Chapter 9

1K 28 4
                                    

In his perspective...

Pagkatapos ko umuwi ng bahay para magpalit ng damit, nag grab na lang ako papunta sa Butterfly Garden. Para kung sakali man na hindi maganda yung kakalabasan ng usapan namin, makakainom ako na 'di iniisip kung paano ako magdadrive pauwi

Dumating naman kaagad yung grab and sumakay na ako. Tumingin ako sa labas and napaisip ako. Ano ba yung dapat kong sabihin? May kailangan ba talaga akong sabihin? May mali ba sa'kin?

Napabuntong hininga na lang ako. Sobrang dali pala mag overthink kapag 'di ka nagdadrive. So I scrolled sa playlist ko and just listened to a bunch of music para matigil na yung pag ooverthink ko

After half an hour or so, nakarating naman na ako. Pumasok ako sa entrance and sobrang na amaze sa itsura sa loob ng garden

It's literally a garden na may nakasetup na stage sa harap. Glass yung pinakabubong nung place kaya pwedeng makita yung moon and stars pero cloudy ngayon kaya di sila makita. It looks like a huge wedding reception because of the aesthetic lights and dahil na rin sa iba't ibang klase ng butterflies na lumilipad. Pinagkaiba nga lang, pwede kang magchill dito at uminom, at lalong walang ikakasal dito

I looked around and nakita ko naman si Sofi sa may table sa gilid kaya pumunta na ako dun kaagad

"I'm so glad na pumunta ka Thirds.." she smiled a little but I just nod..

Umupo ako sa tapat niya and hindi nagsalita. Tinignan ko yung paligid and sighed. This place is so beautiful to be ruined by a bad memory, but wala naman na akong choice kasi andito na kami

"Thirds..." Sofi called me with a soft and mellow voice. I just looked at her and she continued

"I know na I'm such a jerk dahil sa ginawa ko. I should've told you earlier... Pero si Marck talaga yung gusto ko ehh..." parang piniga yung puso ko sa sinabi niya. I thought kaya ko na i endure kasi alam ko naman na, pero masakit pa rin pala 'pag galing sa kanya

"I know galit ka kay Marck, pero it's my decision na itago sa inyo na nililigawan niya ako..." she continued

"Pero bakit kailangan niyo pang itago sa'kin?" sabi ko habang pinipilit kong 'di magcrack yung boses ko

"Kasi ayoko masaktan ka Thirds. Importante ka na rin sa'kin ehh... pero hindi ko alam na ganito pala yung kakalabasan ng lahat..." she lifted her head and tumingin sa'kin

"I guess nasaktan pa rin naman kita so I just made a fool out of myself..." she chuckled pero niyuko niya rin kaagad yung ulo niya "Tapos nasira ko pa yung friendship niyo with Marck..."

Hindi na ako makatingin sa kanya kasi feeling ko at any point, magiging emotional ako. Kaya tinawag ko na lang yung waiter and umorder ng drinks

"Thirds?" tawag niya ulit sa'kin kaya napatingin ako. Hinawakan niya yung kamay ko and tinignan ako sa mata

"I hope you can forgive me, and sana mapatawad mo rin si Marck..." she paused for a few seconds but she continued

"Inaamin ko na masaya ako sa'yo Thirds, pero mas nailalabas ko yung totoong ako kapag kasama ko siya... at hindi mo yun kasalanan..."

"Ayokong isipin mo na may mali sa'yo. You're the man Thirds, a complete catch. I know somewhere out there, may isang babae na deserve lahat ng love na binibigay mo, and sadly, hindi ako yun.."

Inabsorb ko lahat nung sinabi niya and masakit isipin na hindi ako naging enough para sa kanya. Napabuntong hininga na lang ulit ako at saka siya tinignan

Misguided StarsWhere stories live. Discover now