindi ako makalapit nang mas malapit pa dahil sumasakit ang ulo ko kapag gano'n. Mukha siyang masaya sa nabasa niya kahit may nakita akong dead sa diyaryo. Mamamatay tao ba 'to?! Aktong dadalhin niya ang papel na hawak-hawak niya marahil sa labas nang matamaan niya ang picture frame sa kanan niya. Gumawa ng ingay ito at mukha ring nabubog siya dahil may dugo akong napansin sa paanan niya.

I took the chance to look closer to what's written in the newspaper. BIGGEST DRUG CRIMINAL YET, DEAD ALONG WITH TWO POLICEMEN.

My eyebrows knitted. Could it be... May iba pang nakasulat ngunit ang labo pa rin. I turned my back as I hear the door creaking. Inilabas nito ang lalaking maraming kalamnan na binabalot ang kaniyang buong katawan at mukha ng itim na saplot. Why... why is it approaching me? Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang hawak-hawak niya. Isang batuta. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko nang papalapit siya nang papalapit sa akin. Alam kong masama siyang tao dahil sa tingin niya sa akin. 

Nang makalapit na siya sa akin ay tumigil siya sa harap ko. "Kung ako sa 'yo ititigil ko na 'yan, bata." I was confused. What does he mean by that?

"Huwag po..." hindi ako 'yung nagsalita kundi 'yung babae kanina, pero bakit sa akin pa rin nakaharap 'tong nakakatakot na lalaking 'to?

Kapag pinatagal pa 'to ay baka mamatay na ako sa pagkawala ng hininga. Ang sikip-sikip ng dibdib ko, parang sasabog na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Napapikit nalang ako nang makita kong itataas na niya ang batuta niya. Ambigat din ng katawan ko na parang may dumadagan sa akin kaya hindi ko magawang manlaban. Kung kaya ko man, alam ko nang matatalo ako sa laki ba naman ng katawan niya. Wala na akong magawa kundi lumuha sa takot.

Pagkadilat ng dalawa kong mata ay sinalubong ako ng maraming mga ulo ng tao. I thought I was seeing cerebrum but as human. Hindi ko sila agad namukhaan dahil wala ako sa ayos ngayon. Tanging pagdilat at pagsara ng aking mga mata ang kaya ko lang gawin ngayong mga oras na ito. But that's how I knew it was all just a dream. A dream... that I have dreamt before, except for the part where a guy enters my room as he's about to kill me with his bat. That's why everything's familiar.

Masakit ang kanang parte ng katawan ko kaya hindi ko sila maigalaw nang maayos. I am literally just staring at the ceiling while the other students are asking questions na pumapasok sa tenga ko at lumalabas naman sa kabila.

Unti-unti kong inaalala ang nangyari kung bakit ako napunta sa ganitong kondisyon. Right, natamaan ako ng pagkatigas-tigas na bola. Ang pagtama niya sa katawan ko ay marahil nagbigay ng pasa. Hindi ko talagang maigawang igalaw ang kanang bahagi ko kahit kaunti lang. Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili ko. Muntik na akong mamatay ro'n.

RELOADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon