Chapter 35

768 30 2
                                    

In her perspective…

Today is the day of our graduation, and also our anniversary. Masaya ako na after all these years, nagbunga lahat ng late night study sessions and pagtakas ko sa bahay. Pero at the same time, malungkot kasi aalis na ako day after tomorrow. So bittersweet

Nandito ako ngayon sa bahay kasi kasama ko sina Mom and Dad sa graduation, and also dahil nag-iimpake na ako ng gamit ko. Si Kuya Loel naman daw hindi makakapunta dahil sa dami ng workload. Well, naintindihan ko naman

"You look so pretty anak!" sabi ni Mom pagkakita niya sa'kin habang bumababa ako sa stairs namin

"Thanks Mom! Nasan na po si Dad?"

"He's outside lang. He's calling the venue lang for the event later…"

I just nodded. Umupo muna ako sa sofa kasi nakaheels ako, and I'm not used naman sa heels so medyo hassle.

Maya-maya lang, tinawag na kami ni Ate Mae kasi nasa car na raw si Dad

"Congratulations anak!" salubong sa'kin ni Dad

"Thank you po Dad!" I hugged him and he kissed the top of my hair

"Parang dati lang lampa ka pa…"

"Dad naman ehh!" nagpout lang ako tapos tinawanan niya lang ako

Tinawag naman namin si Ate Mae para picture-an kami

"Hay nako sige na sakay na kayo sa car. Baka malate pa tayo… Thank you Mae ha…"

"Wala po yun sir. Ingat po kayo, at congrats Bea!"

"Thank you Ate Mae! Sunod po kayo mamaya sa celebration ha?"

"Oo naman Bea. Ingat po kayo!" nagwave lang siya sa'min and we made our way na papuntang Ateneo

Marami ng tao pagkarating namin. Umikot-ikot yung mata ko para hanapin si Thirdy and friends namin. Nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko

From: Boo ❤

Look behind you

Pagtalikod ko, nakita ko na agad siya. He's smiling widely while holding a bouquet of blue roses kaya hindi ko na rin mapigilang mapangiti

"Hi…"

"Hi…"

Inabot niya sa'kin yung flowers and kiniss ako sa noo. Hays nakakakilig! Nagmano naman siya kay Mom and Dad afterwards

"Uyy baka mapunit yung labi mo sa sobrang ngiti mo…" natawa naman ako sa sinabi niya kaya niyakap ko na lang siya. Nakita ko si Mommy Mozzy and Daddy Bong na naglalakad kaya sinalubong ko na sila

"Hi Mom! Hi Dad!" nagmano ako sa kanila and they just smiled

"Mamaya na yung regalo namin sa'yo Bea ha?" sabi ni Mom. Nahiya naman ako kaya umoo na lang ako

"Beaaaaa!!!!" napatingin ako sa sumigaw nung pangalan ko and nakita ko si Trey na tumakbo papunta sa'kin

"Trey!" nagbeso ako sa kanya

"My gosh I can't believe na gagraduate na tayo!!!"

"Oo nga ehh. Asan sila?"

"Ayun nauna na sa loob... Si Luigi naman, kinakausap pa yung sa catering para mamaya. Buti talaga pumayag parents natin na isang celebration lang sa barkada natin 'no?"

Misguided StarsWhere stories live. Discover now