White

239 14 0
                                    

Mina's P.O.V

"Wag kang mag alala Mi-Sharon... Mahahanap din natin si Chaeyoung" ilang oras na din ang nakararaan ng maka alis kami sa palasyo, medyo madumi pa ang bayan dahil sa labanan, andaming nasirang bahay.

"Binbining Sharon sabihin mo saakin, bakit ganoon nalang ang pag aalala mo kay Chaeyoung?" Tanong ni Jihyo, dahil binuksan ko ang bintanang nag hihiwalay sa labas at sa loob ng karwahe.

"Mahal ko siya Hineral, anim na taon ko siyang hinintay na makasama, hindi ko hahayaang mailayo siya ulit saakin, hindi ko kakayanin." Tumango naman siya at mas itinutok ang tingin sa daan, nasa likod lang namin ang karwahe nila Hineral Daniel.

"Anim na taon? Napaka tagal naman non, napaka swerte niya naman at nag karoon siya ng kagaya mong marunong mag hintay." Kabaliktaran ang sinasabi niya, ako ang maswerte kay Chaeyoung, kong hindi dahil sakaniya, nasa loob lang ako ng silid ko mag hapon mag damag, at ipinaramdam niya saakin kong gaano ako kahalaga, pero.... Bakit sa maikling panahon lang?

"Iba talaga pag mahal mo ang isang  tao, magagawa mo ang lahat para sakaniya." Tama siya pag nag mahal ka wala ka nang pake sa sasabihin ng iba, ang mahalaga lang ay yong taong mahal mo.

"Sa tingin niyo nasaan si Chaeyoung ngayon?" Tanong ni Tzuyu, tinignan ko naman si Sana pero kagaya ng dati tinignan niya lang ako ng walang kaemoemosyon, alam kong hindi niya din alam.

"Sa tingin ko, nasa kabilang kaharian siya." Kong nasa kabilang kaharian siya ang ibig sabihin non ay pinapahirapan na siya ngayon, sana hindi.

"Siguro ginawa na siyang alipin, hinding hindi ko hahayaang mangyare yon." Ayaw kong nahihirapan siya, masyado siyang perpekto para maging alipin ng kahariang iyon.

"Balak mo bang pumunta doon? Sharon?" Tanong ulit ni Jihyo, ayon sa pag sasalita niya, nag aalala siya.

"Oo."

"Pero napaka delikado, sa lugar na iyon alam mo naman ang mga kwento tungkol sa kahariang iyon diba?" Sabi ni Sana  na ngayon ay hinakawakan na ako ng mahigpit.

"Masusunod, pero mag iingat ka, kong maari ay huwag kang lalayo saamin, lalo kana Sana, masyado kang malikot." Tinignan naman ng masama ni Tzuyu si Jihyo dahil sa sinabi niya. "Ano? Totoo naman?" Pang aasar ni Jihyo kay Sana.

"Edi ako ang mag babantay sakaniya." Seryosong sambit ni Tzuyu, sana andito din si Chaeyoung para protektahan ako.

"Ako nang bahala kay Sharon." Sabi ni Jihyo, hindi ko siya masyadong kilala, siyempre bawal akong lumabas ng silid ko eh.

"Daniel! Sa kahariang Itim ang punta natin!" Sigaw ni Jihyo kay Daniel, halos mabingi naman ako dahil sa lakas ng boses niya, boses pa ba yon ng tao?

"Masusunod Binibini."

Tumigil muna kami sa isang madamong lupain, napaka ganda ng tanawin, sana andito si Chaeyoung para sabay naming makita ang mga ito.

"Mag pahinga muna tayo, ilabas mo na ang mga pag kain Sana." Utos ni Nayeon sakaniya, tumango naman si Sana at kinuha ang kaya niyang bitbitin.

"Kumain na tayo Sharon, wag kang mag papagutom, alam mo namang hindi ka sanay na walang laman ang iyong tiyan." Tumango naman ako at nag simula ng kumain.

"Bakit parang iba ang trato niyo kay Sharon? Hindi niyo siya itinatratong kagaya niyo, para niyo siyang itinituring na Prinsesa." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko iyon, naramdaman ko namang tumingin saakin si Nayeon,Sana,Dahyun at Tzuyu dahil sa sinabi saamin ni Daniel.

"Pasensya na pero, hindi lang talaga siya sanay na nagugutom, kong magugutom siya ay manghihina siya agad, kaya nga hindi siya masyadong lumalabas ng palasyo dahil sa kaniyang kalagayan." Tumango naman si Jihyo at pinag patuloy ang pag kain ng nasa plato niya, buti nalang at naniwala sila.

"Kaya naman pala hindi kita masyadong nakikita sa palasyo na nag tatrabaho." Tumingin naman ako ka Jeongyeon, siguro oras na para isalba ko din ang aking sarili.

"Ah oo, palagi lang akong nasa silid ng Prinsesa dahil doon ay hindi ako masyadong napapagod." Tumango naman siya ulit.

"Kumain na kayo, kung gusto niyo ay mag lakad lakad muna kayo mamaya, pero wag kayo masyadong lalayo dahil parte na ito ng kahariang itim." Tumango naman kaming lahat at nag patuloy sa pag kain.

"Ah! Busog na ako!" Sigaw ni Dahyun dahil halos kainin na niya lahat, buti nalang hindi nila inilabas lahat ng pag kain.

"Matagal pa tayong mag lalakabay sana ay makontrol ko ang iyong katakawan." Pang aasar ko sakaniya, dahil puro prutas nalang ang natira sa karwahe.

"Wag kayong mag alala, mamamalengke nalang tayo." Tumango naman ako dahil sa sinabi ni Tzuyu.

"Mag lalakad muna kami ni Hineral Jihyo." Tumango nalang kaming lahat, siguro ay may namamagitan sakanila, bagay sila.

"Kami din ni Sana."

"Kami din ni Nayeon."

"Oo na sige na! Wag niyo na kaming tignan ng ganiyan! Kayo'y mag simula nang mag lakad, huwag niyo na kaming inggitin pa ni Sharon!" Sigaw ni Dahyun, natawa naman ako dahil sa sinabi niya, kaming dalawa lang kasi ang walang kalandian ngayon.

"Mag iingat kayo mga binibini lalo kana Sharon." Umalis na sila at kami nalang ni Dahyun ang naiwan.

"Gusto ko na siyang makita Mina." Maging ako ay gustong gusto ko nang makita si Chaeyoung.

"Mahahanap din natin sila, wag tayong mawalan ng pag asa, alam mo namang matatag silang mag kapatid diba?" Tumango naman siya at niyakap ako.

"Tara mag lakad lakad din muna tayo, pero wag tayo masyadong lalayo dahil walang mag babantay ng karwahe." Tumango naman ako, hindi naman kami masyadong lumayo, pumunta lang kami sa bangin at tinitignan ang magagandang mga puno sa ibaba.

"Napaka ganda pala dito, pag nahanap natin sila gusto kong maupo dito kasama si Momo."

"Tama ka, ano kaya ang ginagawa nila ngayon?"

"Siguro ay iniisip nila tayo ngayon hahaha."

Iba din talaga mag isip tong pinsan ko, kong titignan mo ay parang mas nadagdagan na ang pag asa niya para makita si Momo.

"Alam mo andaming nag bago sayo simula ng dumating sa buhay mo si Momo."

"Kagaya ng?"

"Palangiti kana, hindi kana masyadong mataray kagaya ng dati at palagi kang tawa ng tawa."

"Siguro ay nahawaan lang ako ng kabaliwan niya."

"Kabaliwan? Sigurado kabang kabaliwan lang ang naipasa niya sayo?"

"Andami mong sinasabi Mina."

Tumawa naman ako at tumingin ulit sa tanawin sa ibaba. Bigla akong nahilo dahil may naamoy akong kakaiba.

"Dahyun.. nahihilo ako."

"A-ako din..."

Biglang nag dilim ang palagid at tuluyan na akong tumumba. Naramdaman kong may bumuhat saakin pero hindi ko alam kong sino, Hindi ako makagalaw.

Pinipilit kong sumigaw pero walang lumabas sa bunganga ko.

'Chaeyoung tulungan mo ako'

Bulong lang ang nagawa ko.

~~~~~~~~~

Wahshiwep! Mashiney ney.

Please vote guys :( pls ehhe wag lang puro basa ahehe.

Devil's Angel || michaeng ||Where stories live. Discover now