Chapter thirty-two

87 8 15
                                    

COURAGE

Looks like MC's plan is to make people hate each other here. She also wants us to stick our noses to others' businesses by driving in our curiosity. Halata naman. They get more hatred— motives rather and then they'll eventually kill each other again, won't they?

Prisoner 13's turn was probably one of the most thrilling moments of my life, I don't even know why, I cannot explain why. Maybe something about knowing things in the most thrilling way possible is interesting to me. I've always been a curious cat.

"What's Prisoner two's favorite subject?"

Okay, normal question. Mejo natagalan sa pagsagot ni Prisoner 13 at mukhang may pag-aalinlangan. Napakalikot ng mga mata na akalain mong may mapagkokopyahan siya sa sasagutin niya. Kanina pa 'ko kinakabahan para sa lagay nila, pero kung sabihin kong nag-aabang ako ng may ma-punish para malaman ko kung worth it ba 'tong kabang nararamdaman ko— magmumukha akong masamang tao. Ngunit 'yon ang totoo. Before our turn, I need to see whether it'll kill me or not.

History. That was written on his board. Tama siya, pero 'yong kapartner niya mukhang hindi natutuwa kahit tama naman siya. Hmm, mukhang may malalim sila na history tungkol sa academics.

Next question na. Napalakas ang pagbuntong hininga ni Prisoner 13.

"Ano'ng sakit ng papa ni Prisoner two?"

Nagkatinginan ang dalawa, ang mga mata ni Prisoner 13 ay nanginginig habang ang kay Prisoner 2 ay parang may lalabas na laser 'pag nagtagal pa lalo 'to. Base sa reaksyon niya, alam niya ang sagot. Pero bakit parang ayaw niyang sagutin 'yong tanong? Is he risking his pride over the matter of fact that he has a big chance that he's going to die to that punishment?

"Oh, come on, you know the answer!" Ngayon ko lang narinig si Prisoner 2 na sumigaw sa galit. Well, we've heard her irritated rants and stuffs, but this is different. It's from pure emotions. Huh, she's a human after all.

It was his go signal writing the answer, it took him at least ten seconds to answer, ang haba nga eh dahil kanina pa siya nagsusulat. No'ng ini-angat na niya ang board ay lahat kami'y napasingkit ng mga mata dahil halos sulat doktor ang handwriting niya. What the hell is that?

"Pardon me, Prisoner thirteen, but would you mind reading your answer for us? None of us are able to read it! Ugh, sana pala may linagay ako na rule na ayusin ang sulat bago itaas ang sagot. Then starting from now, I want the next players to fix their penmanship, or else, points will be deducted from your scores." Maski si MC ay nalilito sa sulat niya.

Sinadya nga siguro ni Prisoner 13 na guluhin ang sulat niya ngayon dahil kumpara sa mga dating mga sulat niya ay maayos naman sila at naiintindihan, ngayon na involve ang pamilya ni Prisoner 2... kakaiba ang pakiramdam ko rito. Nagka-ideya ako bigla. Para bang kilala nila ang isa't-isa na itinuturing nila ang isa't-isa na pamilya. It could be also the reason why they're pretty much like strangers now. But why? What happened?

Akala siguro niya makakalusot siya na kahit tama ang sagot niya matatapos na sila sa paglalaro. Tanga lang ang mag-iisip na walang kinalaman si MC kung bakit kami nasisiraan na ng bait sa loob. Ngayong araw na 'to, nagsisimula nanaman siya. Ang mga naunang biktima? S'yempre ang dalawang nasa harapan namin.

Lahat kami'y taimtim na pinapanood kung papaano pagpawisan si Prisoner 13 sa pagtawag palang ni MC ng atensyon sa sulat niya. Naiinip na nga ata ang ilan dahil may mga bulong akong naririnig sa likuran ko.

"Pinapabasa lang naman 'yong sarili niyang isinulat, ba't kung maka-asta siya babasahin niya 'yong ritwal kung pa'no mag-summon ng demonyo?" Bulong sa akin ni President.

RELOADWhere stories live. Discover now