White

472 17 3
                                    

Nayeon's P.O.V

"Mahal na Prinsesa, pwede mo bang ikwento saakin kong paano mo nakilala ang mandirigmang iyong iniibig?" Kanina pa andito si Sana kasama namin ni Mina, siguro humingi na din ng tawad si Mina kaya ayos na sila.

"Labing anim na taon palang ako ng makita ko siya, buhay pa si ina noon, si Chaeyoung ay pumasok sa palasyo upang manghingi ng pirmiso kay ama upang maging isang ganap na babaeng mandirigma, ngunit siya ay labing apat na taong gulang ng mga panahong iyon, dahil nga sa bago pa lamang siya, hindi siya pwedeng pumasok sa palasyo ng ganoon katagal, hanggang sa hardin lang siya." Tumigil si Mina at itinuro ang hardin, ang hardin ay nasa binta lamang ni mina kaya kong titingin sa durungawan ay makikita mo na ang mabulaklak na hardin.

"Araw araw ko siyang nakikitang naka higa sa hardin na iyan, dahil sa mahiyain ako hindi ako lumalabas ng palasyo, hindi ko nagagawang kausapin ang kahit na sino maliban lang kay Nayeon. Hanggang sa tumagal ng ilang buwan, ang pag sasanay ni Chaeyoung ay araw araw na nagaganap sa Hardin kasama ang hineral ng mandirigmang babae na si Somi, si Somi ang dating hineral ngunit di nag tagal ay napalitan ni Jihyo dahil si Somi ay nag ritiro. Sa tuwing mag didikit ang kanilang palad ay nakakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib, tila ba ang hawak na pana't palaso ng dalawa ay saaking dibdib tatama. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi tamang mag mahal ako ng mandirigma ng palasyo, lalo na't siya ay babae. Ngunit habang ako ay lumalaki, napagtanto ko na umiibig nga talaga ako." Ngumiti si Sana sa kwento ni Mina, nasanay na ako sa kwento niyang iyon, halos araw araw niyang ikwenikwento saakin kong paano mag insayo si Chaeyoung kasama ni Somi.

Napalitan si Somi, ngunit hindi sinabi kong anong dahilan ng kaniyang pag riritiro, simula ng napalitan ang hineral ay hindi na muling nakita si Somi. Siguro sa kahihiyan dahil napaka taas ng kaniyang posisyon, naagaw sakaniyang ang posisyong iyon at napag ritiro siya ni Jihyo ngunit ang mga balitang ito ay hindi pa napapatunayan.

Tumingin naman si Sana sa bintana kong saan andoon ang hardin na ikwenikwento ni Mina.

"Tignan niyo! May isang mandirigma ang nasa hardin!" Agad na tumakbo si Mina papalapit sa bintana, ngunit muli siyang simangot ng makitang hindi si Chaeyoung iyon.

"Ano kaba mina? Nasa loob ng palasyo si Chaeyoung kaya hindi siya ang nasa labas." Tumingin naman siya sakin habang sinasabi ko ang mga iyon.

Lumapit ako sa bintana upang silipin kong sino ang mandirigmang iyon.

Matanggkad, maikling buhok at seryosong mukha. Magandang kutis at magagandang mata.

"Bago ba siya dito mina?" Hindi ko pa siya nakikita kaya naisipan kong tanongin.

"Hindi, ngayon mo lang siya nakita dahil sa likod ng palasyo siya madalas mag bantay. Bakit?" Tumango naman ako at patuloy na pinag masdan ang mandirigmang nasa hardin.

"Wala naman."

Habang tinitignan ko siya at nag salubong ang aming mga mata. Hindi ko iniwas ang aking mga mata, nginitian ko lang siya, at nginitian niya lang din ako pabalik.

"A-anong pangalan niya?" Nauutal kong tanong sa dalawa, malay niyo alam nila.

"Siya si Jeongyeon ang kanang kamay ni Jihyo." Nagtaka naman ako kong paano nalaman iyon ni sana. "Ngunit paano mo nalaman?"

"Kapapaskil lamang ng ilang tagabatay ang kanilang mga larawan at pangalan sa aking kwarto, sabi nila na dapat daw kilala ko ang mga mandirigmang papasok at lalabas dahil maaring isa sakanila ay mag nanakaw." Ngunit isa din akong katulong? Bakit wala akong nalalaman tungkol dito?

"Kung nag tataka ka kong bakit wala sayo, palagi ka kasing andito sa silid ng prinsesa kaya hindi mo yata napapansin." Tumango nalang ako, palagi akong nasa silid na ito upang sa mahalan si mina dahil alam ko ang pakiramdam ng nag iisa.

Devil's Angel || michaeng ||Where stories live. Discover now