Chapter 38

762 30 6
                                    

"Beaaaaaaaa!"

Pagkalabas ko ng airport, sinalubong agad ako ni Trey and ng family ko. I waved at them and pinuntahan na nila ako

"Anak how's your flight?" tanong ni Dad sa'kin after ko magbeso sa kanila

"It's okay dad. I slept most of the time so I feel okay…" I answered

"You want to grab something to eat?" tanong ni Mom

"I'm good Mom. I just want to rest po muna. It's so early..." 6 am pa lang kasi. They agreed lang and binuhat na ni Dad yung mga luggage ko

"Babaita namiss kita!" Trey hugged me tight and medyo naiiyak pa siya

"Namiss din kita pero bakit naman umiiyak ka?" tanong ko

"Gaga siyempre walong taon kang walang pakita sa'min. Masyado mong kinareer pagiging biotechnologist mo…" tinawanan ko na lang siya and hinug ko na lang siya ulit

"Bei sumabay ka na kay Trey. Convoy na lang tayo…"

"Yes Mom!"

Tumingin ako kay Trey and medyo umokay naman na mukha niya

"Tara sakay na!"

Sumakay na ako sa passenger seat ni Trey and nung umandar na yung car ni Dad, sumunod na lang kami

"Ready ka na ba?" tanong niya sa'kin. Napatingin tuloy ako sa kanya

"Saan?"

"May 28 ngayon baka nakakalimutan mo…" I sighed. How could I forget?

"I've waited so many years for this moment, Trey. Pero kahit na ilang beses ko pala sabihin sa sarili ko na ready ako sa kahit anong outcome, andun yung kaba…" I looked outside the window and listened to my heartbeat

"Kumusta na siya Trey?" lumingon ako sa kanya and napansin ko na nagtense yung body niya

"I haven't heard from him since nung nagbreak kami ni Rex. Sina Pao at Luigi na lang nakakausap ko and wala naman silang nababanggit about him..." sagot niya. Hindi na ako nagtanong ulit kasi nafeel ko na hindi rin siya comfortable since nabrought up si Rex

Nung nakarating kami sa bahay, nagpaalam na rin agad si Trey kasi may pupuntahan pa raw siya mamaya…

Namiss ko yung room ko rito. It's been the same since I left it. Although malinis naman. Nakita ko yung mga naka-hang na polaroid pictures namin ni Thirdy sa wall ko and medyo nagfade na sila

"See you later, Thirds... I hope so…"

I changed my clothes and freshened up a little before ako natulog

---

Nagising ako ng mga lunchtime. Mom cooked baked crabs and sinigang na hipon for me since they're my favorites. Hays nakakamiss talaga kapag lutong bahay. Iba yung warmth na dala ng food

After ko kumain, dumiretso na ako sa room ko. Naghahanap ako ng damit na pwede kong isuot. Kakahalungkat ko, I've decided to wear the good ol' high-waist jeans, loose blouse and boots na lang para 'di na ako mag isip...

"Bea?!" Mom shouted on the other side of the door

"Come in!" the door opened and nakita ko si Mom na nakaayos

"You're going somewhere Mom?" pumasok siya and umupo sa edge ng bed ko

"Yeah. I'll just stop by sa office kasi may kailangan akong pirmahan…" I just nodded and continued fixing my clothes

Misguided StarsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora