Chapter three

585 57 190
                                    

COURAGE

"Welcome to Tópos thanátou! For those who are curious, it directly translates to Place of death."

Isa-isang nagsibukasan ang mga ilaw. Ngunit pula ang linalabas nitong mga liwanag. Suddenly, fear was painted in everyone's eyes. That person is trying to dominate by trying to scare us, which totally works. This new place, we were brought here... for a reason. There must be a reason. What could be the reason?

"You must be curious why you're brought here," as if MC heard my mind. Kinilabutan ako mula ulo hanggang paa. "It's solely because you guys are murderers."

Napakunot ako ng noo sa narinig ko. What? Kriminal? Ako, na may pamilyang pulis? Ang tapang ko naman siguro.

Nag-ingay ang mga estudyante na muntik nang ikabingi ng dalawang tenga ko. Nasa harap pa naman ako kaya rinig ko ang lahat ng reklamo nila. Ngayon ko lang din na-realize na lahat kami Pilipino sa malulutong nilang mga mura.

"Ni hindi nga ako makapatay ng langgam, e!"

"Bobo nito! Sabihin mo kung sino ka na at papasikatin kita!"

"Tangina. Lakas ng trip. Sino ba kayo?! Upgraded bullies?! Umaabot kayo sa ganito?!"

Nagtaas lang ng hintuturo sa harap ng maskara si MC at agad ding natahimik ang lahat. Mga takot din pala kayo, e.

"I know everyone knows the crime they committed. Some hides the fact that they already killed someone. Some acts like they never murdered someone. Some, already forgot that they comitted a crime. Hihihi!"

Teka lang, kung mamamatay tao ang mga nandito ibig sabihin puwede kong matulungan si tito na hulihin sila once na makaalis na ako sa lugar na 'to. Panigurado promoted na si tito niyan, s'yempre may kapalit din 'to. Hinding-hindi ako papayag na ibibigay ko lang sila basta-basta.

May gusto lang akong malaman tungkol sa pagkamatay ng tatay ko na ayaw niyang sabihin sa akin.

"Everyone is gathered here to pay for the crimes they committed. Everyone will play the game. Everyone will participate."

"Paano mo naman nasabing nakapatay na kami? May maipapakita ka bang pruweba?" tanong ng isa saamin. The students nodded their heads.

Rinig namin ang panunuya ni MC. "Everyone did not agree on what you said. So I'm not showing anything~"

Sino'ng hindi? Wala naman akong nakita. Pakiramdam ko nagsisinungaling lang siya. Wala talaga siyang maipakitang pruweba na mamamatay tao talaga kami. Hindi kaya may gusto lang manggulo saamin? Ano ba talaga ang katotohanan at bakit kami napunta rito? Sinu-sino ang may pakana ng lahat ng 'to?

"Before I explain the game, I have to explain the rules muna 'di ba?" may kinuha siyang tablet sa gilid at nagswipe-swipe nang kaunti bago magsalita ulit.

"Una sa lahat, NEVER DISRESPECT MC. Madali lang naman 'yon, since taga-Creighton kayo at tinuturuan kayo ng magandang asal do'n 'di ba?"

I clearly have no idea. Do they? Hmm. Magsimula ka pa nga lang kay Setsuna halatang nagsisinungaling na si MC, e. Nagtama tuloy kami ng tingin ni Setsuna, aba, inismiran ako!

"Pangalawa, STRICTLY NO GADGETS ALLOWED. Kinuha na namin ang mga gadgets niyo so I guess there will be no problem regarding this rule, 'di ba?"

Lahat tuloy kami napakapa sa mga bulsa namin. Walang naglabas ng phone nila, mukhang kinuha nga. Damn it. Why didn't I check my phone earlier? The funny thing is, no body checked their phones the moment we woke up.

"Pangatlo, NEVER SHARE YOUR REAL NAME. You will have to use the pseudonym I will give to all of you accordingly later."

Napatingin tuloy kami nina Barbie at Eden sa isa't-isa. I hope MC did not notice that we already broke the third rule. In our defense, wala naman kaming idea na bawal 'yon.

RELOADWhere stories live. Discover now