A fire occured in Courage's first day of school in Creighton University, not knowing what havoc brings her after she wakes up in an oddly familliar place that brought forgotten memories of her traumatic childhood.
Now that they're inside the buildin...
Ring! Ring! Ring! Nagising ako sa tunog ng alarm na nagmumula sa loob ng kwarto. Ang lakas! Huh? Ano meron? Ngayon lang ako ginising ni MC ng ganito. Usually xyllophone siya at compared dito, hindi gaanong nakakarindi ang ingay. Nakita ko rin na may nakasulat na 'Wake Up!' sa maliit na screen dito sa kwarto. Bumangon naman ako gaya ng sinabi nito at pumunta sa pinto para buksan ito. Mukhang naaalimpungan pa ako dahil hindi ko mabuksan 'yung pinto. Patuloy pa rin sa pag-ring 'yong nakakarindi na alarm na 'yan kaya agad ding nagising ang diwa ko. Ilang ulit kong sinusubukan na buksan 'yung pinto pero mukhang may nag-lock sa labas. Kinabahan ako bigla.
"Tulong!" sigaw ko habang pinupukpok ang pinto. Lahat ba kami na-lock sa loob?! Paano kung ako lang?!
【 Good Morning, Prisoner 06 ◡̈ 】
Napatigil ako sa paghampas ng pinto nang napansin kong umilaw ang maliit na monitor dito sabay ng pagtigil ng nakakarinding alarm. Lumapit ako rito at umupo sa higaan.
【 Today's schedule is MENTAL EDUCATION 】
Inaantok pa rin ako. Pakiramdam ko'y hindi ko mapapanalo ang laro ngayon. Sabay naalala ko na tatlong puntos nalang ay makakalaya na ako. Humarurot ako sa banyo at naghilamos nang mabilis habang wala pang sunod na sinasabi ang nasa screen.
Basang-basa tuloy damit ko. Wala na akong pake ro'n dahil may hinahabol akong oras. Saktong pagkabalik ko ay may kasunod nang mensahe.
【 You will be playing FOUR PICS ONE WORD 】
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Huh? Napakunot ako nang noo sa mga litratong pinakita. Tao ba 'to? Bagay? Hayop? Walang rules? Ilang INT Points kaya ibibigay? Panigurado isa lang, ganiyan naman siya magbigay. Lumingon ako sa pinto, nakalock pa rin hanggang ngayon. Pakiramdam ko kailangan kong ma-solve 'yung puzzle para mabuksan siya.
Naaalala ko no'ng bata pa 'ko, we used to play this with my mom sa cellphone niya. I used to ace this game! Siguro naman masasagutan ko siya agad 'no? Ang trick dito ay hanapin ang common denominator ng apat na litrato. Kulay? Shape? Kahit ano pa 'yan.
Mukhang nabigay na sa picture 'yung sagot. The word 'Goodbye' has 7 letters, at meron din sa given letters ang mga kailangan ko. I typed in GOODBYE, but what bothered me the most was the picture on the lower right. A person hangging on a rope, really? Panigurado ay pananakot lang naman siya ni MC.
【 CORRECT! You are the 2nd person to unlock the door! Time completed: 2 minutes 】
Second? Sino naman 'yung una? Pagkatanong ko sa sarili ko niyan ay biglang lumabas ang rankings. Ranking siya kung sino ang nauna, and I think it updates on real time dahil sa gumagalaw na oras sa upper right. What?! He completed it in 5 seconds?! Ay, hindi na pala dapat ako nagugulat pa. Si Setsuna ang kauna-unahan sa ranking. Just like before, sa pag-open ng pinto ay siya ang nauna.