Chapter 8

1.1K 22 0
                                    

In her perspective...

Hindi ako makaisip ng gagawing palusot. Kaya palipat lipat ng tingin si Thirdy sa'ming dalawa...

Please sana di niya sabihin
Please sana di niya sabihin
Please sa---

"Uhh kasi, niligawan ko dati si Bea..." ayyy ouch naman tayo dyan. Tas diretsahan pang sinabi na niligawan ako. Hindi na lang sinabi na magkaibigan kami

"Whoa small world..." sabi naman ni Thirdy kay Ice. Napangiti na lang ako pero naaawkward ako ngayon

"Bakit pala kayo nandito?" tanong ni Ice sa aming dalawa.. Ehh siya kaya tanungin ko kung bakit siya nandito?

"Tinakasan ko si Sofi ehh. You know what happened naman..."

"Ooohh I see. Sige mauna na ako ha. Ingat kayo..." tapos tumingin siya sa'kin, "See you later Bei!" nginitian niya kami at saka siya umalis. I pinched myself para malaman kung totoo bang nangyayari 'to, pero sad to say, totoo nga talaga. Pagkalabas ni Ice sa door, kinausap na ako ni Thirdy

"Di mo naman nabanggit sa'kin na niligawan ka pala ni Ice. Mamaya nagagalit sa'kin brodie ko tapos magkikita pala kayo later..." sabi niya sa'kin tapos parang inaasar pa ako

"Hay nako Thirds. Diba nga sabi niya dati yun. Kaya wala na yun no..." I felt a little pinch in my chest everytime na sinasabi ko yung word na "dati",
because it still hurts na hindi ako yung pinili niya

"Ehh bakit kayo magkikita?" tanong njya sakin na may hint pa rin ng pang aasar

"Acads lang yun. We're working on a project together..." sabi ko na lang and tumango siya pero mukhang di pa rin convinced...

Di ko napansin na nag space out na pala ako kaya biglang nagsnap ng fingers si Thirdy sa harap ko

"You look sad Bei. You can always tell me what's going on ha..." he smiled at me with full sincerity and so I smiled back pero tipid lang. Tumahimik na muna ako saglit pero bigla siyang nagsalita

"Hoy ikaw lagi mo nga itali yung shoelace mo!" napatingin naman ako sa kanya nung bigla siyang sumeryoso tas tinignan ko rin yung shoes ko. Nakatali naman yung shoelace "... kasi I don't want you falling for someone else..." nakangiti siya nung napatingin ako sa kanya, tapos tumawa ako nang malakas

"HAHAHAHAHAHA ANG CORNY MO DUN THIRDY HAHAHAHAHAHA!!" naiiyak na ako kakatawa tas lalo akong natawa nung napatingin ako sa kanya

"Ang ganda ganda nung banat ko tas tatawanan mo lang?" pinipigilan ko tumawa pero 'di ko talaga mapigilan kaya nagpout siya..

Pero maya maya, tumawa na lang din siya. Narealize niya siguro na corny talaga siya... Huminahon na rin naman ako kasi tinitignan na ako nung mga tao pero natatawa pa rin talaga ako

"Ayan! Dapat nakatawa ka lang lagi para cute ka naman. Ang pangit mo kapag nakabusangot ka!" hahampasin ko sana siya pero nakailag siya kaagad "Kita mo 'to pinatawa na nga manghahampas pa.."

"Che! Maganda pa rin naman ako kahit na malungkot. Tsaka I thought guys like sad, lonely girls..." kumunot naman yung noo niya. Mannerism niya na yata 'to simula nung nagkakilala kami

"We like it more when girls laugh and smile..." inilapit niya yung kamay niya sa face ko and stretched my lips to form a smile. Nagsmile naman na ako on my own kaya he pinched my cheeks na lang pero hindi madiin

"Hay nako halika na nga. Balik na tayo sa Ateneo..." aya niya sa'kin. So kinuha ko na lang yung coffee ko na hindi pa ubos tsaka ako sumunod sa kanya

Misguided StarsWhere stories live. Discover now