Chapter 14: Vulnerable

37.5K 1.6K 125
                                    

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

CHAPTER 14

LUCIENNE'S POV

Hindi ko magawang ihiwalay ang paningin ko sa kaniya. Mula nang makarating kami rito sa opisina nila ay wala man lang namagitan sa amin na mga salita maliban na lang nang tanungin niya ako kung ayos lang ba ako.

Naging mabilis din ang mga pangyayari. One moment I thought that there's no end to what's happening in my life and then the next it's finally over.

It's really over.

"Alam mong mali ang ginawa mo, Lush. Paano kung nagawa ka talagang kunin ng taong iyon? For god's sake you went away without your bodyguard. Do you have a death wish?"

Napabuntong-hininga ako at pilit na inalis ko ang mga mata ko mula kay Thorn na nasa loob pa rin ng interrogation room at kausap ang taong nagtangkang dumakip sa akin. Bumaling ako sa boss ko na si Magnus Aquilan na kaagad pumunta sa kinaroroonan namin nang mabalitaan niya ang nangyari.

"Kung hindi ako umalis ng walang kasama hindi magtatangkang lumapit sa akin ang taong 'yan at hindi siya mahuhuli." pangangatwiran ko.

"Or you could have been killed."

Hindi ko nagawang makasagot sa sinabi niya. Bukod sa alam ko namang mali ako ay mukhang kaunti na lang ay mapuputol na ang pasensya sa akin ng boss ko. Siya nga naman ang gumawa ng paraan para masiguradong ligtas ako tapos ako pa itong nag lagay sa sarili ko sa kapahamakan.

Napatingin ako sa isang parte ng kwarto nang maramdaman ko pa ang isang pares ng mga matang nakatingin sa akin at sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muli akong napabuntong-hininga nang mamataan ko si Gunter na madilim ang anyo habang nakatingin sa akin. I'm probably the first person who made a fool out of him. Hindi maganda para sa reputasyon din ng Dagger.

"I'm sorry." I said sincerely. "Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin. Alam kong mali ako. You're all just trying to protect me. Ang laki na ng ginawa mo para sa akin, Sir Magnus. Writer mo lang naman ako pero sobra-sobra na 'yung mga naitulong mo sa akin."

"I told you, I'm not just doing this because you're one of my writers."

Tumango-tango ako at sa kabila ng mga nangyayari ay pilit na nginitian ko siya, "Alam ko naman na hindi na iba ang trato niyo sa amin na writers ninyo. Kaya maraming salamat, Boss."

Bumuka ang bibig niya na para bang may sasabihin pa siya pero bago niya maituloy iyon ay nakalapit na sa kaniya si Luna na kanina ay pinagmamasdan lang siya. Napilitang magbaba ng tingin ang boss ko nang tapikin ni Luna ang balikat niya na para bang matagal na silang magkakilala.

"Wag mo na ipilit. Boss-zone ka na. Nandito naman ako na magandang single na ready to mingle."

Napakunot ako ng noo sa nagiging takbo ng usapan nila lalo na nang ngumiti lang si Luna at umabresete sa lalaki na pinaghalong gulat at inis ang nakabalatay sa mukha. Mukha namang hindi tinatablan si Luna sa reaksyon ng lalaki dahil matamis lang siyang ngumiti bago hinila palabas ng interrogation room ang boss ko.

Dagger Series #1: UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon