Black

1.8K 25 2
                                    

Chaeyoung's P.O.V

'Stop looking,
I can't stop daydreaming,
You're one in a million,
and this is my favorite season.'

Bakit ba ang galing gumawa ng mga ganito ng prinsesa? Ilang taon na din simula ng mamatay ang reyna, at nong araw din na iyon hindi na namin pwedeng makita si Mina. Ang pangalan niya lang ang tanging alam namin, pero hindi pa namin siya nakikita, halos lahat ata ng pader dito sa labas ng palasyo dinidikitan nila ng mga papel na may mga maiikling tula na gawa ng prinsesa.

"Chaeyoung! Tapos kana bang bantayan ang parteng likod ng ating mahal na palasyo?" Bungad ni Tzuyu na aking kasama sa pag babantay ng buong palasyo.

"Oo at andoon na din ang ating hineral sabi niya na siya na ang mag babantay doon." Tumango lang siya at tumingin din sa mga maiikling dula na naka dikit sa pader.

"Napala galing niya talagang gumawa ng mga tula, kakaunti lang ang aking kaalaman tungkol sa lenggwaheng ingles, pero naiintindihan ko naman kahit papaano ang kaniyang mga gawa." Nginitian ko naman siya, pareho pareho kaming hindi nakapag tapos ng pag aaral, hindi kami mayaman kaya mas ginusto nalang naming manilbihan sa palasyo para mabuhay.

"Iba na ang naka distino dito, ano pang gingawa niyo?" Napalingon kami ni Tzuyu sa tinig nanggaling saaming likuran at yumuko upang mag bigay galang. "Hineral Jihyo,pasensya na po kami ay namangha lamang sa mga tulang naka dikit dito."

"Tama ka nga kahit sino naman at mamamangha sa kagalingan ng ating prinsesa. Bago ko pa makalimutan, sa loob kayo ng palasyo mag babantay ngunit wag kayong mangangahas na pumasok sa silid ng prinsesa, si Jeongyeon at Momo ang mag papalit sainyo dito." Sabay ulit kaming yumuko ni Tzuyu at nag paalam na saaming hineral, kailangan naming bantayan ang loob ng palasyo, hindi lang naman kami ang naka distino dito, meron pang iba.

Pag pasok namin ay may nakita kaming 10-15 na tagapag bantay, nagtaka kami kong bakit kailangan pa kaming idagdag.

"Bakit kailangan pa nating mag bantay? Kong napaka rami na din pala ang mga nag babantay dito?" Tanong sakin ni Tzuyu ngunit maski ako ay hindi ko din alam.

"Sundin nalang natin ang pinag uutos ng hineral, alam ko naman ayaw mo ding matanggal." Tumango nalang siya at nag lakad lakad.

Sa di kalayuang silid ay may naririnig kaming umiiyak, agad naming tinakbo ang silid na iyon at pag pasok namin ay may isang dalagang iyak ng iyak. Hindi ko alam pero naaawa ako sakaniya. Naka suot siya ng pang katulong na kasuotan.

"Binibini? Ayos ka lang ba?" Agad na lumpit si Tzuyu sakaniya at inalalayan siyang tumayo. "Bakit ka umiiyak? May naka pasok bang mag nanakaw dito at pinahirapan ka?"

"W-wala, naguguluhan lang ako." Nag taka naman si Tzuyu at sinubukang alamin kong ano bang pinag tataka ng dalaga.

"Nag iba na ang prinsesa, hindi na siya kagaya dati." Medyo nagulat ako sa aking narinig, isa siya sa sampung katulong na nakakakita sa prinsesa araw araw.

"Maswerte ka at nakikita mo siya, samantalang kami ay pangalan niya lamang ang aming alam." Agad siyang tumingin sakin at tumango. "Pero simula noong isang araw ay nag bago ang ugali niya, napaka bait niya at maamo pero ngayon? Hindi ko maintindihan."

Umiyak ulit siya at yumuko, pinunasan naman iyon ni Tzuyu.

"Binibini maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tumingin naman sakaniya ang babae at pinunasan ang kaniyang mga luha. "Sana, isa ako sa sampung katulong ng prinsesa."

Napangiti lang si Tzuyu at ipinakilala din ang kaniyang sarili. "Tzuyu at siya naman si Chaeyoung, isa kami sa limang babaeng mandirigma."

"Nakita ko nga, ayon na din sa iyong pananamit at pananalita, halatang napaka seryoso niyo." Natawa naman ako sa sinabi niya, ganon na ba kami ka seryoso?

"Sige mauuna na kami Binibining Sana, kami ay mag lalakad lakad lang sa buong palasyo, sana ay makita ka naming muli wag kanang umiyak hindi bagay sayo." Tumayo na si Tzuyu at lumakad na papuntang pinto, ganon din ang ginawa ko.

Noong naka layo na kami sa silid na iyon ay napansin kong namumula si Tzuyu. "Ayos ka lang ba? Nilalagnat kaba? Bakit namumula ka?"

Ngumiti naman siya at tumingin lang saakin, "Napaka ganda niya." Alam ko kong sino ang tinutukoy niya, tama siya maganda si Sana.

"Andito tayo para bantayan ang palasyo hindi para mag hanap ng makakasama mo." Saaming lima, ako ang pangalawa sa pinaka bata, si Tzuyu ang bunso, kaya hindi ko siya masisisi kong ganoon nalang siya kong kumilos.

"Pasensya na." Tumango naman ako, siguro nahulog siya agad sa unang tingin kay Sana, hindi iyon maiiwasan.

Ito palang ang pangalawang beses na mag babantay kami sa loob ng palasyo, ang natatandaan kong huli at noong nakaraang buwan, ngunit si Momo ang kasama ko noon.

Magagandang obra, mamahaling mga disenyo, magagandang alahas, kaya nga hindi basta basta nag papabantay ang hari sa loob ng palasyo, pili lamang ang mga taong pwedeng mag bantay dito. Siyempre itinuturing ko ang aking sarili bilang isang maswerteng mandirigma dahil nabigyan ako ng opotunidad na mag bantay sa loob nang palasyo.

Habang nag lalakad kami ay may nakita kaming isang katulong na tila ba naiirata, naisipan kong lapitan siya dahil nauuhaw na din ako.

"Binibini! Mawalang galang na ngunit ako'y nauuhaw, maaari mo ba akong bigyan ng kahit isang basong tubig lamang?" Nakita ko namang parang nagulat siya saaking pag lapit hindi naman siya nag salita nakatingin lang siya sakin. "Binibini?"

"Ah pasensya na, sige tara sumamama ka saakin, bibigyan kita ng inumin." Tinignan ko naman si Tzuyu at sinenyasan siyang hintayin ako.

Pumasok kaming dalawa sa kusina at nanguha siya ng tubig, dahil sobrang tahimik napag isipan kong mag tanong sakaniya. "Kamusta naman ang buhay katulong?" Hindi siya tumutingin saakin pero alam kong nakikinig siya.

"A-ayos l-lang n-naman." Kinakabahan siya, ayon sa tono ng kaniyang pag sasalita.

Inabot niya naman ang isang basong tubig saakin, agad ko iyong ininum at ng nainom ko na lahat ay hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Bakit napaka lamig ng iyong mga palad? May sakit kaba?" Agad niyang binawi ang kaniyang mga kamay. "W-wala k-kinakabahan lang ako."

"Bakit naman?" Tanong ko sakaniya bakit kailangang kabahan ng isang katulong pag may kausap siyang bisita? Hindi ba araw araw may nga bisita sila at kinakausap din nila?

"H-hindi ko din alam." Tumango nalang ako dahil siguro natakot ko siya.

"Chaeyoung! Bilisan mo!" Narinig ko namang sigaw ni Tzuyu. Nag ka tinginan lang kami at yumuko ako bago ako tumakbo upang nag bigay galang, tatakbo na sana ako ng maalala kong hindi ko pa nakukuha ang kaniyang pangalan.

Bumalik ako at hinawakan ang kaniyang balikat "binibini ano ang iyong pangalan?"

"Mi- Sharon." Nag taka naman ako dahil Ingles ang kaniyang pangalan ngunit wala na akong oras para tanongin pa iyon.

"Chaeyoung. Paalam na binibing sharon!" Tumakbo agad ako at hindi ko na siya nilingon.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kong bakit ba ako nag kakaganito.

~

Hmm sorry diko kaya talagang gumawa ng english na story ahhaha hindi ako magaling eh.

Devil's Angel || michaeng ||Onde histórias criam vida. Descubra agora