COURAGE
"Well, transferee lang naman ako sa Creighton University at first day na first day ko no'n kaya gets mo naman siguro 'yong nararamdaman ko ngayon 'di ba? Kada gabi, iniisip ko kung ba't ba ako naging mabait sa isang katulad mo. Kada gabi, iniisip ko kung gaano ako kamalas na napunta ako sa iisang klase na kasama ka. Kung iniwasan nalang kaya siguro kita, mapupunta kaya ako ngayon dito? Edi sana nagagawa ko na 'yong mga ginagawa ko na dati sa bahay. Kung tutuusin nag-iimbestiga rin ako sa bahay pero ibang kaso nga lang. I feel like wasting my time here. Kaya lagi akong nagkakaroon ng crisis habang patulog na ako hanggang sa hindi na ako makatulog." Binigyan ko siya ng panguso na labi para may paawa effect kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ito gagana sa isang walang pusong katulad niya.
Na-kuwento ko na kasi sa kaniya ang lahat ng detalyo ng nangyari no'n at mukhang invested naman siya sa mga kinukwento ko dahil tango lang siya nang tango habang nag-kkwento ako kanina. Nagkakaroon din kami ng minsanang eye contacts kaya napapatigil ako minsan sa pagkuwento kanina pero alam kong ginagamit niya iyon para pabagsakin ako; ngunit dahil isa akong determinadong babae para mapasama siya sa gagawin kong plano ay hindi ako magpapa-inda ngayon.
Ito na ang huling tango niya bago siya magsulat sa notebook niya ulit. Feeling ko nga nagddrawing lang siya kanina pa at hindi nakikinig sa akin. Kanina bago ako magkwento ay umupo siya sa upuan niya at ako naman ay pina-upo niya sa higaan niya kaya magkaharap kami ngayon, ngunit baliktad ang pag-upo niya ngayon dahil ang dapat sandalan ng likod ay pinapatungan niya ng kamay niya.
"Ano 'yan?" hindi na kinaya ng curiosity ko kaya tinanong ko na sa kaniya 'yon.
"My sins," ikli niyang sagot pagkatapos ay pinakita niya sa akin ang listahan niya kuno.
Binasa ko muna ang mga words na mas malaki ang pagkakasulat. "Reasons to keep my mouth shut." Isang segundo kong tinignan mata sa mata ang nagsulat na binigyan naman ako ng blankong tingin kaya binalik ko nalang sa notebook 'yong atensyon ko.
Bakit niya pinapakita sa akin 'to? Tss, weirdong lalaki.
Number one: Baka may masabing hindi maganda. Number two: Isa akong judgmental na tao. Number three: Bulol ako mag-tagalog. Number four: Everytime I open my mouth, a dog barks (Azaz*l). Number five: I don't give in my energy to people unworthy. Number six: I am afraid of Courage a.k.a. Prisoner six.
Halos nanlaki naman ang mata ko sa nabasa ko. Ilang beses akong napakurap dahil hindi ako sure kung tama ba ang nabasa ko. "Takot ka sa akin?" Sa hindi makapaniwalang tono.
"I wrote that today as a confirmation," sinara na niya ang notebook niya kaya naman ay wala nang nakaharang sa aming mga mata para magtitigan. Ako naman ay napakunot ang noo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ngayon. "I wasn't sure the first day I saw you. Hearing your grudges today surely made an impact and pursued me writing that fact in my notebook."
"That's gotta be satire," komento ko naman na iniling niya.
"It's true. Or maybe because I don't know you compared to the other students here? Or you give that antsy aura that's new to me? Or maybe the fact that you had the guts to talk to me the first day of school gave me that impression that you're a strong-minded person." Hearing those words from him is definitely... a cultural reset for me.
I can't believe he said those things. No, I probably just thought he's a selfish person. But today might be the real Setsuna.
"Hey, don't take it as an insult. Fear sometimes is a good thing. Fear makes you do lots of things. Fear makes you see whether you're willing to do such a risky thing."
What the... why does it sounds like he's about to confess? Kinakabahan ako bigla ah. Iba na rin kasi ang kinikilos niya ngayon. Kumpara kanina, kaya pa niyang makipag-eye contest sa akin— ngunit ngayon ay nagtatapik siya ng kaniyang paa at linalaro ang kaniyang kamay.

YOU ARE READING
RELOAD
Mystery / ThrillerA fire occured in Courage's first day of school in Creighton University, not knowing what havoc brings her after she wakes up in an oddly familliar place that brought forgotten memories of her traumatic childhood. Now that they're inside the buildin...