Chapter thirty-one

88 8 24
                                    

COURAGE

Sa pagdilat ko ay sinalubong ako ng kisame na minsan ko lang makita. Nag-stretching-stretching muna ako sa higaan bago bumangon sa higaan. Ugh, ansakit ng ulo ko at para akong lalagnatin. Ganito kapag kulang lagi 'yong tulog ko; mukha ngang hindi na ako mabibigyan ng sapat na tulog ngayon hanggang sa makalaya ako.

Panibagong araw nanaman, ano kayang mangyayari ngayon? Hala, anong oras na ba? Ang aga pa pala, may thirty minutes pa ako para magpahinga. Hihiga pa ulit sana ako pero bigla akong tinamaan ng realidad. Kung puwede lang talaga, sigurado akong gabi na ako gigising nito kapag natulog ulit ako.

Pumasok na ako sa banyo para maghilamos at para magising na rin ang diwa ko. Fresh pa rin sa utak ko 'yong nangyari kagabi, at kung papaano kami naloko ni MC.

Pagkatapos kong maghilamos ay umupo ako sa desk ko at binuksan ang notebook ko para magsulat. Naalala ko tuloy bigla 'yong notebook ng namayapa na si Ian. If I die may isa silang makukuhang potential suspect sa pagpatay sa akin, kung tutuusin mas pinag-uusapan ko nga siya rito keysa pinag-uusapan ko ang sarili ko.

Courage's Journey to Death: Episode two.

Hindi ko magawang maging masaya sa dami ng INT Points ko ngayon. The reason I have them is because I went against students who also wants to escape and bet their lives on it. While I didn't. I just seeked the truth for these INT Points because I also wanted to survive. Selfish na ba ako kung gano'n? Alam kong hindi. Hindi ko nga alam kung bakit iniisip ko na parang ako pa 'yong masama. Kung hindi ko rin naman gagawin 'yon maraming estudyante ang mawawalan ng buhay, that makes the IT a selfish individual, they'll live through guilt until the day they die... I'm just doing them a favor to stop before it's too late.

Six INT Points, just like my Prisoner number. Apat nalang makakalaya na ako; How do I get to earn more INT Points without waiting for another killing? Pakiramdam ko kasi mashadong nang napapalapit ang loob ko sa kanila, especially that night... last night.

Ramdam ko 'yong determination ni Prisoner four na makalaya kaming lahat dito. Kagabi, sinabi niya sa akin na hindi niya hahayaang may mangyaring gano'n ulit. It gave me a little hope actually. Pero alam ko namang walang kwenta 'yang pag-asa na 'yan at imposibleng mangyari 'yon kung malapit na kaming mag-isang linggo rito. Ibig sabihin no'n mashado na kaming nagtiis. Sa totoo lang kinakabahan ako habang papalapit na ang pang-pitong araw namin dito, iba ang kutob ko sa mangyayari. Aabot pa kaya ako ro'n?

Well, let's see. End of episode.

Oras nanaman para makisalamuha sa mga taong may posibilidad na pumatay sa akin sa kahit ano'ng oras. Iba na ang tingin nila sa akin ngayon kung ikukumpara kahapon na pinagmumura ako ng ilan. Isn't it crazy how one incident changes the course of everyone's opinion about you? Maybe they even forgot that once I was pointed out as MC's rumored spy. Wala akong natanggap na mga sorry tungkol doon, well, I don't even expect them to anyway.

May napansin akong kakaiba ngayon sa lobby, may telang nakalatag dito sa harap na parang may gamit na tinatakpan. Mukhang iniisip din nila kung ano rin iyon dahil halos lahat sa amin ay nakatingin doon. Walang nagbalak na lumapit dito para tignan dahil sa takot na baka maparusahan kami sa pagiging pakielamero.

"Good morning~ Everyone must've good nightmares! Worry not, I, your Mental Education teacher is here to help everyone struggling!"

'Yan nanaman siya. Mental Education, akala namin simpleng lesson ang mangyayari 'yon pala may patayan nang naganap. Naki-usosyo pa 'yong kriminal kay MC, shempre tatanggapin 'yon ni MC dahil alam niyang magugulat kami ro'n.

"The first Mental Education was pretty surprising, right? Like a culture shock! Tinulungan ko lang kayong mabihasa kapag may biglaang patayan na mangyayari, I saw everyone did their best. Palakpakan! I wish everyone will also do their best for today's lesson. Uunahan ko na kayo, walang namatay, check niyo pa katabi niyo. Hihihi!"

RELOADWhere stories live. Discover now