Chapter twenty-eight

97 10 15
                                    

Warning: The upcoming scenes
may not be suitable for children
or for some younger audiences.
Reading with caution is advised.

.   .   .   .   .

THE MISSING PAGE

.   .   .   .   .

Apat na araw palang kami rito pero Lucrecia Kasilag na ang mood ko for today's video! Kaloka may espiya, gurl! Idolz ko pa naman siya kasi 'yung utak niya mas malaki pa sa boobz ko. Charet! Ganern talaga, hindi ko ma-imagine ang mga iniisip ng mga matatalino!

Anyways, wapakels. May kwento akizkiz, si ate mo girl nag-open up sa pinaka-dyosa na nilalang sa balat ni mother earth, which is eke! Enebe! So ayern, andami kong na-knows about her! Ayayay! #Stressful #OMG #OhNo

Dahil may nalaman akong hindi ko dapat malaman.

Isa akong bading na pinaglihi sa chismis kaya tanda ko lahat ng kinuwento niya sa akin. No'ng bata pa siya winelcome na siya ng Religious world. May nakatatanda siyang kapatid na lalake na katulad niyang active rin sa simbahan. Sabi ko nga akin na lang pero ayaw niya. Che! Doon lang daw sila nagkakasundo ng kuya niya pero pagkatapos no'n, wala nang pansinang nagaganap. 'Yong papa kasi niya sobrang strikto pagdating sa kaniya; may inis siyang nararamdaman sa kuya niya kasi kahit gumawa ng kabulastugan 'yon nagbubulag-bulagan 'yong tatay niya. One time, umuwing lasing kuya niya, uniiyak. Iyon yata 'yong pinakanakakagulat na nangyari sa buhay niya kasi naka-rape raw siya ng kaklase niya.

Nagalit tatay niya, hindi sa anak niya kundi ro'n sa babaeng na-rape, bakit ba raw kasi sumasama sa inuman o bakit ba raw kasi gano'n suot niya... walang delikadesa gano'n. Hindi na niya alam ang nangyayari, wala siyang ka-ide-ideya kaya lumaki siyang sobrang masunurin kasi takot siya sa papa niya; nakikita kasi niyang pinapalo ng sinturon mama niya gabi-gabi kaya nagpapakabait siya. Jusko po!

No'ng tumungtong na siyang highschool, mejo hindi na siya pinapansin ng tatay niya dahil sa katandaan na rin at maraming event ang nangyayari sa simbahan no'ng mga taon na iyon. Matagal na pala siyang nag-aaral sa Creighton, huli na niyang binanggit iyon. 'Yong simbahan kasi ang isa sa nagpopondo ng school na iyon para sa mga scholar. Bale parang scholar na rin siya kumbaga. Rich girl pala 'to, pak ganern!

Kahit hindi na siyang mashadong pinapaki-elaman ng tatay niya, may takot pa rin siya na baka nakikita siya ng tatay niya dahil marami siyang kakilala sa loob ng school galing simbahan. Taray may CCTV! Pero sabi niya bihira naman daw siya makasalubong dahil malaki ang school at maraming estudyante.

Ayon na nga, eto ang exciting part... nakakilala siya ng lalaki sa English subject niya, dahil hindi block section ang Creighton, bihira lang niya makita 'yon. Sa pagkakadescribe niya sa akin no'ng mga panahong iyon, halatang inlove na inlove si gaga. Matangkad, maputi at tsaka sikat daw iyon sa Creighton, basketball player at kulot din daw buhok kaya iyon ang pumukaw ng atensyon niya. Kaya every English class, lagi siyang umuupo kung saan nakikita niya 'yong crush niya sa harap at doon siya nagfocus imbes na sa lesson. May times nga raw na tinatawag siya ng teacher niya pero panay tingin lang siya sa lalake, ayun, duon nagsimula silang asarin ng mga kaklase niya sa English class. Natawag nga siyang, "Sister Mapagmahal," dahil open siya sa pagiging religious niya at nagmamahal siya ng classmate niya. Wala namang issue sa kaniya iyon, natutuwa pa nga siya sa atensyon.

Dahil malakas ang kapit niya kay Lord, bigla nalang daw umamin one day 'yung lalaki sa kaniya at doon nagsimula ang kauna-unahang kilig niya sa buong buhay niya.

RELOADWhere stories live. Discover now