Black

299 10 2
                                    

Chaeyoung's P.O.V

"S-somi maari ko bang malaman kong saan tayo pupunta?" Tinignan niya lang ako at nag patuloy lang sa pagamaneho ng kalesang sakay namin, si momo ay nasa loob upang mag pahinga.

"Dadalhin kita saaking itinuring na tahanan simula ng ako'y umalis saating kaharian." Hindi ko alam ang kaniyang gustong iparating ngunit masaya akong nakita ko ulit siya.

"Alam mo bang matagal na kitang gustong makita? Isa ka sa mga mandirigma na aking paborito Chaeyoung, kamusta naman ang naging buhay mo." Gusto ko sakaniyang ikwento ang lahat maging ang aking buhay pag ibig ngunit paano ko magagawang ikwento iyon kong ang babaeng iyon mismo ang pumatay saaking ina?

"Ako at ang aking kapatid ay namuhay din ng payapa sa kaharian, ngayon maari ko bang malaman kong bakit ka umalis?" Itinigil niya sandali ang kalesa at nag simulang mag salita.

"Umalis ako dahil natalo ako sa isang duwelo laban kay Jihyo ang kapalit ay ang aking termino, hindi ko kayang mabuhay sa kahihiyan kaya napag isipan kong umalis, lumabas ako ng kaharian. Hanggang isang araw ay nakilala ko si Lisa, isang mandirigma galing sa kahariang itim, napaka bait niya saakin, inilibot niya ako sa buong bayan ng kanilang kaharian, siya ay may nobya din ngunit patago, dahil sa kaniyang nobyang si Jennie ay naka pasok ako sa palasyo bilang mandirigma, hindi nag tagal ay naging Hineral ulit ako." Ang aking kaharian at kahiriang itim ay mortal na mag kaaway, marami akong naririnig tungkol sa kahariang iyon na puro hindi magaganda.

"Doon ba tayo pupunta?" Tanong ko naman sakaniya, hinawakan niya ang aking dalawang kamay at tumingin ng diretso saaking mga mata.

"Oo, Chaeyoung nangako ako sa sarili ko babawiin kita, Chaeyoung hindi ko man nasabi saiyo sa mga nag daang taon ngunit simula ng umalis ako sa palasyo ay hindi ka mawala saaking isipan palagi kong naalala kong paano kita tinuturuan, Chaeyoung....." Hindi ako makapag salita dahil sa aking mga naririnig, ang aking Hineral ay may gusto saakin?

"Mahal kita Chaeyoung." Niyakap ko naman siya, hindi ko alam kong anong sasabihin, nararamdaman komg tila mali ang aking nararamdaman ngunit parang tama din naman.

"Wala kabang napusuan sa kaharian ng ako'y umalis?" Siguro kailangan kong ikwento sakaniya ang lahat.

"Masakit pero, kailangan mo din malaman ito, ang prinsesa at ako ay may sekretong pag iibigan." Nakita ko namang napa simangot siya saaking nabanggit.

"Ngunit wala na akong balak bumalik sakaniya, pinaslang niya ang aking ina ang nag iisang kayamanan sa buhay namin ng aking kapatid!"  Nag tataka naman siya kong bakit ko nasabing pinatay ng prinsesa ang aking ina.

"Paano niya napatay ang iyong ina?" Alam kong ang palasong iyon ay galing sa palasyo, kahit na hindi siya ang gumamit ng palaso, kinamumuhian ko siya dahil wala man lang siyang ginawa upang ipatigil ang pag papaulan ng palaso.

"Ang palasong kumitil sa buhay ng aking ina ay nanggaling sa kaharian, kahit hindi siya ang mismong gumamit ng pana ay galit ako sakaniya dahil hindi niya man lang pinigilan ang pag papaulan ng palaso, kahit alam niyang hindi lang ang kaharian niyo ang matatamaan." Niyakap naman ako ni Somi, mas gumaan na ang pakiramdam ko.

"Ikinalulungkot ko ang pag kamatay ng iyong ina, ngayon sabihin mo saakin anong balak mong gawin?" Nag isip ako ng ilang beses bago sagutin ang kaniyang katanungan.

"Ako'y muli mong sanayin, ako'y mag hihiganti." Nakita ko naman ang bahagyang pag ngiti niya.

"Kailan mo gustong mag umpisa?"

"Gusto kong surpresahin ang prinsesa, at alam ko naman ang nararamdaman ng aking kapatid, hihintayin ko ang pag galing ng sugat ni momo, sabay kaming mag eensayo." Nag simula na ulit pagalawin ni Chaeyoung ang dalawang kabayo, dahil sa haba ng daanan, hindi ko namalayan na natulog na pala ako sa kaniyang balikat.

_________________________________________

"Mahal kong Chaeyoung gumising kana andito na tayo sa palasyo." Pag mulat ng aking mga mata ay nakita ko si Somi, medyo nalungkot ako dahil hindi iyon si Mina, ngunit bakit ko pa siya kakausapin? Wala na din akong pake sakaniya.

"Magandang hapon, kung gayon ikaw ang palaging ikinukwento saamin ni Somi." Nginitian ko nalang ang isang babaeng naka suot mandirigma din, ngunit ang kaniyang suot ay puro itim.

"Ako si Lisa, ang hineral ng babaeng mandirigma, dalawa kami ni Somi ang g hineral hehe." Saaming kaharian ay iisa lamang ang pwedeng maging hineral sa babae at lalake.

"Nakakapanibago, saaming kaharian ay iisa lamang ang Hineral ng babaeng mandirigma." Medyo nag labas naman si Lisa ng mahinang tawa.

"Ayon din ang kwento saakin ni Somi, napaka walang kwentang batas ang ipinatupad ng inyong Hari, sa kahariang ito ay dalawa ang Hineral para sa babaeng mandirigma at lalakeng mandirigma. At isa pa walang masyadong batas dito, ang bawal lang ay pumatay ng kapwa mo maliban nalamang kong taga ibang palasyo, bawal ding magnakaw at kung ano ano, isa kang dayo buti hindi ka pinatay ng mga mandirigmang nadaanan niyo?" Tumigin lang si Somi kay Lisa na may halong pang aasar. "Ako'y isang Hineral Lisa nakakalimutan mo na ba? Ayos lang kong mag dadala ako ng taga labas at sasanayin bilang maging ating mandirigma." Napaka walang emosyon kong tumitig si Lisa ngunit makikita mo naman na isa siyang mabuting tao.

Naalala kong matataas ang posisyon ang aking mga nasa harap, agad naman akong yumuko.

"Wala din yan saaming batas Chaeyoung." Tumingin ako kay Somi at tumango lang siya, kaya naman pala kaninang nag kita kami ay hindi siya yumuko.

"Ipasok mo na ang mga gamit ng iyong bagong mandirigma somi, mayroong pang bakanteng silid sa tabi ng iyong silid mismo." Agad namana akong pumunta sa karwahe upang gisingin si Momo.

"Unnie gumising kana, andito na tayo." Dahan dahan namamg iminulat ni Momo ang kaniyang mga mata. "Si ina...."  Pinakalma ko naman siya sandali at nag salita akong muli. "Alam ko momo, masakit isipin ngunit pinatay siya ng mga mandirigmang nasa palasyo, alam mo kong saan nang gagaling ang mga utos diba?" Tumango si Momo at sinambit ang pangalan ng kaniyang mahal... "Dahyun, pag babayara mo toh."

"Tara na Chaeyoung kaya paba ng iyong kapatid? Tara dadalhin ko siya sa pinaka magaling na doktor dito sa loob ng palasyo." Inalalayan ulit namin siya papasok ng palasyo, ipinasok namin siya sa isang silid at pinahiga.

"Ang pinaka batang doktor ang mang gagamot sakaniya Chaeyoung." Bago ako umalis ay tinanong ko kong ayos lang si Momo, tumango naman siya habang namimilipit sa sakit.

"Doktor Chaeryoung meron kang pasyente." Napa lingon naman ako sa doktor na pumasok, napaka puti niya, mag kapareho sila ni Dahyun.

"Lumabas muna kayo, ako na ang bahala sa pasyente." Sabay kaming tumango si Somi at lumabas ng silid.

"Chaeyoung naalala mo pa ba ang sinabi ko sayo kaninang nasa daan tayo?" Tumango naman ako, alam kong tinutukoy niya ang pag amin niya.

"Hindi kaba naiilang?"

"Bakit ako maiilang? Ikaw ang nag turo saakin ng lahat ng aking nalalaman ngayon."

"Ang ibig sabihin ay importante lang ako sayo bilang iyong hineral?" Tumango naman ako, wala akong balak maki pag relasyon saaking Hineral.

"Wag kang mag alala Chaeyoung mag babago din ang isip mo." Tumingin siya saakin at hinalikan ako sa labi.

Nag dikit ang aming mga labi ng sampung segundo, hindi ko din alam kong bakit hindi ko siya pinigilan.

"Mag kita nalang tayo mamaya Chaeyoung..."

Ano bang ginagawa mo Chaeyoung? Gumising ka! Nandito ka upang mag insayo at makapa hinganti hindi para humanap ng kapalit ni Mi-- ayaw kong banggitin ang pangalan niya, nag mimistula itong pangit na liriko ng kanta saaking tenga.

~~~~~

Chaeyong x Somi naba? hahahaha
Sorry sa mga typo hehe

Devil's Angel || michaeng ||On viuen les histories. Descobreix ara