Black

197 7 2
                                    

Chaeyoung's P.O.V

Naiirita na ako sakaniya, panay siya ngiti, andami ko ng ginawang pananakot sakaniya, pero puro lang siya ngiti. Pinana ko ang mansanas na nasa ulo niya, ginamit ko siyang kalaban para sa pag sasanay ko sa espada pero wala siyang ibang ginagawa kundi ngumiti.

"Bakit ba ngiti ka ng ngiti?" Tanong ko sakaniya, tanghalian na at kumakain na kami, "Wala masaya lang ako." Masaya pa siyang pinapahirapan namin sila?

"Kumain ka ng madami Mi--" tinabig ko naman ang kamay ni Momo ng aabutan niya sana si Mina ng tinapay. "Hindi, yang mansanas lang ang kakainin niya dahil makulit siya." Kinuha ko ang tinapay at ibinigay kay Dahyun.

"Anong ginawa niyo ni Dahyun?" Tanong ko kay Momo, dahil sa medyo sa malayo sila pumunta kaninang pinapahirapan ko si Mina, pinag igib ko siya kahit na may tubig naman dito sa bahay na to.

"Ah wala naman, pinag huli ko siya ng makakain nila, naka huli siya ng usa!" Itinuro naman ni Momo ang patay na usa na nasa harap ng bahay ngayon.

"Kakainin niyo yan mamaya." Tumingin naman sakin si Mina, "Paano kayo?"

"Uuwe na ako kay Somi." Bigla namang napasimangot si Mina ng sinabi ko iyon.

"Ikaw? Dika ba pupunta kay Chaeryeong?" Tanong ko kay Momo, hinintay ko namang maubos niya ang kinakain niya para makapag salita siya. "Hahahahha natatawa nga ako sakaniya, sabi niyang may gusto siya saakin, dahil simula daw ng dumating si Somi dito naikwekwento na niya ako sakaniya."

Si Dahyun naman ganon padin amg reaksyon niya, "Kailangan na nga nating umuwe mamaya Momo, baka mag alala si Somi."

"Tapos na ako." Tumayo ako at pumunta sa kwarto kong saan ako natulog kagabi. "Kayo ang mag hugas." Rinig kong utos ni Momo.

Umupo naman ako sa kama at nag muni muni muna dahil bawal mahiga pag kakatapos kumain, sasakit ang tiya ko.

Pag katapos mag hugas ng dalawa ay narinig kong pumasok si Dahyun sa kwarto kong saan sila natulog ni Momo kagabi, "Pwede na ba akong mag pahinga?" Tanong saakin ni Mina ng pumasok siya sa kwarto.

"Oo." Humiga namana ako, gusto ko din munang matulog bago umuwe, napagod ako kakabulyaw kay Mina. Humiga din siya sa tabi ko, pero tumalikod siya sakin.

"C-chaeyoung..."

"Bakit?"

"Mahal kita."

Hindi ko nalang siya pinansin at ipinikit ang aking mga mata.

"Mahal na mahal kita Chaeyoung."

Naramdaman ko namang humarap siya sakin at nakatingin siya sakin ngayon.

Ako naman ang humarap sa kabilang direksyon upang talikuran siya. Bigla niya akong niyakap, "Huwag mo akong basta basta niyayakap."

"P-pero palagi kitang niyayakap no--"

"Noon lang iyon." Pag puputol ko sakaniya.

Hinayaan ko naman siyang yakapin ako, dahil akala ko bibitaw siya.

Sinubukan kong hindi siya pansinin dahil inaatok na din talaga ako.

"Saranghae~"




"Mahal ko!" Nakita kong nag lalakad papalapit saakin si Mina, tumakbo ako papunta sakaniya para yakapin siya pero bigla siyang nag laho. "M-mina??!"

Bigla ko namang nakita si Somi na papalapit din sakin. "C-chaeyoung mahal kita!" Niyakap niya ako at hinalikan sa labi.

Devil's Angel || michaeng ||Where stories live. Discover now