Black

217 9 2
                                    

Chaeyoung's P.O.V

"So? Pupuntahan talaga natin? Diba sabi niya gusto niyang masolo?" Nag lalakad na kami ngayon papunta sa Student Council Office, andoon kasi si Daniel.

"Argh alangan namang iwan ko yon nanakikipag away? Tapos isasama panga ata si Dahyun sa kagaguhan niya." Iritang sabi ni Nayeon, malapit na kami sa pinto ng makarinig kami ng sigaw. "Wahh! Oo na!" Tumakbo naman kami papunta doon at nadatnan namin si Daniel na naka luhod sa harap ni Jihyo.

"Uulit kapa ba?!"

"Hindi na po!"

Natawa naman ako dahil lahat naman siguro matatakot dahil sa boses ni Jihyo.

"Sige lang Jihyo, good tama yan." Natawa naman ako ng sabihin ni Nayeon iyon.

"Noona!" Umupo naman kami habang naka luhod parin si Daniel sa harap ni Jihyo.

"Unnie, nakipag away nanaman si Daniel." Sabi ni Jihyo at itinuro si Daniel.

"Nasaan si Dahyun? Sabi nila siya daw yong kinaaway ng baliw na yan eh." Pag papatuloy ni Sana.

"Ah oo nasa kabila siya si Momo ang kumakausap sakaniya." Si momo kasi ang vice president.

"Bakit kaba kasi nakipag away?" Tanong ni Jihyo kay Daniel, tumayo naman si Daniel at umupo sa tabi ni Nayeon.

"Uhmm ano kasi...."

"Ano?!" Sigaw ni Jihyo, sapat na yon para matakot nanaman si Daniel, isipin mo pag nag asawa si Jihyo kawawa yong asawa niya.

"Plano naman ni Dahyun na mapunta dito!" Sigaw ni Daniel sabay yuko niya, "Huh? Bakit?"

"K-kasi may gusto si Dahyun kay Momo, gusto niya daw mag confess kasu masyadong busy si Momo sa mga gawain dito. Kaya sabi niya mag away kami para maisend kami dito..." Medyo natawa naman si Sana dahil sa plano nila, ganon nalang ba kagustong mag confess ni Dahyun?

"Oh? Bakit ka pumayag? Dapat nag excuse nalang kayo." Mahinanong sabi ni Jihyo.

"Masyado ka kasing busy kaya hindi mo nahahalata Jihyo...."

Natahimik naman kaming lahat.

"Ang manhid manhid mo, Top 1 ka, maganda tapos president kapa ng buong school pero bakit hindi mo manlang makitang gusto kita?" Nagulat naman si Jihyo-unnie dahil sa sinabi ni Daniel, tinignan ko naman si Nayeon-unnie, halatang alaman niya na may gusto si Daniel kay Jihyo-unnie, malamang kapatid niya eh.

"Aalis na ako." Kinuha ni Daniel ang bag niya at lumabas na ng room.

"Wait!" Sigaw ni Jihyo, huminto naman si Daniel pero hindi siya lumingon.

"G-gusto din k-kita..." Napalingon naman si Daniel ng sabihin iyon ni Jihyo.

"Ok tama na ayaw kong mahawa sa ka straight'an nyong dalawa tara na mga bakla." Hinila naman kami ni Sana-unnie palabas, kaya naiwan yong dalawa sa loob.

"Jusko ang sakit sa ays may gay ays ghad!" Pinupunasan ni Sana yong mata niya na para bang nakapanood ng porn ng hindi sinasadya.

"Tara nga kila Momo!" Sigaw ni Sana, siya naman ang pinaka bakla saamin eh, si Momo kaibigan ni Sana, well nakakasama naman namin siya pero minsan lang kasi nga Busy siya, palagi kasama si Jihyo-unnie.

"Momo-chan!" Sigaw ni Sana, bumukas naman ang pinto, hindi si Momo ang nag bukas. Si Dahyun.

"Bakit ka andito bakla?" Tanong ni Momo kay Sana. "Ewan ko gusto ko lang i check kong nakapag confess na si Dahyun." Nanlaki naman ang mga mata ni Dahyun habang si Momo parang tangang hindi padin naiintindihan kong anong sinabi ni sana, bakit ba to naging Vice? Ang lutang lutang niya palagi tapos parang alien kong mag isip hahahah.

"Ano? Ano yon?" Umirap naman si Sana, "Alam mo? Hindi ko din alam kong bakit ka naging Vice eh, hay naku basta si Dahyun na ang mag papaliwanag nun." Tumingin naman si Momo kay Dahyun, na hihintay ng sagod mula sakaniya.

"Uhmmm.. Momo-Unnie."

"Ano?"

"Matagal na kitang gusto! Ayan na! Ang busy busy mo kasi! Mag kaklase tayo simula noong elementary! Tapos ngayon ko lang nasabi! Kasi alam kong BESTFRIEND lang ang turing mo sakin! Tapos dumagdag pa yang pag ka vice president mo pot---" hindi na naituloy ni Dahyun yong sinasabi niya ng takpan ni Momo ang bibig niya. "Get out." Sabay tingin niya samin, lumabas naman kami para bigyan sila ng oras siyempre.

Pero si Sana dahil daw mas gusto niya yong Scene na to kaysa kanina idinikit niya yong tenga niya sa pinto. "Ay shet ang galing hahaha ang bilis!"

"Bakit?"

"Wala tara na. Let's go!"

Hindi na ulit ako nag salita, naalala ko na may klase pa ako mamayang 2:00, 1:54 na lagot.

"Wah! Papasok na ako! Bye na!" Iba ang klase ko sa klase nila, kaya kumaway nalang sila saakin. Tinignan ko yong phone ko kong saang room ako. Ok Room 23.

Tumakbo ako papunta sa Room 23, "S-sorry M-ma'am I'm Late!" Sigaw ko, pero wala namang tao, si Ma'am Myoui lang.

"Oh Chaeyoung? Wala si Sir Namjoon kaya wala kayong klase ngayon." Natameme naman ako ng sabihin niya iyon, taena tumakbo ako para lang maka abot tapos wala lang naman pala yong teacher ko?

"Ok ma'am thank you, sige ma'am mauuna na ako." Paalis na sana ako ng mag salita siya, actually eto yong room namin kaninang nag kwentuhan si Ma'am eh, pero dito din klase ko ngayon ibang teacher nga lang.

"Wait Chaeyoung!" Lumingon namam ako sakaniya, may hawak siyang box.

"Ma'am?" Sinenyasan niya naman akong lumapit sakaniya. "Tara dito may kailangan akong sabihin sayo." *Gulp* lagot... Babagsak ba ako sa subject niya dahil sa ginawa ko kaninang umaga? Huhu sana hindi.

"Naalala mo pa ba yong kwento kanina?" Eto nanaman naiirita nanaman ako, feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko, feeling ko ang dami kong kasalanan na dala dala pag naalala ko yong story na yon.

"Alam mo? Ibinigay saakin ito ng mama ko." Sabay turo sa hawak niyang red na box, wooden box siya na halatang pinintahan ng red, pero makikita mo naman ang kalumaan nito. "Ako lang at ang mga panganay sa susunod na henerasyon ang pwedeng maka basa ng laman neto." Binuksan niya naman ang box at inilabas ang ilang mga papel na halos ilang taon na ang tanda.

"Ma'am? Eh bakit niyo ikwenento saamin yon kanina? Alam kong galing sa box na yan yong story, sinabi kasi sakin ni Mina kanina."

Nginitian niya naman ako at inabot ang isang papel.

'A Kingdom full of lies,
and a kingdom full of lights,
Be brave and survive,
Talk to me and give me a high five!

Call my name,
but not by my nickname,
Stop dreaming,
and start working.'

"Sa totoo lang totoo ang storyang iyon." Namangha naman ako sa hawak kong tula, kahit dalawang taludtud lang iyon. Halatang madaming ibig sabihin.

"Handa kana bang tapusin ang pasahan ng pulang kahon na iyan? Mandirigmang Son Chaeyoung?"

~~~~~~~~

Devil's Angel || michaeng ||Where stories live. Discover now