Corridor

595 13 0
                                    

Kobe's POV:

Puti, yan lang ang tanging nakikita ko. White walls. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Kanina pa ako lakad ng lakad pero wala akong nakikitang ibang tao.

I continue to walk, kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo. I stoped for a while and look around again hoping to see someone else.

"Balik ka na please. Maraming naghihintay sayo."

I froze, I recognize that voice. Iyan ang boses na naririnig ko araw-araw. Pauli-ulit.

"Nasaan ka?" Tanong ko sa nagsasalita.

"Balik ka na... Kobe."

Hindi ko maintindihan pero parang may kung anong bagay na nagtulak sa akin para sundan ang boses, nagsimula akong humakbang papunta sa boses na narinig ko. Papalayo ito ng papalayo, tumakbo ako para mahabol kung sino man ang nagsasalita, hanggang sa nahulog ako sa isang madilim at malalim na balon. Patuloy akong nahuhulog at ipinikit ko ang mga mata ko, hanggang sa naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko at napamulat ako.

"Gising na siya!"

Isang sigaw ang pumuno sa buong silid kung nasaan ako. Nasilaw ako sa liwanag na nagmula sa ilaw, unti-unt lumiwanag at naging klaro ang paligid. Nakita ko ang daming taong nakatunghay sa akin. They looked thrilled seeing me open my eyes. I tried to speak but I can't. Ano bang nangyayari?

I looked at them with a confused look, nakita ko ang pamilya ko lahat sila naluluha, pero isa ang nakakuha nang atensyon ko, isang babaeng nakaputi. Nakangiti siya sa akin, ang ngiting alam ko na nakita ko na noon, pamilyar siya. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Salamat naman at gising ka na. Pinag.alala mo kami ng masyado bata ka."

Narinig kong sabi ng mama ko, nabaling ang tingin ko sa kanya. Napangiti ako sa kanya. Binalik ko ang tingin ko sa babae pero wala na siya, asan na siya? Pinilit kong magsalita pero walang lumalabas sa tinig.

"Wag mo na munang pilitin Kobe, hindi mo pa kaya." Sabi naman ng kapatid ko.

Dumating ang mga doktor at chineck ako. I closed my eyes at pilit na inalala kung anong nangyari sa akin.

Frances's POV.

I felt relieved noong nagising na siya. Ilang araw rin akong pabalik balik para kausapin siya. Hindi ko alam kung naririnig niya ako nang nacoma siya o naaalala niya na ako. Lumabas ako mula sa kuarto niya, hindi ko mapigilang maluha. Finally his safe.

Pumunta ako sa harden ng ospital, doon ako nagpahangin, ilang araw na rin akong hindi mapakali mula noong nalaman kong nahospital siya. Kobe has a weak heart, alam ko yun. Alam namin yun, pero pilit niya tinatago sa lahat. Alam ko naman na gusto niyang mabuhay ng normal kagaya ng iba. Pero minsan nakakalimutan niya ang sitwasyon niya. Ginagawa niya lahat ng bagay na bawal sa kanya. He tries everything, kahit na nakakasama na sa kalusugan niya.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'yun. Hindi ko alam kung bakit naging ganito siya. Simula ng araw na 'yun. Parang pakiramdam ko nag-iba na siya.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang iniligtas. Para na nga akong knight in shinning armour niya eh. Alam ko lahat ng galaw niya, naging stalker niya ako sa loob ng maraming buwan, pero kahit ganun alam ko na hindi niya pa rin ako nakikilala. Sino ba naman ako para alalahanin? Isa nalang akong memorya ng nakaraan na nakabaon at nakalimutan niya na.

"Okay ka lang ba Ches?"

Napalingun ako sa nagsalita, napangiti ako ng makita ko si Sam. Best Friend naming dalawa. Pero sa mga dumaan na buwan siya lang ang naaalala ni Kobe, hindi ko alam kung sadya ba o talagang nakalimutan ako ng isip niya. I tried to have a place again in his life. Pero lahat ng attempts ko fail. I smiled sadly at him.

"Oh, malungkot ka na naman. Gising na nga si Kobe diba. 'Yan naman ang hiling nating lahat. Lalo ka na."

Umupo siya sa tabi ko, tumingin ako sa kanya wearing that sad smile again.

"Alam ko Sammy. Masaya naman ako eh, na gising na siya. Pero alam naman nating dalawa na hindi na ulit ako makakalapit sa kanya diba."

"Bakit hindi mo subukang magpakilala ulit?"

Napatingin kami sa nagsalita, nakita ko ang pinsan kong si Bella. Lumapit siya sa aming dalawa ni Sam.

"Anong ibig mong sabihin masungit na babaeng nakapula?"

Bella rolled her eyes, kahit kailan talaga ang dalawang to hindi magkasundo. Napabuntong hininga nalang ako.

"Tumigil ka nga diyan, patpat na gwapong gwapo sa sarili niya. Hindi naman kita kinakausap no."

"Tama na yan, baka saan pa mapunta yan."

Awat ko sa kanilang dalawa, at napangiti kahit papano. Palaging ganyan ang eksina kahit noong mga bata pa kami. Ako ang taga.awat sa bangayan nila, actually kaming dalawa ni Kobe, bago siya lumayo sa akin at nawala ako sa buhay niya. Nakita ko na inirapan ni Bella si Sam.

"As I was saying, bakit hindi ka magpakilala ulit diba." sabi ulit ni Bella.

"Paano naman? Parang hangin na nga ako kay Kobe eh. Alam nyo naman na kahit magkasama pa tayong tatlo, kayong dalawa lang ang pinapansin at kilala niya. Kahit nga lumingon sa akin o bigyan ako ng ngiti hindi niya magawa." sagot ko.

"Pwedi ka naman naming ipakilala ulit sa kanya eh. Maninibago siya pero atleast we tried diba."

Napatingin ako kay Sam.

"At saka, matagal na naman yung nangayari eh. Baka panahon na rin para makapag.usap kayong dalawa."

I smiled. Tama sila, panahon na siguro para harapin ko ang matagal ko nang kinakatakutan. Panahon na siguro para subukan ko ulit na maging parte ng buhay niya. Sana, sana mapatawad niya ako, sana makabalik na ulit ako sa buhay ng taong mahal ko.

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now