Chapter 5

1.1K 21 0
                                    

In his perspective...

I found myself here in Tagaytay after a long travel. Malayo man yung inilakbay ko papunta dito, hindi naman nalalayo yung sakit ng puso ko kanina sa ngayon

Bakit kailangan pa nila akong lokohin? Bakit pinagmukha pa nila akong tanga at pinaasa pa ni Sofi na pwede pang maging kami?

Nakita kong biglang kumidlat sa isang parte ng langit at alam kong anytime, pwedeng umulan. Pero hindi muna ako umalis sa rooftop ng building ng condo ko

"Wala ka bang balak pumasok? Mukhang uulan na ah..." nagulat ako nung may biglang nagsalita kaya napalingon ako, at nakita kong nakatayo sa may pintuan si Bea

"How did---" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagsalita rin siya agad

"I saw you sa bar kanina and Rex saw me. Nakiusap siya sa'kin na baka pwede kitang sundan kasi mukhang maghahatid silang lahat, kaya andito ako. Sinabi niya rin sa'kin yung address mo dito..." she said and sinundan ko siya ng tingin habang papunta siya sa railings

"Why are you there sa bar?" nagkibit balikat lang siya tsaka tumingin sa langit..

"Kamusta ka na? Nawala ka ng 1 week..." tanong ko sa kanya

"I think ako muna dapat yung nagtatanong sa'yo niyan, kamusta ka? Care to make kwento?" tanong niya and looked at me. Ako naman yung napatingin sa langit, kamusta nga ba ako? Gusto kong sabihin na ayos lang ako pero ayokong lokohin yung sarili ko at tingin ko si Bea yung makakaintindi sa'kin ngayon

I told her everything, simula sa nagkatinginan si Sofi at Marck, hanggang sa nahuli ko silang magkayakap sa rooftop ng bar

"I never thought na kaya nila akong lokohin. Sobra akong nasaktan, Bea..." sabi ko sa kanya. May isang luha na tumulo sa mata ko pero agad ko ring pinunasan

"Di mo naman kailangang magpigil ng feelings mo, Thirdy. Minsan kailangan mo rin talaga hayaan yung sarili mo na maging malungkot para maramdaman mo na buhay ka pa..." tumayo siya and inoffer niya yung kamay ko

"I think sa maling simula tayo nag umpisa. Kaya let's make this right..." inabot niya yung kamay niya sa'kin para makipagshake hands "Hi, I'm Isabel Beatriz De Leon!"

I reached out for her hand and smiled a little... "Hi, I'm Ferdinand Ravena III, Thirdy na lang.."

Kasabay ng pagdikit ng mga kamay namin, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagkatinginan kami tsaka tumakbo papasok ng building. Pero dahil malaki yung rooftop at sobrang lakas bigla ng ulan, nasa gitna pa lang kami pero basang basa na kami kaya tumigil ako

"Huy bakit ka tumigil?" tanong niya sa'kin

"Basa na rin naman ako ehh. Hahayaan ko na lang na bumuhos yung ulan sa'kin. Baka sakaling by that, matangay na ng ulan yung sakit na nararamdaman ko..." seryoso kong sabi sa kanya habang ninanamnam ko yung patak ng ulan na tumatama sa'kin

"Ang corny mo naman..." sabi niya sa'kin habang nakasmirk at halata mong inaasar ako. Aba binubully na ako agad

"Ahh ganon..." tumakbo siya kaya hinabol ko siya dito sa rooftop, at sa mga oras na yun, nakalimutan ko na may problema pala ako at tanging nararamdaman ko lang ay saya na para akong bumalik sa pagkabata kung saan maayos lang lahat

---

In her perspective...

Pagkatapos naming maghabulan sa rooftop, humina na nang konti yung ulan. Napagod din kami kaya nagdecide kami na tumigil na muna and pumunta na lang ulit sa railings

Misguided StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon