Black & White

219 12 1
                                    

Naglalakad sa mapunong banda ng bundok si Chaeyoung, kakatapos lang niyang mag sanay, mas dumami ang kaalaman niya kahit isang linggo pa lang silang nag sasanay ni Somi, napaka lakas talaga ng kaniyang dating Hineral.

Habang nag lalakad siya sa gubat ay may napadaang isang kulay berdeng paru-paru. "Kaibigan naliligaw kaba? Hindi pa ako nakakita ng kagaya mo." Napangiti naman si Chaeyoung dahil sa nakita niya, Hindi pa siya nakakita ng ganoong paru-paru.

"Ayaw ko sanang ikwento ito sayo ngunit alam mo bang ang taong mahal ko ay kinamumuhian ko na ngayon?" Dumapo naman sa balikat ni Chaeyoung ang paru-paru na tila naiintindihan ang bawat salitang kaniyang binibigkas. "Masaya ako at makikinig ka saakin."

Lumipat ang paru paru sa ulo ni Chaeyoung, tumawa naman siya dahil para siyang batang nakikipag usap sa kaniyang munting kaibigan. "Nakilala ko siya sa palasyo, hindi ako makapaniwalang siya ang prinsesa kaibigan, napaka ganda niya, mabait at alam kong mahal niya ako, hinintay niya ako ng anim na taon, oo kaibigan anim na taon diba napaka tagal non."

Bago pa man maituloy ni Chaeyoung ang kaniyang kwento ay may lumapit sakaniyang isang kuneho. "Kaibigan nais mo din bang makinig?" Lumapit naman ang kuneho sakaniya at ikinawag ang kaniyang buntot.

"Hahaha napaka ganda dito, hindi ko akalaing kabaliktaran ang mga naririnig ko tungkol sa kahariang ito." Mas natuwa siya ng may lumapit nanaman sakaniyang isang ibon nakulay asul, tila ba isa siyang prinsesa na lapitin ng mga magagandang mga bagay.

"Hinintay niya ako ng anim na taon, mahal ko siya, tatlong linggo kaming nag sama ngunit hindi palagi dahil may paparating na digmaan.." bahagyang napatigil si Chaeyoung sa pag sasalita at pinunasan ang luhang tumulo sa kaniyang kanang mata, "At noong dumating ang digmaan ay nakitil ang buhay ng aking ina, napakasakit isipin na ang mismong kaharian namin ang naka patay sakaniya." Medyo natawa naman si Chaeyoung sa ginagawa niya dahil kinakausap niya ang tatlong hayop sa tabi niya.

"Masaya ako at pinakinggan niyo ako, dadalawin ko kayo dito kong andito pa kayo sa mga susunod na araw, kikwentohan ko ulit kayo mga kaibigan. Masaya ako dahil hindi niyo ako nagagawang pag tawanan." Tumayo naman si Chaeyoung at nag simula ng lumipad papalayo ang paru paru at ang ibon, maging ang kuneho ay lumukso na papalayo.

"Mina mahal kita ngunit bakit?!" Sigaw ni Chaeyoung sa kakahuyan, wala siyang pake dahil alam niyang ang mga daon at sanga lang ng puno ang makakarinig sakaniya.

Nag lakad lakad pa siya hanggang narating niya ang kabilang dulo ng Gubat. Nagulat siya ng makarinig ng pamilyar na boses.

"Napaka ganda pala dito, pag nahanap natin sila gusto kong maupo dito kasama si Momo."

Tumingin naman siya kong saan nanggagaling ang boses na kinababaliwan ng kaniyang kapatid.

Hinahanap nila kami? Tanong ni Chaeyoung sa kaniyang sarili.

"Mina hindi ka dapat narito, mapapaslang ka ng mga sundalong makakakita sayo...." May halong pag mamahal at galit na sambit ni Chaeyoung.

"Ayaw kong mapatay ka ng mga sundalo galing sa kahariang ito..." Pag papatuloy ni Chaeyoung habang kinukuha niya ang pabango galing sa bulsa nang kaniyang maganda at mapulang kasuutang pang digma.

"Gusto kong ako mismo ang pumatay sayo at makita ang dugo mo sa mga palad ko." Tinakpan ni Chaeyoung ang kaniyang ilong at pinisil ng bahagya ang pabango, sapat na iyon upang mapunta sa direksyon ng mag pinsan na nag uusap.

Nang makita niyang nahihilo na ang dalawa ay ipwenesto na niya ang kaniyang sarili.

"Mina..."

Kasabay ng pag bigkas ng kaniyang pangalan ay sabay na tumunba sa damuhan ang dalawa. Kukunin na niya sana ang dalawa ng may pumigil sakaniya.

"Chaeyoung anong ginagawa ko dito? Balak mo bang bumalik saating dating palasyo." Itinuro naman ni Chaeyoung ang dalawang babaeng walang malay.

"D-dahyun..."

Hinila ni Chaeyoung si Momo at sinenyasang buhatin si Dahyun para sakaniya, pag kabuhat ni Chaeyoung kay Mina ay narinig niya ang sinabi ng dalaga.

"Chaeyoung tulungan mo ako."

Agad nilang itinakbo sa madilim na parte na gubat ang dalawa.

"Anong balak mong gawin ngayon Chaeyoung?" Tanong ni Momo kay Chaeyoung.

"May alam akong abandunadong bahay sa gitna ng gubat na ito, nakita ko iyon noong isang araw."

Tumango naman si Momo at sinundan kong saan man pupunta ang kaniyang nakababatang kapatid.

Nakarating sila sa gitna ng gubat makalipas ang halos dalawang oras na pag lalakad, napaka lawak ng gubat na ito.

"Pagod na ako Chaeyoung buti nalang at andito na tayo."

Ipinasok naman nilang dalawa ang dalawang dalaga sa isang lumang bahay.

Halos wala na ding laman maliban sa isang katre at ilang mga upuan at mesa.

Inilapag naman nila sa katre ang dalawang dalaga, "Mag hanap ka ng kandila." Tumango si Momo at nag simula ng mag hanap ng kandila.

Ilang minuto ng pag hahanap ay naka hanap siya ng isang kandila, ngunit paano nila ito sisindihan?

"Wala tayong apoy."

Lumabas naman si Chaeyoung at nag hanap ng dalawang bato, ng makahanap siya at ikiniskis niya ang dalawang bato at ilang minuto ng pag kikikiskis ng mga bato ay naka gawa siya ng apoy na agad na napunta sa isang dahon at sinindihan niya ang kandila.

Pag balik ni Chaeyoung sa loob ay nakita niyang nakatali ang dalawa, tinignan niya naman si Momo, "Ano? Malay mo tumakas sila."

"Hinding hindi mangyayari iyon."

Inayos ni Chaeyoung ang mga gamit sa loob ng bahay dahil naisipan niyang doon muna patirahin ang kaniyang mahal na Prinsesa, hindi naman habang buhay ay dapat siyang pag silbihan diba? Pwede din siyang pahirapan.

"Tulong!!!"

Agad na pumunta si Chaeyoung sa silid kong nasaan ang dalawang pinaka makapangyarihan sa dati niyang kahariaan ngunit naisip niya na walang kwenta ang kanilang pera lalo na't nasa ibang kaharian sila.

"Chaeyoung! Mahal ko! Tulungan ko ako!" Pilit na kumakawala si Mina sa pag kakatali, tinitignan lang siya ni Chaeyoung.

"Sa tingin mo bakit ko gagawin iyon?" Natakot si Mina sa tono ng pag sasalita ni Chaeyoung pero pilit parin siyang nanghingi ng tulong sakaniya. "Tulungan mo kami Chaeyoung." Tumawa naman ng bahagya si Chaeyoung at lumapit kay Mina, hinawakan nila naman ang baba ng dalaga at ipinaharap sakaniya.

"Napaka ganda mo Mina, pero napaka walang utak niyong mag patakbo ng kaharian." Nagulat naman si Mina dahil sa ipinakitang pag uugali ni Chaeyoung sakaniya.

"Mahal ko anong sinasabi mo?" Tinakpan ni Chaeyoung ang kaniyang dalawang tenga dahil patuloy lang siyang tinatawag ni Mina ng ganoon.

"Wag mo akong tawaging ganiyan Mina, baka mag sisi ka." Hinalikan naman ni Chaeyoung si Mina sa labi, puno ng galit at lungkot.

"Alam mo ba kong anong ginawa mo saaking ina?" Pumasok si Momo at nakita si Dahyun na gising na pero hindi padin nag sasalita. "Pinatay niyo ang aming ina."

Tumingin naman si Mina sa mag kapatid, "H-hindi n-namin g-ginu--"

Hinalikan ulit ni Chaeyoung si Mina kaya natigil siya sa pag sasalita, "Wala akong pake sa sasabihin mo."

Tumayo si Chaeyoung at lumapit kay Momo, Hindi alam ni Mina ang pinag uusapan ng dalawang mag kapatid pero tatakot siya.

Tumingin ulit si Chaeyoung sakaniya, "Maligayang pag dating sa impyerno, mahal kong prinsesa." Tumawa naman ni Chaeyoung at lumabas ng silid. Ngumiti si Momo at lumapit kay Dahyun.

"Mahal kita pero bakit niyo siya pinaslang?" Tinignan ni Momo si Dahyun sa mata ngunit hindi nagawang mag salita ni Dahyun.

Umalis na din si Momo at iniwan silang dalawang nakatali sa katre ng isang silid.

"Bakit siya ganon? A-anong n-nangyare sakanila?"

~~~~~~

Gusto ko sanang mag Add ng smut dito pero naalala ko HISTORICAL FICTION toh 😂😂

Devil's Angel || michaeng ||Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum