White

187 9 3
                                    

Mina's P.O.V

"M-mina, nilalamig ako." Kanina pa kami naka tali dito, hindi ko alam kong sila ba talaga yong mga nakaharap namin kanina. Bakit nag iba sila?

"Wag kang mag alala Dahyun, gagawa tayo ng paraan upang maka alis dito." Pilit akong kumakawala sa pag kagapos pero wala paring kwenta.

"Sa tingin mo? Ganon nalang ba natin sila nasaktan? Kaya nag bago na sila?" Tanong ni Dahyun, "H-hindi ko din alam...."

May narinig naman akong papalapit saamin, hindi ako nag salita dahil baka sila Chaeyoung iyon. At hindi ako nag kakamali, sila nga.

"Kumain na muna kayo." Tinanggal ni Momo ang tali sa kamay ni Dahyun at inabutan siya nito ng isang tinapay.

"Kumain kana prinsesa, Hindi gugustuhin ni Nayeon na nagugutom ka." Nakakatakot ang boses niya, hindi ko alam pero nag bago na talaga siya.

Tinaggal niya ang tali sa kamay ko at inabutan din ako ng tinapay, agad ko naman kinuha iyon. Kanina pa ako nagugutom.

"Wag kayong aalis sa bahay na ito, kung ayaw niyong patayin kayo ng mga bantay ng kaharian." Lumapit saakin si Chaeyoung at tinignan ako sa mga mata. "Ayaw kong mapatay ka nila prinsesa.... Gusto kong ako mismo ang gagawa non."

Mas natakot ako sa sinabi niya, "Chaeyoung ikaw ba talaga yan? B-bakit parang nag bago kana?"

"Haha tinatanong mo ako kung bakit ako nag bago? Binago ako ng sakit na nabuo sa dibdib ko Mina, at ikaw ang may gawa non." Tama siya, namatay ang kaniyang ina ng dahil saamin, ng dahil saakin.

"Kumain na kayong dalawa aalis na kami mamaya, eto pala kumot at unan." Ibinato saamin ni Momo ang dalawang unan at kumot.

"Dito ako matutulog Momo." Tinignan naman ni Momo si Chaeyoung, "Pero mag tataka si Somi kong bakit hindi ka uuwe ngayong gabi." S-somi? Ang dating hineral?

"Wag kang mag alala, alam mo naman kong gaano ako kamahal ni Somi." Halos madurog ang puso ko ng marinig ko iyon, tama nga ang hinala ko, may gusto nga si Somi  kay Chaeyoung, mahahalata mo naman kong paano turuan noon ni Somi si Chaeyoung eh..

"Sige, sasamahan nalang kita." Binigyan naman nila kami ng kanin at ulam, pero hindi ako nakakain ng madami dahil sa mga nangyayare.

"Mina..." Kasalukuyang nasa labas ang mag kapatid. "N-natatakot ako." Niyakap ko naman siya, natatakot din ako pero dahil ako ang mas matanda kailangan kong mag paka tatag.

"H-huwag kang mag alala magiging ayos din ang lahat, matulog kana kong inaantok kana." Hindi naman na siya naka pagsalita dahil dumating na si Momo, "Sa kabilang kwarto tayo matutulog Dahyun, tumayo kana diyan." Tinignan naman ako ni Dahyun, halata sa mga mata niya na takot na takot siya. Sumunod nalang siya sa pinag utos ni Momo dahil natatakot siya. Nanatili naman akong naka upo. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, napansin ko namang kanina pa ako tinitignan ni Chaeyoung, wala akong ibang magawa kundi ngumiti sa tuwing mag tatama ang mata naming dalawa, Kahit anong gawin niya, mahal ko parin siya.

"Wag ka masyadong ngumiti baka bukas ay umiiyak kana dahil sa buhay mo." Nakaramdan nanaman ako ng takot pero mas nag hari saakin ang pag mamahal ko sakaniya.

"Mahal kita Chaeyoung." Hindi naman siya nag salita pero tinignan niya ako. "Pasensya na pero noon lang iyon." Mas nadurog ang puso ng binigkas niya ang mga salitang iyon.

"Ayos lang saakin kong ako lang ang nag mamahal saating dalawa, handa akong tanggapin ang mga parusa, mapasaya ka lang." Nakita ko naman kong paano nag iba ang timpla ng mukha niya, makikita mong naiirita siya. "Mas mabuti pang matulog ka nalang Mina."

"P-pero totoo ba? Mahal ka ni Somi?"

"Ano namang pake mo?"

"Nag tatanong lang ako."

"Masyado kang matanong, matutulog na ako." Umayos naman siya ng higaan, "Saan ako matutulog?"

"Sa tabi ko."

"H-ha?"

"Bingi kaba? Oh sige doon ka sa damuhan matulog."

Hindi na ako nag salita at humiga na sa tabi niya. Niyakap ko naman siya mula sa likod, "Pwede ba kitang yakapin kahit ngayon lang?"

Hindi siya nag salita kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at tuluyan ng nakatulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako dahil naramdaman kong wala na akong katabi, at naka rinig din ako ng palasong tumama sa pader ng kwarto ko. "Ahhh!" Nakita ko namang muntik na akong tamaan ng palaso. "Bakit ka gumalaw?" Inis na tanong ni Chaeyoung sakin.

"Tumayo kana, umaga na. Andoon sa mesa ang umagahan mo." Lumabas naman siya, parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko, muntik na akong tamaan ng palaso.

Kinain ko naman kong anong nasa mesa pero hindi ko inubos iyon, wala parin akong gana.

"Tara bilisan mo diyan." Tumango naman ako at tinakpan na ang mga pagkain na natira.

Pag labas ko ng bahay ay puro puno lang Ang nakikita ko, napaka dilim.

"Mag eensayo ako, gusto mo bang sumali?" Tanong niya saakin.

"B-bakit?"

"Tumayo ka doon, hawakan mo ang mansanas, tatamaan ko."

Halos mahimatay na ako dahil sa sinabi niya. "A-ano? Paano kong tamaan ako?"

"Anong pake ko?"

Siya ba talaga yan?

Kinuha ko naman ang mansanas at hinawakan ito, ipinagilid ko ang aking kamay at hinawakan ang mansanas at pumikit.

"Ilagay mo sa ulo mo."

"Ano?!"

"Susunod kaba o ano?"

Inilagay ko ang mansanas sa ulo ko, natatakot ako...

"Huwag kang gagalaw kahit anong mangyare."

Nginitian ko naman siya, siguro mamatay na ako, gusto ko siyang ngitian kong mamamatay man ako ngayong oras na ito.

"Umayos ka! Wag kang ngumiti!"

Tumayo ako at hindi gumalaw, "Wag kang ngumiti!" Sigaw niya ulit pero hindi ako nakinig, ngumiti padin ako.

"Hays!" Binitawan niya at palaso at tumama ito sa mansanas. "Napaka kulit mo! Sabing wag kang ngumiti!"

Bumigay naman ang katawan ko at napahiga ako sa damuhan, b-buhay pa ako?

"Hindi ka patay tumayo ka diyan."

Hindi ko sinunod ang sinabi niya, kailangan ko bang humingi ng malalim.

"Napaka tigas ng ulo mo."

Kinuha niya ang mansanas at ibinato saakin, "Dahil napaka kulit mo, iyan lang ang magiging tanghalian mo."

Ngumiti naman ako, kahit papaano ay may kakainin ako. "Salamat Chaeyoung."

Hindi siya tumingin sakin at lininisan ang palasong ginamit niya kani kanina lang.

"Huwag kang aalis sa lugar na ito tandaan mo, ayaw kong mapatay ka ng ibang taga bantay, gusto kong ako ang gagawa noon."

"Handa akong mamatay basta masaya ka lang Chaeyoung."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Devil's Angel || michaeng ||Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum