White

511 20 2
                                    

Mina's P.O.V

"Nayeon-unnie, ihanda mo ang aking damit pang katulong. Ako'y lalabas ng aking silid" Utos ko sa nag iisang katulong sa palasyo na pinag kakatiwalaan ko.

"Prin- Mina, saan ka nanaman ba pupunta?" Tanong niya sakin habang inihahanda ang damit na aking susuotin.

"Narinig ko na may bagong taga bantay ang palasyo, ang ibig kong sabihin ay may idinag dag sila ngayong araw na ito." Nginitian niya lang ako dahil alam niya kong anong ibig kong sabihin.

"Umaasa kaba na si Chaeyoung ang mag babantay dito?" Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na siya nga ang pinag bantay dito.

"Masyado kang namumula, baka pag nakita mo siya ay mahalata niyang gusto mo siya." Oo alam kong bawal ako mag kagusto sa isang mandirigma, lalo na sa isang babae, ngunit masisisi niyo ba ang aking puso?

"Isang buwan ko na din siyang hindi nakikita, nag sisisi ako dahil nong siya ang pinag bantay hindi ko siya kinausap." Namamangha din ako sa aking puso dahil sa loob ng Anim na taon, iisang tao padin ang laman nito.

"Oh sige eto na mag bihis kana." Kinuha ko naman ang dami na ibinigay niya saakin at aking isinuot iyon.

"Mina, wag ka masyadong mag taray sa ibang katulong hindi sila sanay sa iyong katarayan, umiiyak si sana kanina dahil sa iyong ugaling ipinakita sakaniya." Napakagat lang ako sa aking ibabang labi, hindi ko lang kasi makontrol ang emosyon ko kanina kaya napag taasan ko siya ng boses.

"Pasensya na, hihingi nalang ako ng tawad sakaniya mamaya." Agad akong lumabas ng aking silid pag katapos kong mag bihis.

Nasaan kaya siya? Napaka laki ng palasyo, imposibleng mahanap ko siya agad. Sa araw na ito, sinusumpa ko kakausapin ko na siya at lakakasan ko na ang loob ko. Bakit ba kasi bawal akong lumabas ng palasyo? Kong nakakalabas sana ako ay lagi kong makikita ang mahal ko.

Sa di kalayuan ay natanaw ko ang silid ni Sana, siguro kailangan ko munang humingi ng tawad bago ko hanapin si Chaeyoung.

Pumasok ako sa kaniyang silid, nagulat naman siya at napatayo.

"Prinsesa Mina, bakit ka naka pang damit katulong at bakit ka lumabas sa iyong silid?" Bawal akong lumabas sa aking silid kong hindi naka takip ang aking mukha, pero dahil sa suot ko siguro naman hindi nila ako mapapansin bilang kanilang prinsesa.

"Wag mo nang tanungin ang mga bagay na iyan, gusto ko lang mang hingi ng tawad dahil sa nagawa ko kanina, pasensya na kong napag taasan kita ngb boses." Nginitian niya lang ako at niyakap, "Alam kong mabait ka prinsesa, salamat sa paghingi ng tawad ngunit kahit hindi kapa pumunta dito ay pinatawad na kita."

"Oo nga pala, nakita mo na ba ang bagong mga mandirigma na nag babantay ngayon sa palasyo?" Nag taka naman siya, dahil ilang beses nang nag karoon ng mandirigma dito at ngayon lang ako naging interesado. "Bakit prinsesa?" Tinignan ko naman siya "sagutin mo nalang ang aking tanong sana."

"Pasensya na Prinsesa, Kung ang dalawang mandirigma ang iyong tinatanong ay oo, nakita ko sila kanina, kinausap nila ako. Pero sila ay mga babae." Napangiti naman ako dahil sa narinig ko, may 50% na na isa nga siya sa pinagbantay dito.

"Ano daw ang kanilang mga pangalan?"

"Ang matanggkad na babae ay nag ngangalang Tzuyu, napaka ganda niya napaka kisig at hindi ko alam ang gaan ng pakiramdam ko sakaniya, gusto ko ulit siyang makita." Umiibig na din ba ang aking katulong? "May gusto kaba sa mandirigmang nagngangalang Tzuyu? Sagutin mo ako ng totoo."

"Prinsesa hindi pa ako sigurado, ngayon ko lang siya nakita at hindi ko pa siya lubos nakilala." Tumango lang ako, hindi naman yata masama kong sasabihin ko sakaniyang may gusto ako sa isang mandirigma diba?

Devil's Angel || michaeng ||Where stories live. Discover now