Black & White

380 14 1
                                    

Dalawang linggo na din ang nag daan simula ng ianonsyo nila na may paparating na digmaan laban sa kahariang katotohanan at kahariang kasinungalingan. Ang dalawang hineral na si Hineral Daniel at Hineral Jihyo ay abala sa pag iinsayo sa kanilang mandirigma, sa ngayon hindi lamang ang limang babae ang sasabak sa labanan, lahat ng babaeng mandirigma ay lalaban, ang lima ang mangunguna sapagkat sila ang pinaka mataas, ang dalawang linggo ay hindi sapat, kailangan nila ng ilang taon para mag insayo ngunit ang kalaban ay pwedeng umatake ano mang oras sa susunod na linggo.

Sa hardin ay mag isang nag eensayo si Chaeyoung, naka tuon lamang ang kaniyang pansin sa pag iinsayo, wala siyang pake kong anong nangyayare sa paligid, ngunit kahit ganon, hindi niya hahayaang hindi niya pansinin ang pinaka magandang tinig na nag papasaya sa kaniyang tenga.

"Mahal ko maaari ba tayong pumasyal sa labas ng palasyo?" Ang magandang ngiti ay gumuhit sa mga labi ng mandirigma, napaka saya niyang makitang muli ang kaniyang prinsesa. Naging ganap na mag kasintahan ang dalawa matapos umamin sa Isa't isa, mabilis ang pangyayare ngunit bakit kailangan pang patagalin? Anim na taon din ang hinintay ng prinsesa upang makasama ang kaniyang mahal.

"Mahal ko alam mo namang delikado, kailangan mong mag pahinga sa susunod na dalawang araw ay mag sisimula na ang napaka laking labanan." Naiintindihan ng prinsesa ang kalagayan ng mandirigmang kaniyang mahal ngunit gusto niya din itong makasama bago ang paparating na laban.

"Ako'y nag mamakaawa mahal gusto kitang makasma bago mag simula ang labanan." Natatakot si Mina dahil sa nakaraang digmaan ay napaslang ang kaniyang ina ng parehong kaharian.

"Haha oo sige pag bibigyan kita mahal ko, kung gayon tayo na't humayo." Nag hawak kamay naman ang mag kasintahan at lumabas ng palasyo, hindi din naman sila pinansin ng mga bantay dahil alam nilang isa sa namumuno sa mandirigma si Chaeyoung at isa lamang katulong ang kaniyang kasama.

Nag paalam na din ang prinsesa sa dalawa niyang kaibigan na katulong maging sakaniyang pinsan na ayaw paring umuwe dahil siya daw ay sasama sa labanan, Hindi naman ganoon ang ugali ng kaniyang pinsang kaya ganoon nalamang ang kaniyang pag tataka.

"Saan mo gustong pumunta mahal kong prinsesa?" Kalalabas palang nila ng palasyo ngunit namamangha na ang prinsesa sa kaniyang mga nakikita, ilang taon din siyang hindi naka labas. Wala syang lakas ng loob lumabas ng mag isa dahil baka siya lang ay mapahamak ngunit ngayong kasama niya ang mahal niya ay alam niyang walang mang yayareng masama.

"Mahal! Nakikita mo ba ang balon na iyon? Wala pa iyan noong huli akong lumabas ng palasyo!" Manghang sigaw ng prinsesa, alam naman natin na pwedeng hilingan ang balon diba?

"Eto kunin mo at mag hulog ka ng isa at iyong isigaw ang iyong hiling mahal." Binigyan naman ni Chaeyoung si Mina ng isang baryang ginto. Agad na kinuha iyon ni Mina, medyo nahihiya din siya dahil siya ang may kaya ngunit si Chaeyoung ang nag bibigay.

Inihulog niya ang hawak niyang barya at isinigaw ang kaniyang hihilingin "ako'y iyong dinggin gusto kong makasama ang aking mahal ng matagal, gusto ko siyang mapangasawa." Napangiti naman ang mandirigma sa dahil sa hiling ng prinsesa.

"Ikaw? Hindi kaba hihiling?" Tanong ng prinsesa sa mandirigmang kaniyang iniibig.

"Hindi na kailangan, ang lahat ng aking gusto ay nasaakin na. Magandang termino, mga pana't palaso, magandang palasyong pinag sisilbihan ko at isang magandang dalagang kagaya mo." Hinalikan naman ng mandirigma ang dulo ng ilong ng prinsesa, hindi niya pa nagagawang halikan ang mga labi ng prinsesa dahil ito'y lubos niyang ginagalang. Walang ibang nagawa ang prinsesa kundi ngumiti lang dahil sa kilig.

Nag lakad naman sila sa buong bayan, tila hindi napapagod ang dalawa kakalakad. Sa kanilang pag lalakad ay naalala ng madirigma ang kaniyang pangako.

Devil's Angel || michaeng ||Where stories live. Discover now